Chapter 15

3.4K 135 13
                                    

Chapter 15

I know I'm doing it right. My eyes are both shut.

"Lia..." Gaddiel muttered breathlessly between our lips.

I only groan and continue kissing him. Now that I already knew how this felt like, I can't help but add this to my favorite hobby now.

I feel so addicted to it. To my boyfriend's sweet lips.

"L-Lia, s-stop," muling usal ni Gaddiel. Nasa balikat ko na ang dalawang palad niya ngunit hindi naman niya ako matulak-tulak.

Bahagya kong inilayo ang labi ko sa kanya. Lumikha iyon ng kakaibang tunog na mas lalong nagpapungay ng mga mata ko.

"Why?"

Hinihingal siya ngayon habang namumula ang buong mukha. "I... I can't breath,"

"Breath with your nose and close your eyes." wika ko at akmang susunggaban na naman siya nang iiwas niya ang mukha niya. Tumama sa baba ng panga niya ang labi ko.

I groaned. "Gaddiel,"

Hinuli ko ang labi niya ngunit panay ang iwas niya. Halos dumikit na rin ang buong likod niya sa pader dito sa likod ng school building.

Katatapos lang naming kumain ng lunch nang hilain ko siya rito at halikan. Takot na takot pa siya noong una, akala niya kung ano ang gagawin ko sa kanya.

Sa panglimang hagilap ko sa labi niya ay hindi na ako nakatiis. Agad kong sinapo ang pisngi niya gamit ang dalawa kong palad. Namilog ang mga mata niya sakin.

Mukha na talaga akong rapist ng boyfriend ko. Natawa ako sa naisip at binitawan na si Gaddiel. Kawawa naman pulang-pula na talaga ang labi niya.

"You threw my e-eyewear," he said hesitantly while pursing his lips a bit. Hindi na naman siya makatingin nang diretso sakin.

Kumurap ako bago umatras pa at prenteng namulsa. "Really? I didn't notice," nanunukso kong sambit.

"You d-did... you got it off me earlier." giit niya, nagsisimula nang hanapin ang tinapon ko raw na eyeglasses niya.

Siyempre, sagabal 'yon e!

Ilang segundo ko siyang pinagmasdan na pilit pinapaliit at pinapalaki ang mata para lang makita ang eye glasses niya sa lupa. Hinahangin na naman ang bagsak at itim na itim niyang buhok. He looks a lot like an anime character again. Puwera nalang siguro sa maluwag niyang uniform na parang ililipad na siya anytime.

Still, he's charming for me.

Gaddiel, you are so nakakagigil.

Napailing ako bago siya tinulungan na nahapin ang hinahanap niya.

×××

Boring ang klase pagkatapos ng lunch. Nasa klase ang buong atensiyon ni Gaddiel at gustuhin ko mang guluhin siya ay nagkasya nalang ako sa pagtitig sa likod niya buong maghapon.

Malapit na nga pala ang quarterly examination namin. Next week na.

Sige, Lia, halik halik pa. Puro halik ang laman ng utak ko nitong mga nakaraang araw. Baka mamaya kiss-kiss rin ang maisagot ko sa exam.

Ayoko man pero sige, time out muna. Nagpasya akong wag nang guluhin si Gaddiel simula bukas tuwing nasa library kami. Magre-review na rin ako.

Pero siyempre, bukas pa 'yon. Hindi pa ngayon.

"Lia..."

Natawa ako nang mag-uwian. Wala pa nga akong ginagawa pero 'yong boses ni Gaddiel parang alam na alam na niya ang gagawin ko.

"What? Wala akong gagawin Gaddiel," I said defensively, may ngisi sa labi.

Nag-isang linya ang labi niya. Inayos niya ang suot na eye glasses bago tumango sakin ng dalawang beses.

Mas lumapad ang ngiti ko. Naniwala naman.

Panay ang baling sakin ni Gaddiel habang nag-aayos siya ng gamit niya. Hindi ko naman siya nilulubayan ng tingin. Sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay tinataasan ko siya ng isang kilay.

