Chapter 5

3.7K 145 15
                                    

Chapter 5

For the first time, nagpasalamat ako na ginugulo ako ng mga kaibigan ko klase. Halos walang teachers sa sumunod naming mga klase dahil nagkaroon daw ng emergency meeting ang buong faculty para na nalalapit nang School Festival. Nagbilin naman sila ng sitworks, iyon nga lang ay parang palengke ang loob ng classroom namin.

Matatagalan na naman ang mga janitors mamayang maglinis ng kuwarto namin panigurado.

Nang mag-uwian ay parang gusto ko na agad takbuhin ang gate. Bukod sa parang hindi pa ako nakamove on sa pagngiti sa akin kanina ni Gaddiel ay gusto ko na ring matapos ang araw na ito at para bukas ay magkakaroon ako ng dahilan na lapitan at kausapin siya. Kunwari tapos ko na agad basahin ang libro. Ibabalik ko iyon sa kanya at iyon ang magiging laman ng usapan namin. Naiilang ako at the same time nai-excite para roon.

Naiilang dahil bago para sa aking magpapansin at nai-excite dahil kanina hanggang sulyap lang ako sa kanya habang nagsasagot siya ng sitworks. Halos hindi ko nga yata nakitang umahon ang ulo niya hanggang sa matapos niyang magsagot.

"Bye!" sigaw ko kina Adi bago ako dali-daling lumabas ng classroom namin.

Alam ko namang maya-maya pa ang mga iyon uuwi. Gano'n talaga pag may boyfriend sabi nila.

Hinihingal ako nang makalabas ko sa main gate ng campus. Mukhang ako pa yata ang pinakaunang lumabas.

As expected, wala pa ang sundo ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Kuya Kito, ang driver ko mula nang mag-aral ako.

To: Kuya Kito
Pasundo na po ngayon.

Thirty minutes away ang bahay namin dito sa school at maghihintay pa siguro ako ng gano'n katagal. But I understand, usually kasi umuuwi ako isang oras pagkatapos ng uwian namin para makisabay kina Thelma kaya madalas lagpas alas singko na ako sinusundo ni Kuya Kito.

But not today, iinggitin lang nila ako lalo mamaya sa Starbucks panigurado pag sumama pa ako.

Dati pa naman akong nagiging third wheel madalas sa labas nila pero never naman akong nainggit. Ngayon lang talaga! Ngayong naisipan kong mag-boyfriend na rin.

Plaza sa harap ng eskwelahan namin kaya tumawid ako sa kalsada para umupo sa dulong swing habang hinihintay ang sundo.

And me being so unlucky today, I saw a kissing couple near the big mahogany tree not so far away from me. Hindi sila kita sa bangdang school dahil nagtatago yata sila sa puno pero sa puwesto ko ngayon ay kitang-kita ko sila.

Napairap ako sa pinaghalong inggit at inis. Great!

Kinabukasan ay sobrang aga kong nagising. Wala pang six ng umaga, nasa loob na ako ng classroom namin. Wala pa roong ibang tao kundi ako palang.

Hindi ko alam kung bumawi sa akin ang tadhana o ano dahil kung hindi swerte ang tawag sa sitwasyon ko ngayon hindi ko na alam kung ano pa.

Naipasada ko ang tingin sa kaklaseng pumapasok ng classroom. Malaki ang uniform at pangit ang posture habang nakahawak ang dalawang kamay sa strap ng bag niya. Pero kahit gano'n ay bahagya paring napaawang ang bibig ko habang nakikita kong dahan-dahan bumabagal ang hakbang niya papunta sa upuan niya nang makita niya rin ako.

Basa ang buhok niya, mas bagsak na bagsak iyon ngayon at parang mas lalong humaba. Para siyang kumikinang sa paningin ko habang papalapit siya nang papalapit.

Sa katunayan ay maraming lalaking nagkakagusto sakin dito sa school. Kung desperada talaga akong magka-boyfriend ay pwede akong pumili nalang ng isa sa mga iyon. Iyong pinakaguwapo at pinakasikat.

But my decision is concrete now. I only want Gaddiel Ivan Sandoval. Siya lang talaga ang gusto kong gawing boyfriend.

Sumabog ang mabangong amoy niya sa paligid. Muntik na akong mapapikit para masamyo iyon nang mabuti.

his innocenceWhere stories live. Discover now