Chapter 60: I choose you

199 17 2
                                    

Connected Chapters: "Chapter 59" (Make sure to read it before proceeding to this chapter) ^_^

Enjoy!


______


Chapter 59: I choose you


Nikki's POV


"Totoo ba yung sinabi ni Ian?"


..natigilan kaming tatlo nang marinig ko na may nagsalita sa gilid namin.


Dahil sa boses na narinig ko, napalunok ako sa kinatatayuan ko. Unti unting lumakas ang kabog sa dibdib ko at..


"D-Daddy."


P-Patay.


Nakalimutan kong nandito nga pala sila.


Mukhang narinig nila ang sinabi ni Ian. Nakita kong seryosong nakatingin si Daddy kay Vinci habang si tito Henry naman ay seryosong nakatingin samin.


Nagsimulang maglakad si Daddy, at nang makita kong papunta na siya sa kinatatayuan naming ni Vinci..


"D-D-Daddy"


Bigla akong humarang sa harap. "U-Uhm. W-What if.. ako nalang po yung magpaliwanag. Tapos—"


"Tabi"


Nagulat ako nang pinutol ni Daddy ang sinabi ko.


"A-A-Ano po?"


"Ang sabi ko tabi, Nikki." Rinig kong sabi ni Dad pero nakatingin pa rin siya kay Vinci. "Usapang lalaki to. Kaya wag kang makielam"


"Ah eh.. s-sabi ko nga po" sabi ko at napayuko nalang.


Dahil sa coldness ng boses ni Daddy, wala akong choice kundi ang mapaatras nalang ako sa tabi ni Vinci. Pumikit nalang ako habang nakayuko. Parang ayokong makita si Daddy habang tinitignan si Vinci. Mabait si Daddy pero pag nagalit yan, sobrang matatahimik ka nalang. Nakakatakot.


"Inuulit ko, Vinci." Seryosong sabi ni Dad. "Totoo ba? Na nagconfess ka sa anak ko?"


Lumakas ang heart beat ko sa mga oras na to. Kinakabahan talaga ako. At sa mga oras na to parang.. parang hihimatayin na ata ako sa sobrang takot.


Habang pinakikiramdaman ko lang ang pagtitig ni Daddy kay Vinci.. nagsimula nalang akong magdasal para wag magalit si daddy.


Hail mary.. full of grace. The Lord is with----


"Opo, Tito Greg"


O_O


Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now