Chapter 63: The Incoming Rival?

144 5 1
                                    

Connected Chapters: "Chapter 53", "Chapter 54", "Chapter 62" (Make sure to read this before proceeding to this chapter, ok?)

Enjoy!


---------


Chapter 63: The Incoming Rival?


Nikki's POV


Sino kaya ang babaeng yun?


Possible nga kayang kilala nya si Vinci?


Hays. Yan lang naman ang mga tanong na pumapasok sa isip ko. After kasi naming magpunta sa ukay-ukay, nagdecide na kaming umuwi ni Vinci. Actually, nag-aaya nga sana siya kumain sa labas eh. Pero sabi ko nalang pagod nako. Kaya dumiretso na akong umuwi.


Pero kahit nasa bahay na ako, hindi ko pa rin makalimutan yung babaeng nameet ko kanina.


Pero bakit? Bakit nga ba di ko yun makalimutan? Dahil ba sa familiar ang itsura nya? Or dahil, na-bother ako bigla sa mga sinabi nya?


Hays. Ewan. Hayaan na nga. Baka isa lang din siguro yun sa mga fans ni Vinci sa school.


Besides, mukha naman siyang lower year eh. Kaya baka hindi ko naman siguro siya masyadong ma-eencounter.


Nang maisip ko yun, tumingin nalang ulit ako kay Pepper na kanina ko pa bitbit habang nagmumuni-muni dito sa balcony. Hinaplos haplos ko nalang ang malago nyang balahibo para mawala ang mga iniisip ko at nang makita kong napipikit-pikit na ang mga mata nya, bigla akong napangiti sa kinatatayuan ko.


"Halika na nga. Matulog na tayo" ngiting sabi ko at kiniss ang forehead nya.


Pumasok na kami sa loob ng kwarto at hinayaang bukas lang ang pintuan ng balcony ko. Pagkatapos, sumampa na ako sa higaan at nilapag ko na rin si Pepper sa tabi ko.


Matutulog na sana kami ni Pepper nang bigla akong makarinig ng katok sa pintuan. At dahil dun, tumingin ako sa banda dun.


"Sino yan?"


"Silly. It's Vinci, of course"


Ay, oo nga pala. Kami nga lang pala ang tao dito. Kaya nang marinig ko ang boses nya, tumayo muna ako saglit at pumunta sa pintuan.


Nang buksan ko ang pinto..


"Yes, Vinci?"


"How's Pepper? Is she ok with you in bed?"


"Hmm. So far ok naman. Comfortable naman siya sa kama ko" sabi ko at tumingin sa kama ko kung saan natutulog ang black shih tzu ko. Pagkatapos, binalik ko na ang tingin ko sa kanya "Uhm. Bakit?"

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now