Chapter 50: The Unexpected Auditionist

1.4K 59 17
                                    



Chapter 50: The Unexpected Auditionist


Ashley's POV


"Ash.."


Tumingin ako sa paligid nang marinig kong may boses ng lalaki na tila tumatawag sakin. Nasa madilim na parte ako ng isang silid at sa sobrang dilim ng paligid, ni anino ng taong nagsalita ay hindi ko makita.


"Sino ka?" sabi ko.


Wala na akong narinig na nagsalita matapos noon. Kaya naman kahit halos wala na akong makita sa sobrang dilim, sinubukan ko nalang na maglakad lakad para hanapin siya.


"N-Nasaan ka?" muling sinabi ko.


Patuloy akong naglakad lakad hanggang sa..


..makakita ako ng munting liwanag sa bandang kanan ko. Lumingon ako dito. Pagkatapos ay nakita ko na parang isa siyang pintuan na bigla nalang bumukas at sa bandang kinaroonan noon..


Ay isang anino ng matangkad na lalaki na tila nakatingin sakin.


"Sino yan?" Sabi ko.


Dahil sa sobrang liwanag na nakikita ko, hindi ko masyadong makita ang itsura ng lalaki. Kahit kusutin ko man ang aking mga mata, nakakapagtaka dahil hindi ko pa rin siya maaninag.


"Ash. Come here.. you are safe with me"


Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya kahit hindi ko pa alam kung sino ang taong nakikita ko ngayon. Hindi ko alam pero nararamdaman ko lang na kapag pumunta ako sa kinaroroonan nya, magiging safe ako sa tabi nya at hindi nya ako pababayaan.


ngunit..


habang naglalakad ako papunta sa kanya..


.. nakakapagtakang na ang naturang tao ay unti unting lumalayo.


"W-wait!"


Dahil ayokong maiwan sa isang silid na sobrang dilim, nagmadali akong sundan ang taong nakita ko. Kahit patuloy siyang lumalayo sa paningin ko, sinusubukan ko paring tumakbo para makapunta sa kinalalagyan nya..


Nang makarating ako sa kadulu duluhan..


Biglang lumiwanag ng sobra ang paligid at..


At..


Teka?


Nasaan ako?


B-Bakit..


..bakit nandito ako sa clinic?

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon