Kabanata 18

2.3K 104 18
                                    

His house was simple. A two-story modern style house. The design of the whole house was simple too. It's very clean and has a scent of him. Mahahalata mo rin agad na lalaki ang nakatira sa bahay na ito. And it's too quiet. Tanging tunog lang ng aking takong ang maririnig sa buong bahay. And every steps he'd make were quiet too.

Ngayon ko lang naisip at napansin na bawat yapak niya ay walang ingay. Tahimik ito na parang lumulutang lang siya at hindi naglalakad.

He is living here alone. His mother was nowhere to be seen. Maybe, she had her own house too? O nandoon ito ngayon sa Batangas, sa kanilang bahay. Ang bahay na ito ay para lang talaga kay Kyner. At sa magiging pamilya niya?

I smiled a bit when I think of something. It's a good idea that he brings me here. To live here with him. This house will be my house someday. And I will be his family. Once he fall for me.

Habang bitbit ni Kyner ang mga gamit ko sa kanyang dalawang kamay, since he doesn't want his men to help him carry my things, I secretly rolled my eyes at that, men and their ego! Iginiya niya ako paakyat at huminto kami sa tapat ng isang kwarto.

"Ito ang magiging kwarto mo," sabi niya at binuksan ang pinto nang kwarto.

Una agad hinanap ng mga mata ko kung may bintana ba. There was none but there's a balcony! So, it's fine with me.

The room was simple too. But it's spacious. There's a king size bed. A bedside table. A four-seater sofa. A small bookshelf. May lamesa rin malapit sa balcony. Masyado itong maganda at malaki para maging guest room lang.

"Master's bedroom ba ito?" tinanong ko na kay Kyner ang naiisip ko.

"Oo."

Nagtataka ko siyang nilingon. Kung ganoon, bakit dito niya ako dinala? Is this going to be my room? I thought I'll be in a guest room.

"Dito ka matutulog. Tapat lang nito ang kwarto ko," he said.

"Why? I'm fine with a guest room."

"Walang bintana roon," he simply said.

Hindi na lang ako umalma at hinayaan na lang siya. Bahay niya naman ito. Siya ang masusunod. If he wants me to sleep here, then, I'll sleep here.

"What about the expenses here? Maghati na lang tayo sa bayad ng mga gastusin?" I said.

"You don't have to worry about anything. Ako na ang bahala sa lahat," he said.

"Hindi naman pwede iyon," tutol ko agad.

"Sabi ko, ako na ang bahala sa lahat. You are my wife and you're living under my roof. You're my responsibility," he said with a dismissive tone.

Gusto ko kurutin ang sarili dahil sa kilig na naramdaman sa pagtawag niya sa aking wife. He said it with such indifference and coldness but I still feel butterflies in my stomach.

I'm so hopeless.

Tinulungan niya ako mag-ayos ng mga gamit ko. Kahit pa hindi niya ako kinikibo. Balik sa dati. Sasagot lang sa mga tanong ko kapag gusto niya lang.

May isang kasambahay siya pero wala ngayon dito dahil umuwi raw ito sa kanila. May katandaan na raw ito at taga-roon ito sa kanilang lugar. She's been with Kyner's family since he was young. And she was also a friend of his grandmother. At mayroon din pa lang itong katulong na bata. Apo naman nito. Umaalalay sa kanyang lola rito.

Kyner didn't tell me all about that. I just asked him about it. I asked him a lot of stuff, by the way. Now that he regained his memory, I want to know him more. The real him. Not the Kyner Kertia without its memory.

I want to know his favorite food, color, sports and everything. Nagkaroon na kaya siya ng girlfriend? Kung nagkaroon man, minahal niya kaya? Sino ang pinakaminahal niya sa mga ex niya? Or is it only a fling? Marami kaya siya naging ka-fling? Dinadala niya kaya rito ang mga babae niya? What about Imogen? Pumupunta kaya siya rito? Is she sleeping here too?

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now