Chapter 8

3.4K 150 25
                                    

Chapter 8

His shy smile greeted me a good morning the next day. Kaya naman ang ganda ng umaga ko kahit na late ako sa unang subject namin.

Madalas talaga akong late. Bilang lang ang mga araw na maaga akong pumapasok sa school. 'Yong pag gustong-gusto ko lang talaga at may sadya ako. Isa pa, importante sa akin ang tulog. Pag kulang ang tulog ko sa gabi ay buong araw akong bad mood, sumasakit pa ang ulo ko. Kung kailangan ko namang magpuyat ay maaga akong umuuwi sa bahay pagkatapos ng klase kinabukasan para matulog pa rin.

Inirapan ako ni Thelma nang napatingin ako sa kanila noong mag-break. Hinampas siya ni Jorge na nag-flying kiss sa akin pagkatapos. Si Adi naman ay nakatutok lang sa cellphone niya habang palabas silang tatlo sa classroom.

Inirapan ko rin pabalik si Thelma na tumulis na ang nguso. Ang arte-arte, kita niyang hindi ko pa boyfriend 'tong si Gaddiel e.

Pumunta ako sa tabi ni Gaddiel nang makaalis na ang tatlo. Alam ko na kung saan ang punta namin nito, sa library. Buti nalang talaga pwedeng kumain ng snacks sa library kung hindi baka hilain ko siya sa cafeteria kahit hindi siya sanay sa maingay at maraming tao pag kumakain.

Kailangan niyang kumain ng marami araw-araw. Baka pag boyfriend ko na siya, magkalasog-lasog ang buto niya sakin. Because of course, ang ridiculous man pakinggan, magiging clingy girlfriend talaga ako sa kanya. I never imagine myself clinging to a man except to my dad but Gaddiel is an exception. Ang lambot-lambot pa naman niya, parang ang sarap ka-cuddle.

Kahit nga ngayong hindi ko pa siya boyfriend, clingy na ako sa kanya pag nasa labas kami ng school o kaya'y pag nasa sulok kami ng library. Minsan nag-i-imagine ako ng kissing scene namin doon. I mean, pag kami na na siyempre.

"I'll buy o-our snacks," sambit niya, bahagyang napaos sa gitna ng pagsasalita kaya tumikhim.

Umiling ako. Tumayo siya at handa na kaming lumabas. "Ako na. Baka isipin na naman nila inaalila kita."

"Pero ikaw lagi--"

"Ako nalang talaga. Just wait me in our usual spot, okay?" I said as I press my forefinger on his white flawless right cheek. "Hmm?"

Marahan niyang hinawi ang kamay ko at nag-iwas ng tingin sa akin habang namumula na naman ang mukha. Naglumikot ang mga mata niya. He's looking at everything again but me.

Ngumisi ako bago naunang naglakad. "I'll see you there," huli kong sinabi bago dumeretso sa cafeteria.

I'm so sure he'll treat me lunch later again because I'm paying for our snacks kaya dinamihan ko na ang binili kong kakainin namin sa library.

Naghihintay ako ng sukli ko nang may lumapit saking lalaki sa pila. It was Hade. I don't think he'll buy something on the counter. Nasa gilid ko siya at hindi nakapila.

Salubong ang kilay niya sakin kaya ginaya ko iyon. Naging manliligaw ko si Hade noong nakaraang buwan lang yata, hindi ko na gaanong matandaan. Basta kakasimula lang ng school year no'n. Grade 11 siya at mas matanda sakin ng isang taon. Isa siya sa mga sikat na lalaki dito sa campus. Bukod sa talagang guwapo siya, magaling rin siyang mag-basketball. Malakas talaga ang hila sa mga babae pag magaling sa sports ang isang lalaki. But not for me. Hindi ako attracted sa kanya kaya ni-reject ko siya pagkatapos ng halos isang linggo niya lang na panliligaw.

Hindi ko na pinatagal, wala naman akong balak sagutin siya no'n gaya ng iba pang mga nanligaw sakin.

"Kye, totoo bang boyfriend mo na 'yong nerd sa section niyo?"

Nakagat ko ang ibabang labi dahil tunog nagagalit siya nang tanungin niya 'yon. Napatingin samin ang mga nakapila sa likuran ko at pati na rin yata ang bantay sa counter ay gustong makiusyoso sa nangyayari sa harap.

his innocenceWhere stories live. Discover now