Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends

78.7K 1K 111
                                    

Chapter 23: Say Hello to Nikki’s Friends

“ Buds, Anong ginagawa nyan dito?!”

 

“Kayo na ba?!”

 

“Nagtanan kayo?!”

 

“Engage?!”

 

“Kasal?!”

“Buntis?!”

 

Ay, Pambihira!.. Sabi na nga ba eh.. Tignan nyo naman yung mga reactions nila. Hayss.. Kaya ayokong sabihin sa kanila yung totoo eh.. Sabi ko sa inyo, si Ashley na yung may matinong pag-iisip sa mga kabarkada ko..

“Hoy, Teka! Anong buntis yung sinasabi mo?!” Sabi ni Jasmine kay Toff

“Eh paano kasi, di ba, na-hospital si Nik Niks tapos yung lalaking yun yung nagbantay sa kanya. Kaya ko nasabi na baka buntis si Nik Niks.”

“Aaaahhh, ok! May point din naman pala si Toff” sabi nilang lahat.

*Loading.....

WHAT?! Hala, Hindi ako buntis?!

“Eh walang’ya pala tong lokong ‘to eh!!!”

Nagulat nalang kami ng biglang sugurin ni Ian si Vinci tapos hinawakan sa kwelyo..

Hala! Anong gagawin ko?!

“Huy! Yan-Yan.. Tama na yan!” sabi ni Daniel habang pinpigilan si Ian.

 

“Oo nga, Ian.. Ano ba?” sabi ni Kylie..

“Ang lakas nang loob mong gawin kay Buds yun.. Ha?!” sabi ni Ian kay Vinci

“I don’t know what you’re talking about. Bitiwan mo nga ko.” Sabi ni Vinci kay Ian.

Sinubukan nilang awatin si Ian pero ayaw talaga magpaawat.. Kaya pumagitna ako sa kanila kahit alam kong pwede akong masaktan..

“Guys! Ano ba?! Tumigil nga kayo?! Ian, ano ba!”

Huminto naman si Ian nung nasa gitna nako.. Hayss.. Ano ba ‘to? Nasstress ako.

“I’ll explain everything, ok?!” sabi ko sa kanila.

Sumunod naman silang lahat kaya umupo na silang lahat sa sala. Ginitna nila kami ni Vinci para wala daw kaming takas.. Kaya ang katabi ko si Ashley samantalang si Kylie naman yung katabi ni Vinci sa kabila. Medyo nilayo nila si Ian sa tabi ni Vinci kasi baka mag-hysterical nanaman. Eh alam nyo naman si Ian diba? Exag masyado..

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now