Kabanata 5

2.2K 84 14
                                    

Kaya ganoon na lang ang naging galit ko sa aking ama. Kung nagpakabuti lang sana siyang asawa, edi sana, maaalagaan ako ng maayos ni Mommy! Magiging ina sana siya sa akin! Hindi sana ako lalaking uhaw sa atensyon! Hindi iyong uubusin ni Mommy ang kanyang oras kakaisip sa kanya! Kakaisip kung ano ba ang gagawin niya para maging sapat siyang asawa! Kung ano ang kulang niya at nagawa siyang lokohin nito! At hindi siya magawang mahalin nito! And the hate I have for Trinity Pastrana is to the moon.

Kung hindi pa pala tapos mahalin ni Daddy iyong ex niya, bakit pinili niya magpakasal?!

What? Because he found out that her ex fucked someone else? For revenge, he married my mother?! It's fucked up.

"Snorri!" malakas na boses ni Candice ang namayani sa buong kwarto ko.

"What? Did someone steal your panties?" I said boredly.

"Look at this, you wraith!"

Pinakita niya sa akin ang isang picture. It was a picture of me and Kyner. Ito iyong nakaupo ako sa sahig habang naka-squat siya sa harapan ko. Malinaw ang pagkakakuha.

Marami pang iba. Meron iyong nasa karinderya kami. Tapos naglalakad kami ng magkasabay. Pati iyong sa restaurant na malayo naman kami sa isa't-isa! And lastly, when I kissed his cheek. But in that angle, it seems like I kissed him on the lips.

Whoever take these pictures is good.

"Ate Karen was asking me about it. Hindi naman siya galit, pero nangangamba siya sa kalalabasan nito."

Sa Facebook ito naka-post. Binasa ko iyong caption nang nag-post.

"Boyfriend ba ito ni Snorri Kravei? Grabe ang gwapo!"

Binasa ko rin ang mga comments doon. Looking for some negative comments about it.

"As if naman papatulan siya ni Kyner Kertia?"

That was the top comment. Marami ang nag-comment doon at nagtatanong ng tungkol kay Kyner. Nag-angry react ako sa comment na iyon. Stan account naman gamit ni Candice kaya ayos lang. Nag-comment din ako.

"Oo naman! Sobrang ganda kaya ni Snorri!"

Ayon lang ang pangit na comment. The rest, it's full of praises for Kyner. Naging instant celebrity pa nga. Mas sikat na siya ngayon kaysa sa akin.

"Ano na ang gagawin mo?" tanong sa akin ni Candice.

"Hayaan mo na. Huhupa rin iyan," sabi ko.

"Hayaan? Lalabas kang third party nyan! Alam ng ibang tao na may girlfriend na si Kyner!"

"They won't think that. Mas kilala ako ng mga tao kaysa kay Imogen. They'll believe me more. At wala naman ata silang relasyon," sabi ko.

Kung sila, sasabihin niya agad na may girlfriend siya noong tinanong ko siya. But he just told me that I was too young for him.

"Ano ba ang balak mo at bakit ka dumidikit kay Kyner?" seryoso niyang tanong.

"Nothing life threatening," I smirked.

Kinuha ko iyong cellphone ko at sinearch iyong nag-post noon sa Facebook. Kinuha ko iyong mga pictures namin at sinend lahat kay Kyner.

Me:

Well, would you look at that? You're my boyfriend now!

Noong umuwi si Daddy galing sa pagbisita niya raw sa isa pang branch ng kanilang business, hinarap ko siya.

"Bakit ayaw mo isama si Mommy sa mga lakad mo? It's her company too," I said.

Nilapag niya ang sa aming couch ang attached case na dala at sumulyap saglit sa akin. Si Mommy naman ay agad lumapit sa akin para asikasuhin siya.

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now