Chapter 25

3.1K 133 38
                                    

Dedicated to: joh2303

Chapter 25

Nagising ako ngayon na walang ideya sa mga mangyayari mamaya. If I only knew that it would happen, I should've never gone there with... him.

"Lia, w-where are we going?" My boyfriend, Gaddiel became a scaredly cat again.

"Malapit na," sambit ko. Hawak ko ang braso niya at hinihila siya sa paglalakad ko. Panay ang hawi ko sa mga ligaw na halamang nadadaanan namin. Kapwa namin naririnig ang tunog na nililikha ng bawat hakbang namin sa mga tuyong dahon sa lupa.

Yeah, right. We're inside the forest. I don't actually know where and what this place really was but we used to go here with my friends when we're still freshmen to sophomores. Ang tanging alam ko lang ay malapit ito sa school at saulado ko ang daan papunta sa paborito kong lugar dito noon.

We discovered this place when we tried to skip class for the first time in 7th grade.

"Lia--"

"Hush, snakes might hear you." ani ko nang akmang magsasalita na naman siya.

Narinig ko ang malakas niyang pagsinghap pero nagpatuloy ako sa paghila sa kanya. Ramdam ko ang paglapit ng katawan ni Gaddiel sa akin mula sa likod ko. He even unconsciously put his hand on my shoulder.

I can't help but smirk. Bakit ba palaging baliktad ang sitwasyon namin ni Gaddiel?

"Gosh!" I exclaimed when we finally arrived at our destination.

Napangiti ako at pinagmasdan ang maaliwalas na paligid. Walang pinagbago ang lugar kahit pa halos taon na kaming hindi nakakapunta dito.

"A falls..." Gaddiel muttered in awe.

Nilingon ko siya at ako naman ang namangha sa maamo at puno ng ekspresyon niya ngayong mukha. Tila kumikislap ang mga mata niya habang nakaawang ang labing inililibot ang tingin sa paligid.

"Lia, this... this place is so beautiful," he said, may sumilip na ngiti sa labi niya.

I bit my bottom lip. "Indeed,"

Hinarap ko siya kaya napalingon siya sakin. Maamo parin siyang nakangiti. Even his eyes are smiling.

Ngunit hindi ko magawang mangiti habang pinagmamasdan siya ngayon. Napansin niya iyon kaya itinagilid niya ang ulo sa pagtataka.

"Lia?"

Mas lalo lamang akong nanggigil. "Remember what I told you last night?" I asked him as I advance towards him. Binalak niyang humakbang paatras pero hinawakan ko na ang magkabilang balikat niya.

"Don't..." he whispered breathlessly. Kung kanina ay ngiting-ngiti siya, ngayon naman ay kulang nalang silaban ang mukha niya.

"Don't what?" I can't help chuckle because he's so cute.

"B-bite me,"

Napasinghap ako sa narinig. Namilog rin ang mga mata niya nang makita ang gulat kong ekspresyon.

"I-I mean don't... don't bite me." he said in hysterical. Iniwas niya ang mukha at tila hiyang-hiya na naman sa sarili.

Natawa ako. Simula talaga nang makilala ko si Gaddiel lagi na lang akong nakatawa. Kahit na mabilis talagang magbago ang mood ko at laging matalim ang tingin sa lahat.

Everyone thinks I'm so cold, fierce and intimidating. But Gaddiel, Gaddiel feels like my warm. He's the sun in the sparkling cold falls. He's the only boy I've been close with except for my father. He makes me feel things I never felt in my entire life.

his innocenceWhere stories live. Discover now