Chapter 12

3.5K 150 22
                                    

Chapter 12

I never thought I'd love these new experience... being in a relationship. Being with my boyfriend, Gaddiel.

Naalala ko na noong una gusto ko lang talagang makipaghalikan. I thought it was only my freaking teenage hormone-- which was very new to me and I just felt it like all of the sudden. But no, I'm happy even if we haven't kiss in the lips yet.

It's my teasing retorts and his shyness that makes my day full of rainbows and unicorns. Gaddiel is actually my favorite person now.

"The short method is easy, Lia. You only need to--" natigilan si Gaddiel nang balingan niya ako sa wakas at napansing hindi naman talaga ako nakikinig sa gusto kong ituro niya sakin na math solution. Siyempre, rason ko lang 'yon para pansinin niya ako sa loob ng library, hindi 'yong parang libro ang girlfriend niya at hindi ako.

Nakakatampo rin minsan si Gaddiel e lalo na tuwing nandito kami sa loob ng library. Kung hindi ko kukulitin, hindi niya ako papansinin.

"Oh sorry, ano ulit?" tanong ko habang nakapangalumbaba sa lamesa namin. Magkatabi kami ngayon at nakatagilid ang ulo ko sa kanya.

He sighed helplessly. Saka bahagyang kumibot-kibot ang labi niya. Like he want to pucker it because he knew I'm not paying attention to his teachings again.

Bago pa niya totohaning ulitin ang mga tinuturo niya sakin kanina ay inunahan ko na siyang magsalita.

"Gaddiel, umay na ko sa library!" I said as the corners of my lips tugged downwards to prove a point. Bahagya pa akong dumikit sa braso niya.

I'm wearing a grid square neck top and a tattered jeans today. I wore my normal high cut shoes today and not my usual high heels because I don't want my boyfriend to look up at me everytime he look at my pretty face.

Bukas ang school kahit weekends kaya nang sinabi ni Gaddiel na pupunta siya sa library ngayong Sabado para magbasa ay agad ko naman siyang sinabihan na sasama ako.

Dapat talaga date namin ngayong araw e! 'Yong sa ibang lugar dapat! Library date is boring.

Kumurap siya bago bahagyang umatras sakin.  He's so conservative! Really. While I'm on my dark outfit, si Gaddiel naman ay parang magsisimba ang dating ngayon.

God! A very neat white polo shirt, white pants and black shiny shoes? Seriously? Bukod sa para talaga siyang magsisimba ay napagkamalan ko rin siya kaninang marine student sa college building.

"Then, uh, let's study somewhere? Saan mo gusto, Lia?" he asked innocently.

"Ayokong mag-aral," humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "It's weekend, it's not time for school." I stated obviously.

"H-huh? I thought you--"

Natigilan siya nang tumayo ako at kinuha ang purse ko nang hindi siya nililingon.

"Sa labas nalang ako. You study here," wika ko. Alright, I'm moody, I know, I know.

Paglabas ko ng library ay nagulo ko ang buhok ko. Kinulot ko pa naman 'to kaninang umaga tapos magwo-walk out lang naman pala ako. Ilang beses pa akong napaso ng electric curler kanina.

I doubt if he even noticed it. Nasa corridor na ako nang marinig ko ang pagtawag ni Gaddiel sa pangalan ko.

Nang lingunin ko siya ay nakita kong humahabol siya sakin. Halos mahulog ang mga dala niyang mga libro dahil sa pagmamadali. Nahulog ang lapis niya kaya binalikan niya pa iyon. Nang yumuko siya ay tuluyan na ring nalaglag ang mga libro niya.

Napapikit ako nang mariin bago siya nilapitan. Mas lalo siyang nataranta nang makita akong lumalapit. Para na naman siyang batang naiiyak na ewan. Parehong-pareho ang ekpresyon niya ngayon saka noong unang pag-uusap namin nang magkabanggaan kami papasok ng classroom.

