Chapter 64: Meeting the Rival

370 9 5
                                    

Connected chapters: "Chapter 43" (pero di na need iback read to. May flashback naman). And of course, "Chapter 63" ^_^

Make sure to read the previous chapter before reading this ok?

Enjoy!


----------


Chapter 62: Meeting the Rival


Alexa's POV


From:Twin Bro

"Seriously? Tinototoo mo talaga?"


Pft. Mukhang nakarating na sa kanya ang balita. 


Napangiti ako sa paglalakad nang mareceive ko ang text message ng kuya ko. After kong mabasa yun, huminto muna ako sa paglalakad.


Tumingin ako sa paligid at sinubukang hanapin siya. Nang mapunta ang attention ko sa 2nd floor ng Arts Building kung saan makikita ang headquarters ng Acting club..


"Hi" Kumaway pa ako at lalo akong napangiti dahil nakita ko ang gulat nyang itsura.


Napailing naman siya nang gawin ko yun. Pagkatapos, nakita kong binalik ang tingin nya sa phone nya na parang magtetext ulit.


Nakarecieve ako ng another message matapos ang ilang segundo. Alam kong galIng yun sa kanya at nang makita ko ang tinext nya..


From: Twin Bro

"Baliw ka na talaga, Alexandra"


Natawa naman ako sa kinatatayuan ako.


Binalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan nya. Instead na mag reply ako, nginitian ko lang siya. Nagsalute ako after at pagkatapos, nagpatuloy na sa paglalakad.


At tama kayo ng hinala. Kapatid ko nga si Dean Alexander David, o mas kilala dito sa Xavier's School of Arts bilang "Alexander David".


Hindi lang kami magkapatid na dalawa. As you can see in my inbox, kakambal ko siya. Hindi nga lang halata dahil babae ako at lalaki siya. Pero kung tititigan nyo kami ng magkasama? Masasabi nyong may same features din kami. Both handsome and beautiful.


In case you've asked, he's 5 minutes older than me. Kaya kuya ang tawag ko sa kanya. And oh! Denise Alexandra David is my real name, by the way. Pero since hindi yata ginagamit ni kuya ang first name nya dito, I might as well do this too. Like I've said, kambal kami. So through thick and thin, I have to stick with him.


Anyways, enough with the introduction, since di naman gaanong mahalaga yun. Dahil ang mahalaga sakin? Yun ay ang fact na finally..


..nasundan ko na siya sa school na'to.


"Woah, ang ganda naman nya"


"Oo nga eh. Tapos ang kinis pa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon