Chapter 62: Mystery girl (Part 2)

144 5 0
                                    

Pamungad na Author's Note: Dahil tinamad na ako mag-edit nung bandang huli, medyo crappy na siya. Kaya read at your on risk nalang, ok?

Connected chapters: "Chapter 61: Mystery girl part 1" (Make sure to read this before proceeding to this chapter, ok? ^_^)

Enjoy!


_______


Chapter 61: Mysterious Girl (Part 2)


Nikki's POV


Argh! Badtrip! Nakakainis!!


Asar na asar ako habang naglalakad dito sa may subdivision namin. Paano kasi nagwalkout ako mula sa bahay. At oo! Hindi ko talaga nagustuhan yung mga nakikita ko kanina!


"Thank you, Kylie"


Bwisit. At pangiti-ngiti pa siya habang kausap si Kyl. Ano yun? Nag-eenjoy lang?


Hello? Andito po ako? Akala ko ba ako yung gusto nya, tapos ayan. Habang kinakausap si Kylie, may pangiti ngiti pa. Pati pagbaba ng phone, may last look pa. Nakakainis.


"Hmm.. Nagseselos ka ba?" (Chapter 47)


At oy! Alam ko na yang mga iniisip nyo. Hindi ako nagseselos kay Kylie noh! Ang sakin lang kasi, ayan. May paconfess confess pa siya sakin tapos ngayon kung umasta, parang iba naman pala ang gusto nya. Nakakabadtrip kaya. Nakakainsulto sa part ko.


Hayss.


Ewan ko ba. Nakakabadtrip talaga. Sabihin na natin na may bipolar na siguro ako. Pero mas pipiliin ko pa na bipolar ako kaysa ang sabihan nyo ko na nagseselos kay Kyl. I mean duh! Alam ko naman na mas maganda siya, pero mas charming kaya ako. Siya ganda lang. Ako cuteness with matching multiple talent pa. 2 in one kaya yung akin. Kaya makakaangat ako sa kanya.


Hay nako, hayaan na nga. Basta ang mahalaga, nakaalis nako dun.


"Arf! Arf!"


Ay arf arf!


Habang naglalakad ako sa subdivision, nagulat ako nang maramdaman kong may something na tumahol sa paanan ko. Napatingin naman ako sa bandang ibaba ko at---


*blink blink*


Waah! Ang cute! May nakita kasi akong small shih tzu puppy.


Kulay black siya pero sobrang cute ng mukha. Nagkakawag pa ang buntot habang nakasampa ang dalawang paa sa binti ko.


Pero teka. Asan yung may-ari nito? Naliligaw ba siya?


"Naku, miss. Pasensya ka na ah"


Napatingin ako sa unahan nang marinig kong may nagsalita. Mukhang ito na nga ata yung may ari kasi parang hingal na hingal pa siya eh. Parang hinabol nya ata ito.

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon