Chapter 2

3.9K 156 15
                                    

Chapter 2

"What about Ronaldo?"

Napalingon ako sa bandang itinuturo ni Jorge. Kumunot ang noo ko nang makita si Ronaldo na nakikipagtawanan sa grupo niya. Nasa pinakamalaking table sila dito sa cafeteria at ang iba sa kanila ay sa table na nga nakaupo.

Umiling ako. "Nope," I said to my friends.

Suminghap si Thelma. "Ronaldo is hot! Ayaw mo pa? He's gorgeous! Parang nananabunot, 'yan 'yong kayang wasakin ang whole life mo." she said almost hysterical while fanning her self.

"I hate it when someone touch my hair and why would I let my boyfriend ruin my life?" asik ko sa kanila, bahagyang naguguluhan sa sinabi ni Thelma. Ngunit nang may naalala ay isang beses akong napakurap. "Oh! I got it now!"

Napailing ako. Last night, nag-search ako sa internet tungkol sa pagkakaroon ng first boyfriend, being in a relationship for the first and such. Marami akong nabasa, iba't-ibang articles hanggang sa mapunta na ako sa mga related topics doon like flirting, and intimacy.

I even watch explicit videos which made my friends laughed hard when I told them about it earlier. I slept really late last night. Maybe I only had two to three hours sleep, I don't know. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako inaantok ngayon. Sa katunayan, sobrang excited ako kaninang pumasok ng school at hanapin ang tatlo kong kaibigan.

"Anyway, I don't like Ronaldo's vibe and besides he's already grade 12. He's too rough for me." wika ko. He's really hot but like I said, too rough for my likings.

Umingos si Thelma habang ang dalawa ay napairap. Ewan ko sa kanila, si Ronaldo yata ang dream boy nila pero ni isa sa kanila ay walang nakakuha rito.

"Anong gusto mo? 'Yong malamya? Kye, that's lame." si Adi bago napainom sa hawak na Slurpee.

"I just want someone kind-- the obedient-kind." wika ko.

"Personal assistant yata ang gusto mo e."

I rolled my eyes before I got my notes out of my bag. Inabot ko iyon sa kanila. "I actually took down my standards here yesterday." wika ko.

Dali-dali naman nila iyong binuklat para tingnan ang sinulat ko. I am actually thankful that they seemed supportive with this but of course, I won't tell them that until they or I found a perfect boyfriend for me.

"What the hell is this?!" bulalas ni Jorge na siyang may hawak ng notebook ko habang pinagigitnaan siya ng dalawa na nakadungaw rin doon. "You want someone inexperienced like you?!"

Nabaling rin sakin si Thelma at Adi, siguro'y tapos na ring basahin ang nakasulat.

"In short, you want a holy virgin man! My God, Kye. Saan tayo makakahanap ng gano'n."

"Kahit nga mga sakristan ngayon hindi na banal." komento ni Adi. "You know Angelo, my church boy ex? I thought he's real innocent and religious but he told me he never actually been... religious! Napipilitan lang daw siya dahil sa family niya. God, he's pathetic." umiiling na dugtong niya.

"Well, I just want my first relationship to be special at least. A fine holy boy is the best choice." I said and averted my gaze to them. I don't know but I sounded pathetic when I said those. I'm not hopeless romantic!

Pero kung wala talagang gano'n, pwede namang kahit sino nalang basta matino at interesado sa akin... at gusto ko rin kahit konti.

"Wala akong kilalang gano'n dito sa school. Mero'n siguro pero..."

Napabaling ako kay Jorge na biglang ngumiwi.

"Hindi guwapo eh. You know, siyempre sabi mo gusto mo special dapat ang first relationship mo, so it should be someone with pleasing face at least, right?"

his innocenceWhere stories live. Discover now