Kabanata 21

2.6K 98 32
                                    

Akala ko, hindi gusto ni Kyner na panoorin ang movie ko kasama ako. Or he wasn't interested to watch it. But I just woke up from a four hours of sleep when he knocked on my door. Sinabi na manonood kaming dalawa ng palabas ko. Sa mismong release pa nito! At ngayong araw iyon! Iyong pagod at puyat ko sa shoot, nawala dahil sa sinabi niya. Tapos siya pa ang unang makikita ko pagkagising ko. A great day indeed.

Balak ko sanang matulog na lang buong araw dahil sa pagod at puyat ko. Pero dahil nag-aya siya, bukas na lang ako magpapahinga!

"We can watch it later in the evening if you still want to sleep," he said.

"No! I'm fine. Nawala na ang antok ko," I smiled sweetly. "Maliligo lang ako at mag-aayos! Wait for me, okay?"

Nagmadali ako sa pagkilos. Halos nasa ilang minuto lang ang paliligo na ginawa ko. But I made sure that I was really clean. Nangangamba kasi ako na baka magbago pa ang isip niya.

This is the first time that we will have a date as a married couple. Nitong nakaraan na buwan, lagi kasi siyang busy sa kanyang trabaho. He always came home late. Kapag day off, umaalis pa rin siya. It pains my heart but I just put it aside. Wala naman ako karapatan magreklamo dahil wala naman siyang pagmamahal sa akin. Hindi siya nagbigay ng motibo o hindi niya naman ako pinaasa.

Bumagal ang kilos ko dahil sa naisip. May bikig na bumara sa lalamunan ko kaya nahirapan akong lumunok.

Candice won't stop nagging me about my place in Kyner's life. But I just ignored her. Masaya pa naman ako eh. Hindi pa naman ganoon kasakit. Kaya ko pa naman magtiis. Beside, I'm still the wife. The legal. Mas may karapatan pa rin ako sa kanya kahit pa hindi naman niya ako mahal.

I shook my head to shoo the negative thoughts away. Pinagpatuloy ko na ulit ang pag-aayos sa sarili ko. I made sure that I look really beautiful. Kahit na matatakpan din ang mukha ko ng disguise na susuotin ko. But Kyner will see me without my disguises yet because we are here in our house. So, I still need to look pretty.

Saktong pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto, ay siya ring pagbukas ng pintuan sa kwarto ni Kyner. I thought I'll see him but I saw Imogen instead. I did not hide my irritation and the frowned that made its way to my mouth when our eyes met.

What is she doing in Kyner's room? Where's Kyner? Are they together inside his room? Doing what?

Mapang-asar na ngumisi sa akin si Imogen bago sinarado iyong pintuan ng kwarto ni Kyner at tinalikuran agad ako para umalis. Pinanood ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Ilang minuto naman akong nakatayo sa tapat ng kwarto ni Kyner. Heart aching. Hindi makapaniwala na lumabas mula rito si Imogen. Kahit pa expected ko naman na pwede itong mangyari dahil mahal nila ang isa't-isa. Na nagkakasama sila ng dalawa lang. But, where's the respect to my presence here as the wife? I mean, pwede naman nila gawin ang gusto nilang gawin basta ba wala ako rito. O hindi ko sila makikita o hindi ko ito malalaman.

Kalaunan ay bumukas ang pintuan at lumabas si Kyner na bagong ligo. Natigilan siya nang makita ako. My heart ache more.

"Let's eat," he said.

I blinked twice. "Huh?"

"Hindi ka pa kumakain. Kumain muna tayo bago umalis," he eyed what I was wearing before his eyes settled to my face.

I want to ask him what was Imogen doing in his room. Malaya siyang nakakalabas-pasok sa kwarto niya. Samantalang ako, isang beses pa lang nakapasok sa kanyang kwarto. Nang unang lipat ko pa lang dito. Sinilip ko lang iyon. Because now, it's always locked. Like he's hiding something.

Ayoko na isipin pa kung ano ang ginagawa nila roon. Dapat masaya ako ngayon dahil inaya niya ako mag-date! Yes! I should be happy!

"Come on, let's eat," sabi ko at tinalikuran na siya.

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now