Chapter 26

3.1K 143 25
                                    

Dedicated to: zylmmm

Chapter 26

Hindi ko alam kung ilang oras o araw na ba akong tulog. Nakakatamad gumising. Nakakatamad magmulat ng mga mata.

I know I'm alive. I know because I saved myself. Ako ang nagligtas sa sarili ko sa pagkakalunod. It was no one's fault but me.

Hindi kay Gaddiel. Alam ko 'yon. Hindi ko siya sinisisi.

Ilang beses niya akong pinigilan nang ginusto kong bumaba sa tubig pero pinadaig ko ang gusto ko. Ipinagamak ko ang sarili ko kaya walang dapat na magligtas sa akin kundi sarili ko lang din.

Nasa ospital parin ako ngayon. Siguro nga weird talaga ako dahil ako mismo ang nagpasok ng sarili ko dito sa ospital.

Noong araw na iyon, nang mapagtanto kong wala talagang balak si Gaddiel na iligtas ako, pinilit kong umahon. Buong lakas kong iniahaon ang sarili ko kahit na ayaw kong makita ang mukha ni Gaddiel ng mga sandaling iyon.

It was life and death situation.

Tuluyan akong nakaalis sa tubig, inuubo, habol ang hininga at namamanhid ang sistema...

Sinabi kong ayaw kong makita si Gaddiel pero hindi ko alam kong bakit nag-expect ako na tatakbuhin niya ako at mag-aalala siya sakin sa oras na iyon.

Pero wala na siya. Wala na siya sa kinaroroonan na niya. Wala akong nakita ni anino niya.

Naisip ko pa ngang baka naman mag-isa talaga akong pumunta roon sa talon. Baka naman hindi talaga sumama sakin si Gaddiel.

But who am I kidding? Nangyari lahat ng iyon. Alam ko.

Pinilit kong lumabas sa gubat. Mahapdi ang mga mata, basang-basa ang buong katawan at namamaga ang paa. Wala na akong pakialam sa paligid ko no'n. Naglakad ako sa kalsada at tila nahamig lang nang businahan ako ng ambulansiya. Hindi ko alam kung saan iyon galing pero ako na mismo ang nagsabi sa kanila na dalhin ako sa ospital.

And here I am!  Nasa ospital parin at tinatamad buksan ang mga mata.

Alalang-alala sa akin ang mga magulang ko pero wala silang nakuhang salita mula sa akin. I'm too lazy to even talk now. Thinking about what happened in the falls is making my head ache.

"Lia..."

I heard Mom's voice but I didn't bulge. Sa katunayan ay gutom na rin ako pero ayaw ko talagang magmulat ng mga mata.

"We already knew what happened. Nagalit ang Daddy mo--"

Mabilis ang nagawa kong pagbangon nang marinig ang sinabi ni Mom. "What?" Halos hindi ko pa maimulat ang mga mata dahil siguro sa tagal ng pagkakapikit. I tried to narrow my eyes at Mom nevertheless.

I saw her rolled her eyes modestly at my sudden bounce off the bed.

"Nagalit si Dad?" ulit ko, hindi halatang natataranta na.

"Yes, kay Gaddiel--"

"To Gaddiel?!" my loud voice echoed around the room. Ilang mura na ang nasabi ko sa isip ko. Nasapo ko ang noo at huminga nang malalim.

"Yes, and lower your voice because Gaddiel is just in the next room." Mom said calmly.

Nalukot ang mukha ko habang nakaawang ang labi. "Oh my God," muli kong sambit.

Bago pa ako mag-overthink ay nagsalita na si Mommy. "Mamaya pa daw magigising si Gaddiel. I told his parents that I won't told you. We'll let you and Gaddiel talk when you're both ready."

his innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon