Chapter 12: Class Activity

88.1K 1K 30
                                    

Chapter 12: Class Activity

 

1:30 am na pero hindi pa rin ako makatulog. Paano kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Imagine, anak pala ng bestfriend ni daddy yung si Mr. Antipatiks na yun. Tapos, dito pa sila titira. Ibig sabihin makakasama ko yung lalaking yun dito sa bahay..

Waahh! I’m doomed! T_T

Paano yan?! 

Hayys. Di talaga ako makatulog..

 

Tumayo ako sa higaan ko at bumaba muna ako saglit sa may kusina para uminom ng gatas. Sabi kasi nila, nakakaantok daw pag uminom ng gatas eh..

Hmmm.. Ma-try nga. Sana effective..

Binuksan ko yun ilaw ng kusina namin at nagpunta ako sa refrigerator para kumuha ng gatas. Nagsalin ako ng gatas sa mug ko. Maya-maya, ininom ko na yung gatas at..

“Ba’t gising ka pa?”

Pagtingin ko sa likuran ko, nakita ko si Mr. Antipatiks na sobrang lapit na pala sakin. Dahil sa sobrang pagkabigla ko, nabuga ko sa kanya yung gatas na ininom ko.

“Shit! What’s wrong with you?!” Galit na sinabi ni Mr. Antipatiks habang pinupunasan nya yung mukha nyang punong puno ng gatas.

“Bakit ka ba kasi nandyan sa likod ko?” Sinabi ko sa kanya habang nagmamadali akong kumuha ng pamunas para ibigay sa kanya.

“I was about to explore this house dahil hindi ako makatulog. Papunta na sana ako sa may dining area ng makita kong bukas yung ilaw dito sa kitchen. Kaya nagbakasakali akong pumunta dito.”

 

“Explore? Bakit mo naman kailangan i-explore tong bahay naming? Ano to? Mall na pwedeng i-explore?”

 

“Bakit? Masama na bang mag-explore? Eh sa hindi nga ako makatulog eh. Anong magagawa ko?!”

Hayyys.. grabe talaga ‘tong taong to. Siya na nga itong nakikituloy, siya pa galit.

“Wow ha! So ikaw pa galit nyan?! Ikaw na nga itong nakikituloy tapos kaw pa galit?”

 

“Bakit? Sa tingin mo ba, gusto ko to? Ang makitira sa iba? AT sa tulad mo pa?!”

 

“Aish! dyan ka na nga!” Yan nalang yung nasabi ko. Parang wala kasing balak magpatalo eh.

Ano ba yan, hindi pa kami nagsisimulang magsama, nag-aaway na kami kaagad. Makatagal kaya kami sa isa’t isa?

“San ka pupunta?” Sabi nya.

 

“Sa universe! Kung saan hindi kita makikita!”

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now