Kabanata 22

2.3K 94 24
                                    

Ang naisipan gawin ng tatlo rito ay ang uminom kinabukasan nang makapagpahinga. Ang kapal din ng mukha na magpaalam sa ina ni Kyner na rito muna sila mamamalagi. I don't have any objections since this is not my house. I don't have a say. Beside, I'm actually happy because of the reactions Imogen was giving. Kyner and his mother agreed. Imogen was totally opposed with idea of my friends staying here. Wala naman siyang magagawa dahil hindi rin naman niya bahay ito.

"Sa kwarto mo ba kami matutulog, Snorri?" tanong ni Joela na namumula na ang mukha dahil lasing na.

Ganoon din ang mga mukha nina Lucy at Pinky. Ako naman ay hindi gaano umiinom pero medyo may tama na rin ng kaunti dahil sa tagal ng umiinom. Habang si Kyner naman ay namumungay lang ang mga mata habang nakatingin sa akin.

There are only three guest room in this house. The three of them were occupying by Kyner, his mother, and the linta. Sa kwarto sila ng ina ni Kyner natulog kagabi dahil umalis ito at may pinuntahan. Ngayon, nandito na ulit siya at hindi pa napag-uusapan kung saan matutulog sina Pinky.

"Pwede kayo sa kwarto ko matulog. I can sleep in Kyner's room," sabat ni Imogen na nandito rin at nakikiinom pa!

Hindi ko alam kung bakit nakikisali pa siya rito sa amin gayong ayaw niya sa mga kaibigan ko. Lalo na sa akin. Hindi siya makatabi kay Kyner dahil napapagitnaan namin ito ni Pinky. Mabuti na lang. Dahil baka mandilim ang paningin ko at mahampas ko siya ng bote kapag lumingkis-lingkis siya kay Kyner sa harapan ko. I can't barely bear thinking about them together in a room. I want to struggle her. Iyon pa kayang makikita ko sila.

"How about you go home so we can have some space here?" I smirked.

Tumalim ang tingin niya sa akin. Halata na rin sa mukha nito na tinatamaan na rin siya ng kalasingan. Naku, huwag lang talaga siya magpapahatid kay Kyner sa kanyang kwarto. Kakaladkarin ko talaga siya pauwi. I don't care if Kyner will hate me after that.

"Huh? Bakit ka sa kwarto ni Kyner matutulog? Asawa ka ba niya?" sabi ni Pinky. I smirked.

"You can sleep in Kyner's room, Snorri. We can sleep in yours," Lucy said.

Napainom ako sa hawak na wine glass dahil sa sinabi ni Lucy. Halos maubos ko ang laman nito. As much as I want to sleep in his room, it's not for me to decide.

"You can sleep in my room," namamaos na sinabi ni Kyner.

My eyes widened a bit. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig. Nagulat ako roon pero agad din nangibabaw ang kasiyahan sa akin.

"I will sleep in your room, Kyner! They can sleep in Snorri's room!" pilit ni Imogen. I arched a brow.

"Si Snorri dapat. Dahil siya ang asawa. Mahiya ka naman sa sinasabi mo girl," sabi ni Pinky.

"Totoo, ga," sang-ayon ni Joela.

Ngumisi ako. Ayos din na nandito ang tatlong ito dahil nagkaroon ako ng katulong para supalpalin si Imogen. At least, hindi sa akin magagalit si Kyner. At kung magalit man siya sa mga kaibigan ko, ipagtatanggol ko pa rin sila dahil tama naman ang sinasabi nila.

I looked at Kyner to see his reaction. But he's still looking at me. Namumungay ang mga mata at pulang-pula ang labi. Mukha may tama na rin siya.

"Kyner!" Imogen whined.

Saglit siyang sinulyapan ni Kyner bago binalik ang tingin ulit sa akin. "Magpahatid ka na lang pauwi, Imogen."

Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni Imogen at pagkalaglag ng panga nito. Ngumuso naman ako para hindi nila makita ang gumuguhit na ngiti sa aking labi.

"What?!" she shrieked. I winced.

"Go girl. Go home! Walang may gusto na nandito ka!" sabi ni Lucy at tumawa.

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now