Kabanata 24

2.4K 88 27
                                    

"Come again?" sabi ko dahil parang hindi ko narinig iyong sinabi niya. O ayaw ko lang talaga intindihin.

Our marriage has grounds. Ibig sabihin, pwede pa kami ma-divorce?

"Do you really think he's serious about you? That he was serious marrying you? When he's in love with someone else?" tumalim ang tingin ko kay Dwayne. Umayos naman siya ng tayo, handa sa mga sasabihin. "I already know what's happening inside that house, Snorri! Nakatira riyan iyong babaeng mahal niya habang kasal siya sa iyo! At first, I didn't believe it. Hindi ka papayag na bastuhin ng ganoon. But then, he even married you without your parent's consent! He has no respect at all!"

"Ginusto ko rin naman huwag ipaalam kina Mommy--" I tried to explained but he cut me off.

"Nagpapakatanga ka para sa Kertia na iyon!" tumaas ang boses niya.

Napaawang ang labi ko. Namula ang mukha ni Dwayne dahil sa galit. Tinikom ko ang bibig ko at hindi na nakapagsalita dahil na rin sa gulat. Sa nalaman tungkol sa kasal namin, sa kanya na ngayon lang ako pinagtaasan ng boses.

"This is not the Snorri Kravei that I know before. This is not you. Hinding-hindi mo hinahayaan na gawin kang tanga ng kahit sinong lalaki riyan!"

It's because I fell in love, Dwayne. People who fell tend to do stupid things once in their life.

"Do you think this is love? No! This is stupidity! You are becoming your mother, Snorri!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Tinikom niya naman ang kanyang bibig. "Don't interfere with my life, Dwayne. Know your limits. Umalis ka na rito at huwag kang manggulo sa buhay ko!"

Tinalikuran ko na siya kahit pa tinatawag niya ang pangalan ko. I gritted my teeth in anger. My mood is ruined. And I know, badtrip ako nito buong araw.

Aaminin ko na tinamaan ako sa sinabi niya. Mas lalo tuloy dumadagdag iyong bigat sa dibdib ko dahil sa nalaman at sa sinabi niya. Bakit niya ba alam iyon? Oh bakit niya ba inalam pa iyon? Malinaw naman sa aming dalawa na walang mangyayari o mamamagitan sa amin dahil hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. Why did he need to meddle with my marriage?

I need to know if Dwayne is telling the truth. I want to know that it's a lie. Please, let it be a lie.

The judge! I need to call the judge who officiate our marriage! Hinanap ko ang pangalan ni Candice sa aking contacts para matawagan siya, at maitanong kung kilala niya ba iyong nagkasal sa amin ni Kyner. Para mahingi ko ang number nito at makapagtanong.

"What is it, Snorri?" sagot ni Candice sa tawag ko. Bilib din talaga ako rito. Lagi maaga nagigising kahit pagod kinagabihan o puyat.

Sinabi ko sa kanya ang concern ko. Pero hindi ko sinabi ang sinabi sa akin ni Dwayne. I just asked if she knows the judge and what's her contact number. As usual, she knows the judge. She even got the number in just a span of a minute. Kaya nang maibigay na niya sa akin ang numero nito, pinatay ko na ang tawag kahit pa nagtatanong siya kung ano ang gagawin ko rito. She even joke about me filing a divorce.

"Wait! May shoot ka sa Samar for one month doon sa lagi kong sinasabi sa iyo na movie. Supporting actress ka lang pero pagbigyan mo na ito," pahabol nito.

"When?" I asked.

"Tomorrow we will leave."

"Okay. I'll talk to you later," I said and ended the call.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Napasulyap pa ako sa kwarto ni Kyner bago pumasok sa loob. I don't know but I can't see him right now until I confirm what's bothering me. And if that is true, what should I do?

Flames Of Deception (Levrés Series #6)Where stories live. Discover now