Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)

78.4K 1K 160
                                    

[SIDE-STORY MODE]: Ang chapter na ito ay hindi tungkol sa “Vicol Loveteam”. Kaya pagpasensyahan nyo na po kung ineexpect nyo na tungkol ito kila Vinci at Nikki. May mga chapters din kasi sa story na ‘to na kailangang i-emphasize ang story ng ibang characters. Kaya as of now, ibang loveteam muna tayo, okeis? Pagbigyan nyo na sila.. minsan lang naman eh.. hehehe.. Pero don’t worry, connect pa rin naman ‘to sa last chapter..hihihi.. Ayun.. =)

So, let the chapter begin..

_________

 

Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)

Ian’s POV

Pambihira.. Another week nanaman dito sa Xavier’s School of Arts. Bad trip! Kung kailan naman may dance competition kami, dun pa ko binigyan ng penalty ni daddy. Haysss.. Bwisit talaga.. At sinakto pa nyang ngayon yung start ng pagiging student assistant ko para hindi talaga ako makapunta sa competition.

Kainis!

For sure, sila Toff at Danny, nandun na at nakikipag-compete na sa ibang school. Samantalang ako, nandito at gagawa ng napaka-boring na bagay.. Hay naku, nababadtrip talaga ako.

Kasalukuyan na pala kong naglalakad sa school grounds. Papunta na ko ngayon sa pesteng building kung saan daw ako mag-aassist.

Hayysss.. saan na nga ba yun?

Huminto muna ako saglit sa may park bench para tignan yung binigay sakin na papel.. Dun kasi nakalagay kung saan ako mag-aassist..

Dancing studio 3.4 – Arts building

Ah.. Ok. Dun pala..

Hmm...  Arts building.. Arts building.. Saan nga ba yun?

Nagsimula na kong maglakad ulit sa school grounds habang nililigid yung mata ko at---

Teka..

Si Buds ba yun?

*kusot mata

Oo nga.. Si Buds nga!

Nakita ko ngayon si Nikki na naglalakad din sa school grounds. Siguro papasok na siya ngayon sa class nya..

Pero galit pa kaya siya sakin?

Agad naman akong tumakbo para mahabol ko siya..

“Buds!” sabi ko habang pilit ko siyang hinahabol.

Good thing nung tinawag ko siya, huminto siya at lumingon kaya naman naabutan ko siya.. Kaso parang nagbago yung mood nya nung nakita nya ko..

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now