Chapter 16

3.4K 139 7
                                    

Chapter 16

I was hopping like a happy kid as I walk in the middle of corridor. May dala pa akong paper bag na may lamang lunch namin mamaya ni Gaddiel.

My short hair was effortlessly bouncing with my every moves. Wala rin ang karaniwan kong straight face habang papasok sa eskwelahan. Sa katunayan ay nangingiti pa ako ngayon habang naglalakad.

Biyernes nga pala ngayon. Next week ang quarterly exam at pagkatapos niyon ay sports day na. Wala akong sinalihang sports dahil mas gugustuhin ko nalang na makipag-make out kay Gaddiel habang busya ng lahat sa panonood ng mga naglalaro.

Napailing ako sa naisip at bahagyang natawa. Mamaya baka i-report na talaga ako ni Gaddiel. Sexual harassment gano'n.

"Kye!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Tumigil ako sa paglalakad nang makita si Thelma na papalapit sa akin.

"You look weird," bungad niya agad sakin. Tiningnan niya pa ako mula paa hanggang ulo saka ngumiwi nang tumigil ang mga mata niya sa mukha ko.

Umismid ako. "You, are weird," balik ko sa sinabi niya. Bawal na bang ngumiti mag-isa ngayon? This girl!

She just made a face before we continue walking towards our classroom.

"Weekend, may gagawin ka bukas? I'll tag along ha,"

Kilala niya talaga ako. Tuwing weekend ay lagi akong may pinupuntahan, nagta-try ng bagong experience. Minsan ay sumasama silang tatlo sakin pero madalas ay itong si Thelma talaga ang gaya-gaya.

"Wala, magre-review lang ako." sambit ko.

Kumunot ang noo niya. "Review?"

Pinagsalubong ko rin ang kilay ko sa harap niya. Maarte niya akong inirapan.

"Kailan ka pa nag-re--" tumigil siya nang tila may napagtanto. She then groaned like a mad kid. "Seriously, relationship goal niyo ba 'yon ni Gaddiel? Review together? Ugh, boring! I can't believe you! Payag ka do'n?"

I flared my nose at her. "Who told you it will be boring?" I then smirked.

Eksakherada niyang sinapo ang bibig nang makita ang ngisi ko. "OMG! Really? Gosh!" she fanned herself bago impit na bumulong sakin. "Nagkiss na kayo?"

I only flipped my hair at her. Saka ko siya inunahan sa paglalakad.

"Kye! You sneaky cat!"

I giggled. Really, am I?

×××

"Good morning,"

Kulang nalang umulan ng hearts at flower petals sa paligid nang batiin ako ni Gaddiel pagpasok ko sa classroom.

Tumayo siya nang makita ako saka binati ako nang tuluyan akong makalapit. May nahihiyang ngiti sa labi niya na mas nagpaganda pa ng araw ko.

"Good morning, Gaddiel!" I exclaimed. May ibang napalingon sa amin pero hindi ko iyon pinansin. Habang si Gaddiel naman ay nakayuko nalang.

"Gaddiel, look," wika ko nang mailagay ko ang bag ko sa upuan. Itinaas ko ang hawak kong paper bag para ipakita iyon kay Gaddiel. He look at me in cluelessness.

"Lunch natin," sabi ko.

Ramdam ko ang matalim na tingin sakin ni Thelma na kapapasok lang ng classroom. I only stick out my tongue at her bago ko ibinalik ang atensiyon kay Gaddiel.

"I told you, you don't have to, Lia."

"Pero nandito na. Wala ka nang magagawa. And besides, pumayag ka na kahapon." giit ko bago nilagay sa malapit na cabinet ang paper bag.

his innocenceWhere stories live. Discover now