Chapter 23

3.2K 147 23
                                    

Chapter 23

Muli kong nilingon si Gaddiel at di na mapigilang magtaka. Kanina pa siya... hindi ngumingiti. I don't know, ako lang ba ang nakakapansin? Ewan.

Occupied na lahat ng tables sa booth namin kaya hindi na muna raw magpapapasok pero marami parin ang studyante sa labas at parang pumipila lang. Halos lalaki lahat at grupo grupo. Napansin ko ring kanina pa ako pinagtitinginan ng mga kaklase kong naka maid uniform rin kahit na nagse-serve sila.

Hanggang mag-lunch time ay walang table ang nabakante sa booth namin. Tuwing may aalis ay may mabilis na uukupa roon galing sa pila sa labas.

Panay ang ngiti ko sa mga studyanteng pumasok. Minsan ay napapansin kong paulit-ulit na mukha ang nakikita ko pero ipinagkikibit-balikat ko nalang iyon.

Masarap siguro ang kape namin dito. Makabili nga mamaya para samin ni Gaddiel.

Oh, Gaddiel don't drink caffeine nga pala. He drinks milk. He's such a baby.

Napanguso ako nang pumasok na sa classroom ang mga classmates naming pang hapon ang schedule dito sa booth.

I'm hungry na.

Agad akong lumapit kay Gaddiel nang makitang 11:30 na ang oras sa wrist watch ko. Were off now pals!

Nadatnan ko siyang nagpupunas ng kamay sa may mini counter. Tumayo ako sa mismong likuran niya at dahan-dahang kinalas ang pagkakatali ng maliit na apron sa likod niya.

Agad iyong naramdaman ni Gaddiel kaya gulat na gulat siya napabaling sa likuran niya.

"Hey, Mr. Butler," sambit ko sa mapagbirong tono ng boses.

"Hey, Lia..."

He blushed and look away. Pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya. Kanina lang seryoso ang mukha niya a tapos ngayon ipapakita niya saking 'yang cute niyang ngiti.

Ginugutom ako lalo, hindi ko alam kung bakit.

Ngumuso ako sa harap niya. Wala akong pakialam kung may mga nakatingin samin.

"Gutom na ko, Gaddiel."

Napaangat siya ng tingin sakin mula sa pagpupunas ng kamay niya. Nakita kong nakagat niya ang ibabang labi niya habang nakatingin sa mukha ko. It looks like he's trying to supress his smile or his laugher.

Nahampas ko tuloy siya balikat. He chuckled like an amused kid. "Sorry," he said. He fixed his eye glasses. "We should change our clothes and eat then,"

Umiling ako at umirap. "Don't wanna. I'm so hungry na," I said, ginaya ko pa yung madalas na tono ng boses ni Thelma. Iyong pang-maarte.

"T-then--"

Wala nang nagawa si Gaddiel nang kunin ko ang palad niya at hilain siya palabas ng booth namin.

"Gusto kong kumain ng street foods ngayon. There's a booth here with such e, sabi kanina ni Jorge." sambit ko habang lumilinga-linga sa room ng seniors.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang hinahanap. I like isaw the most! Though sumakit ang tiyan ko noong unang kain ko ng street foods. I was in 7th grade that time. Na-ospital ako at pinagbawalan na ni Mom na kumain ulit ng kung ano ano pero hindi ako nagpaawat. I tried the second time, the third, fourth and so on, at hindi naman na sumakit ang tiyan ko.

"Nakakain ka na nito?" tanong ko kay Gaddiel nang hindi siya nililingon. Nakapukos ang mga mata ko sa mga pagkain sa harap namin.

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. He was curiously looking on the trays like it's his first time seeing those things.

his innocenceWhere stories live. Discover now