Sa panghuling sipat sakin ni Gaddiel ay napakurap siya bago nahihiya na namang nag-iwas ng tingin.

"B-blouse mo, Lia, uh..."

Nagbaba ako ng tingin sa blouse ko at nakitang bukas na naman pala ang unang butones sa taas. Kita ang konting balat ko sa dibdib.

Balewala kong ibinutones iyon sa harap niya.

"Kanina pa... 'yon?" bigla niyang tanong sa karaniwan niyang malambot na boses.

"Hmm?" I asked because I didn't get what he meant.

"Your blouse," aniya pagkatapos tumikhim. Tumigil siya sa ginagawa at nasa may blouse ko na ang tingin. Hindi ko gaanong makita ang mata niya dahil bahagyang nagre-reflect ang sinag ng araw sa suot niyang eye glasses.

"Ahh," Nagkibit-balikat ako. "Ewan, ikaw lang ang nakapansin." ani ko.

Nakita ko ang bahagyang pagsalubong ng kilay niya bago siya nagpatuloy sa pag-aayos ng mga libro niya.

Napanguso ako nang may mapagtanto. Tumikhim ako at lumapit kay Gaddiel.

"Pag napansin mo, ikaw na magbutones, pwede naman." ani ko malapit sa tenga ni Gaddiel.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Kaagad siyang lumayo sakin, yakap na niya ang mga libro niya.

Natawa ako nang malakas sa reaksiyon niya. Sapo ko ang tiyan habang siya naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

"I'm just kidding," Napailing ako bago mabilis siyang nilapitan. Wala na siyang nagawa nang pumulupot na naman ako sa kanya. "Tara na," may bahid parin ng tawa na sambit ko.

"Hindi ka ba kumakain sa inyo? You're thin," nasabi ko habang naglalakad kami.

"I don't eat that much at home," sagot niya, parang nahihiya na naman. He's really shy all the damn time!

"Then you should eat more." I said seriously. "I'll make you a meal plan,"

"H-huh?" lito niyang turan.

"A meal plan," I smiled.

Maraming beses siyang umiling nang makuha ang sinabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata sabay piga ng bahagya sa braso niya.

Agad na nalukot ang mukha niya at tumigil na sa pag-iling.

Ngumisi ako. "So, I was saying... dadalhan kita ng lunch araw-araw. Healthy lunch. Our cook's the best kaya you don't need to worry about the taste and everything."

"But Lia, I can j-just... a-ahh," napadaing siya nang ulitin ko ang pagpiga sa braso niya.

"You don't have any allergy, right?"

Napipilitan siyang umiling saka inayos ang suot na salamin.

"Sweet tooth?"

Ngumuso siya, tila ayaw sumagot. "Hmm... cake," mahina niyang tugon.

"What?"

"Cake,"

I nodded as I take note of it in my mind. Pero wala akong tiwala sa memorya ko kaya kinuha ko ang phone ko at binuksan ang note application.

"Healthy lunch for my boyfriend and I," banggit ko habang nagtitipa sa cellphone. "Set as reminder, for later, and..." I click the save above the screen. "Saved," 

Ngiting-ngiti ako kay Gaddiel nang maibulsa ko ang cellphone ko. Samantalang nakanguso naman ang maamo niyang mukha ngayon.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. What's with his angelic expressions? Really?!

Nasa labas na kami ng gate nang bitawan ko siya at sapuin ang mukha niya para sa isang mababaw at mabilis na halik sa labi. Paatras akong humakbang palayo sa kanya pagkatapos habang nakangiti nang malapad.

Naestatwa siya sa kinatatayuan niya habang nakaawang ang mga labing pinagmamasdan akong ilang hakbang na agad ang layo sa kanya.

I giggled and wink at him. Saka tumakbo papuntang parking para sumakay na sa sundo ko.

his innocenceWhere stories live. Discover now