"Lia, I... I'm coming with you." kinakabahan niyang ani habang nakatingala sakin. His mesmerizing eyes are nearly misty behind his almost falling eye glasses. Nanatiling nakaawang ang pulang-pula niyang labi pagkatapos magsalita.

Bumagsak ang balikat ko sa ayos niya ngayon. Damn, marupok. Why do he need to look that cute before my eyes anyway?!

"Alright," sambit ko saka nag-iwas ng tingin sa kanya. "Pero iwan muna natin sa locker room 'yang mga gamit ko." malamig kong ani pero ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang dambahin.

Agad niyang sinikop ang mga gamit niya saka tumayo at paulit-ulit na tumango sa akin.

Naun akong maglakad papunta sa locker room. Tahimik siyang nakasunod sa likuran ko. Walang ingay ang yapak niya na tila pusang maingat.

Ako ang bumukas sa locker niya. Ako naman ang pina-set niya ng number combination ng lock niya kaya alam ko ang passcode.

Walang ingay niyang nilagay sa loob ng locker ang mga libro niya. Panay ang baling niya sakin pero kapag nasasalubong naman ang mga mata ko ay yumuyuko siya.

Nang maisara niya ang locker ay naglakad na ako palabas.

"L-Lia..."

Napapikit ako ng mariin bago tumigil sa paglalakad. Alam kong nasa likuran ko lang siya.

Nakakagigil talaga si Gaddiel! I think I'm going crazy! O baka nga baliw na ako ngayon.

"I'm sorry, Lia. H-hindi ko alam kung ano ang nagawa ko pero... s-sorry na, please." mahina at malamyos ang boses niya. Parang batang naapi o nagsusumbong o nagmamakawa na ewan.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. My heart melts at the sight of him right now.

"I don't want you mad a-at me," he plead.

You look so pure and soft, Gaddiel!

Agad akong na-guilty sa kaartehan ko. My insides are fluttering and my knees are a bit wobbly but I walk towards him still.

Titig na titig siya sakin nang makalapit ako. Nakikita kong parang gusto niyang umiwas ng tingin dahil sa distansiya namin pero hindi niya ginagawa para patunayang genuine ang sinabi niya.

Napanguso ako at napatingala. "I can't be mad at you, Gaddiel." I said.

"I don't know--"

"Now you know," marahan kong putol sa sasabihin niya.

His lips parted for a while before he softly shook his head. "I mean, y-you, uh..." Isang beses siyang humakbang paatras nang mas lumapit pa ako sa kanya. "You should tell me what to do from now o-on, Lia-- wait,"

Nataranta siya nang lumapit parin ako. Wala na sa sinasabi niya ang atensiyon ko kundi nasa mga labi na niyang pulang-pula at bahagyang nakaawang.

Napansin niya 'yon kaya itinikom niya nang mariin ang labi.

I stopped and stared at his flustered face enthusiastically. Namumungay ang mga mata ko at naka-angat ang dalawang sulok ng labi habang pinagmamasdan ang natataranta niyang mukha.

How cute! Darn.

"Okay, I won't..." I chuckled. Umatras ako para makahinga na siya nang maluwag. "Ano ulit 'yong sinasabi mo kanina?" tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. Inayos niya ang salamin saka pinaglaro ang mga daliri. "Ano... pwede bang sabihin mo sakin ang mga dapat kong gawin mula ngayon, Lia. I don't really have any idea about..." he bit his lower lip. "These," he swallowed hard. "S-so, please, do tell me things..."

Umangat ang kilay ko bago ko siya nginitian nang malapad. "Sure, my pleasure, Gaddiel." I then grinned before turning my back at him. Nauna akong lumabas ng locker room.

Agad ko ring narinig ang mga hakbang niya para habulin ako nang nasa corridor na ako.

Nang makalapit siya ay agad kong hinablot ang braso niya at niyakap iyon. Namumula ang mukha na binalingan niya ang nakapulupot kong braso sa kanya pero bahagya lang siyang ngumuso at saka nagpatuloy na kami sa paglalakad.

What would I do with my innocent boyfriend? Really?

his innocenceWhere stories live. Discover now