Kabanata 23

2.5K 92 20
                                    

"Snorri!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Dwayne. Dire-diretso ako patungo sa sasakyan ni Kyner. The door to the front seat opened. I hurriedly walked to his car but I halted when Dwayne grabbed my arm. Medyo inis ko siyang nilingon.

"Sabay na tayo pumunta roon," sabi niya.

"Kyner is here," sabi ko at binawi ang braso sa kanya. Binitawan naman niya ito kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagtingin ko sa sasakyan ay nakita ko si Kyner sa labas. Nakatuon ang mga mata nito sa likuran ko, kay Dwayne.

"Did you wait for me?" I asked to get his attention.

"Oo," he said in a low baritone.

Sumulyap lang siya saglit sa akin bago binalik ulit ang tingin kay Dwayne. Tumingin naman ako kay Dwayne bago ulit binalik ang tingin kay Kyner.

"Let's go," aya ko at pumasok na sa loob.

Hindi na rin naman siya nagtagal at pumasok na rin sa loob ng sasakyan. I looked at his face to see his reaction. His expression is so damn serious right now.

Kung simula kanina ay nandito na siya, edi nakita niya iyong pagdating nina Dwayne at pagsabay nito sa amin kumain? Magkatabi pa naman kami ni Dwayne! Maybe he was aking himself why they are there with us. He maybe thought it's for my family only. And why he wasn't with me.

"I didn't know that they were coming," basag ko sa katahimikan simula nang umandar ang kanyang sasakyan.

"Hmm."

"It's only my father--"

He cut me off. "Ayos lang sa akin."

Ayos lang?

Ayos lang sa kanya?

Oh.

Oo nga naman ayos lang sa kanya iyon. Bakit hindi magiging maayos kung wala naman siyang nararamdaman para sa akin, hindi ba? Ano ba pakialam niya kung sino man ang makasama ko? Gayong nasa kanyang bahay iyong taong mahal niya.

I frowned. What I thought put me in a bad mood kaya hindi na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa bar. Kanina pa rin panay text at tawag sa akin nina Naomi. Asking where I am now. They are all there. Pati sina Candice at Pinky. Hindi na ako sumagot dahil na-badtrip ako sa sinabi ni Kyner.

Kaya naman pagkarating namin sa bar ay dumiretso na ako agad sa loob at iniwan na si Kyner doon. He followed me anyway.

Nagtungo ako sa VIP area kung saan nandoon ang mga kaibigan ko. But it took me some minutes to get there because so many people who knew me and my birthday stop me just to greet me.

"Happy birthday, Snorri!"

Pinalibutan ako ng mga iilan na kakilala. Some people I do not know request to have a picture with me.

Napapalingon naman ako kay Kyner dahil sa sobrang lapit nito sa akin. Pati tuloy ibang tao ay napapatingin sa kanya. Pinipigilan niya ang ibang tao na magitgit ako. At iyong iba na nagtutulukan makapag-picture lang.

"Bodyguard niya ba iyan? Ang gwapo!"

"Si Kyner Kertia iyan! Pinsan iyan ng mga Kertia!"

Women praising Kyner filled my ears. Mas nangingibabaw na ang usapan kay Kyner kaysa sa mga bumabati sa akin ng happy birthday.

"Kyner! Pwede pa-picture?" sabi ng isang babae.

Hinawakan ko si Kyner sa kanyang braso at hinila na ito paalis doon. I won't let them have a picture with him. Baka mamaya, saan-saang parte pa nila hawakan si Kyner! And made it look like an accident because some bitches pushed them, so they accidentally touch him, or throw their body to him, a palusot like that.

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now