Chapter 20

3.4K 150 49
                                    

Chapter 20

Never akong tumulong sa paggawa ng booth tuwing School Festival, ngayon lang.

Inilapit ko ang bibig sa tapat ng tenga ni Gaddiel. "Hey," sinadya kong laliman ang boses.

Nabitawan niya ang gunting at sinapo ang tenga. Nagtatanong ang mga matang bumaling sakin si Gaddiel.

"Is this okay?" tanong ko sabay pakita ng ginugunting kong glitter foam.

Tiningnan niya ang gawa ko saka nangingiting tumango. Tumaas lamang ang kilay ko saka pinagpatuloy ang ginagawa.

I really don't want to do this but since Gaddiel wanted to help our section, then I think I can be a little help too.

We're doing Maid Cafe for our booth this year. It was actually Ichika who suggested it. It's quite cute idea so everyone agreed.

Speaking of Ichika, noong isang araw ko pa siya nahuhuling nakatingin lagi sa amin ni Gaddiel. Minsan ay sinasadya ko talagang mag-PDA kami ni Gaddiel para ma-umay siya sa panonood sa amin pero hanggang ngayon yata hindi parin siya nauumay.

Does she like my boyfriend or what? Like him all you want Ichika but you can't get him. He's mine.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli ko na naman siyang nakasulyap sa amin habang nagsusukat sila ng iba naming kaklaseng babae ng maid uniform na isusuot nila sa opening.

She's small, pale and thin. Mabala ang itim at unat niyang buhok. She suited in maid uniform very well. Para siyang iyong sa mga manga at anime. Japanese nga pala siya, I almost forgot.

Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin nang mahuli ko siyang nakamasid sa amin ni Gaddiel.

"Are you friends with her?" bigla kong naiusal. Nagtatakang nilingon ako ni Gaddiel. "Are you friends with Ichika?"

His eyes narrowed a bit before he shook his head. "No," he replied shortly with his innocent eyes.

Napangisi ako bago nagkibit-balikat saka isinandal ang ulo sa balikat ni Gaddiel at tamad na nagpatuloy sa paggugunting. Kapwa kami ngayon magkatabing naka-Indian sit sa sahig habang ang iba ay busy sa decors sa kisame at mga tables. Bukas na ang unang araw ng School Festival kaya busy ang lahat.

Ang mga ayaw namang tumulong ay absent o kaya'y kung saan-saan nang classroom napupunta. Gaya ng mga kaibigan ko, nandoon yata sila sa classroom ng mga boyfriend nila.

"Are you tired, Lia?"

I rolled my eyes when Gaddiel spoke softly. Ibinaba ko ang ginugunting ko saka isinubsob ang mukha sa leeg niya. Muntik na siyang matumba pero hindi naman umangal. Pansin ko nga lang ang pagbigat ng hininga niya.

"I feel sleepy, Gaddiel." I mumbled on his sensitive skin. Halos marinig ko ang paglunok niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang masamang balak sa leeg niya.

Damn, honey, now I'm hungry. Napapikit nalang ako at kulang nalang ay yakapin siya.

"Y-you should sleep in the clinic, Lia,"

Umiling ako at mas itinago pa ang mukha sa leeg niya. "Here's much better."

"Then--"

"Hush..."

"O-okay," pagsuko niya. Saka ko naramdaman ang marahan niyang pagsandal sa dingding para mas maging komportable kami. Napangiti ako habang siya ay nagpatuloy sa paggugunting. Maingat na ang galaw niya.

Heavens...

Hindi naman talaga ako inaantok pero sa sobrang komportable ko sa gilid ng leeg ni Gaddiel, hindi ko namalayang totoong nakatulog na pala ako.

his innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon