Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)

88K 1.1K 113
                                    

Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)

9 am na ng umaga ngayon pero tinatamad pa rin talaga akong gumising..

*yawn

 

Hays, pasensya na kung hikab ako ng hikab ha. Napuyat kasi ako kagabi dahil hindi ako masyadong makatulog. Magdamag ko kasing pinag-isipan kung ano yung sinabi ni Vinci kagabi..

Ganito kasi yun..

*flashback

 

“Nikki”

Napatingin ulit ako sa kanya..

“Oh, bakit ulit?”

“You really made my day complete”

“Ha? Ano ulit yu---“

*Boooogss

 

Ay, pambihira naman oh. Saraduhan daw ba ako ng pinto?

*end of flashback

 

Di ba ang weird? Sino ba naman ang hindi makakatulog kung may sinabi yung kausap mo tapos hindi mo naintindihan? Eh pano ko naman maririnig yung sinabi nya. Bukod sa sobrang hina ng boses, parang kinakain nya yung salita nya. Tapos sinaraduhan pa ako ng pinto kagabi.. Yung “you” nga lang saka “day” yung naintindihan ko eh.

Hayyysss.. Makababa na nga lang..

Inayos ko na yung kama ko at dali-dali na akong lumabas ng pinto. Pababa na ako sa dining area habang naghihikab pa rin dahil sa sobrang antok.

Nang makarating na ako sa dining area..

“Good morning po!” *yawn

 

Hindi ko na sila hinintay sumagot. Umupo nalang ako sa upuan. Katapat ko si tito Henry saka si Vinci tapos si daddy naman, naka-upo sa center.

Tinitignan lang nila ako habang kumukuha ako ng kanin..

Maya-maya, bigla namang nagsalita si daddy..

 

“Mukhang puyat na puyat ka, princess ah.”

“Medyo lang po, daddy.” *yawn sinabi ko yun habang naglalagay ako ng bacon sa pinggan.

Susubo na ako ng bacon ng biglang magsalita si Vinci..

“Wala ka bang suklay sa kwarto mo?”

Napatingin naman ako sa kanya nung sinabi nya yun, “Ha? Bakit?”

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon