Kabanata 30

2.6K 78 12
                                    

"Sorry, Snorri. I'm sorry, anak."

My father tried to touch my arm but I backed away. His sorry alone won't erase the fact that he wants me to abort my child. His grandchild.

Ito na siguro iyong isa sa ugali ko na hindi na mababago. Kapag may masakit na sinabi ang isang tao sa akin, hindi ko ito agad nakakalimutan kahit pa nanghingi sila ng sorry. May mga tao kasi na kinakalimutan na lang agad ang mga masasakit na salita sa kanila. Lalo na kapag nanggaling sa magulang.

Not me. No. They are my parents. They should have supported me! Ibang-iba na ito sa suportang hinihingi ko sa kanila nang bata pa lang ako! A child is involved here. A human being. Their grandchild.

"It's okay if you won't accept my apology. Gusto ko lang na bawiin mo iyong sinabi mo. You're still my child. You're still my only daughter. And I am your father," his eyes got teary.

"What happened?" naguguluhan naman na tanong ni Mommy.

Aaminin ko na sa kanilang dalawa ni Mommy, mas naging maayos naman na magulang si Daddy sa akin. I know he cared for me. I know he loves me. Although, he's not just showy. But I felt it.

Nagalit lang talaga ako sa kanya noon dahil mas hinihingi ko ang pagmamahal ni Mommy. At hindi niya iyon maibigay dahil sa kanya. He's not the best, but he's a good father to me.

"Don't worry. Hindi naman kita itinatakwil. But I can't forgive you yet," I said coldly.

"It's fine! Araw-araw akong hihingi ng sorry sa iyo at sa apo ko," he said and then he looked at my stomach.

"What did you do this time, Vergel?" my Mommy asked.

"Never mind it, Mommy. Let's go inside. I'm tired."

Agad akong inalalayan ni Kyner. I smiled a bit at pumasok na kami sa loob ng aming bahay. Pinaupo ako ni Kyner sa aming sofa. Pagkalapat ng likod ko sa sofa ay 'tsaka na ako nakaramdam ng pagod.

I touched my stomach. I'll call my OB later and have her check my baby. Even though I'm fine, I just want to make sure that my baby's fine.

"Ma'am, pwede ko po bang papuntahin dito ang Mama ko?" tanong ni Kyner.

Natigilan si Mommy. Habang si Daddy naman ay halatang natuwa at gusto na agad pumayag. He just stopped himself from talking. I rolled my eyes.

"S-sure!" sabi ni Mommy. "Magpapahanda na ako ng makakain!"

"Thank you," Kyner said politely.

Umalis si Mommy kasabay si Daddy. I looked at Kyner. Why his mother is coming here? What is he planning? Alam kong pumayag man si Mommy, eh hindi pa rin ito payag na pumunta siya rito.

"Let's talk about us," Kyner said as I was about to ask him. "I want you to marry me again, Snorri. This time, in front of our family and relatives. I also want the world to know about our marriage."

Tumaas ang kilay ko. Sa tono niya, hindi siya nagtatanong, but rather, it seems like he's demanding me to marry him. Though, wala naman akong pagtutol doon at gusto ko rin naman siyang pakasalan.

"Gusto kong kasal na tayo bago pa lumabas ang anak natin."

Nanlaki ang mga mata ko. "You already knew?!"

Kahit na may kutob na akong may alam na siya, nagulat pa rin ako na malaman na alam na nga niya. At sigurado pa siya.

"I didn't use protection when we made love. And I made sure that I poured all of me inside of you," he smirked.

Hindi ko alam pero nag-init ang pisngi ko dahil doon. Hindi lang pisngi pati na rin buong katawan ko! The hell?

"Eh malay mo ako pala ang may contraceptives na gamit?"

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now