Chapter 47: Unexplained Emotions

4.1K 147 30
                                    

Isang mabilis na mensahe: Pasensya na po kung hindi ko nasunod ang 2 weeks update. Sunod sunod po kasi ang naging event ko last weekends. Anyways, ang mahalaga po ay naka-update na po ako. At sana makacomment kayo bukod sa "Update please".. Hihi.. Yun lang po.

Enjoy the chapter, guys! Mwuah! <3

--------------

Chapter 47: Unexplained Emotions

Vinci's POV

"Are you out of your mind?! Bakit mo ginawa yun?!"

Asar na asar ako kay Kylie nang malaman ko sa kanya na sinali pala nya ako sa Acting club. After kong mareceive ang weird e-mail na yun, agad ko siyang tinext kaninang umaga na i-meet nya ako dito sa soccer field. I really have a feeling na may kinalaman siya dun and my hunch was right. Sinali nya nga ako dun. With out my permission.

"Well actually, yun nga kasi ang dahilan kung bakit kita tinatawagan kahapon. Naisip bigla ng gorgeous mind ko na since kasali yung Stambough na yun sa acting club nila Nikki girl, what if mag-join ka nalang din dun. Para mabantayan mo siya. I'm going to ask your permission naman eh. Kaso you're so snobbish kagabi at pinatayan mo pa ako ng cellphone. Kaya ayun, minessage sent ko na agad. "

"Pero kahit na! Dapat tinanong mo pa rin muna ako kung gusto ko or what?! Hindi yung nagdedesisyon ka kaagad ng ganyan!" asar na sabi ko. "Saka paano mo ba nalaman yung email ko?! Personal ko na yun eh tapos dun pa sila nagsend!"

"Hello? Sa Fb po. Remember? Nilagay mo dun" sabi ni Kylie. "Saka relax ka nga dyan, papa Vinci. Nakaregister ka lang naman eh. And besides, I'm sure naman na nakalagay dun na magrereply ka kung gusto mo or what so ever. Kung di mo trip, eh di wag mong nalang replyan."

"Pero hindi yun eh! Paano nalang kung si Nikki ang makabasa ng registration na yun?!"

"Eh ano naman kung siya?"

"Eh di magtataka yun kung bakit ako nagregister dun?! At malamang sa malamang, pag-uwi ko or pagnagkita kami mamaya, magtatanong sakin yun kung bakit ako sumali sa acting club na yan?!"

"Hay nako. Don't worry nga. Alam naman natin na slow yun eh. Di nya malalaman kung ano ang totoong dahilan kung bakit ka nagregister. Saka kung magtanong man siya, eh di mag-alibi ka nalang ulit. Expert ka naman dun eh, right? Alibi ng feelings. Haha."

"Pero di mo ko naiintindihan! Bakit ngayon pa?! Kung kailan—ugh. Badtrip!" asar na sabi ko at napasabunot ng buhok sa sobrang inis. "Aish! Bwisit! Bahala na nga! Nangyari na eh. Wala ng magagawa."

Padabog nalang akong umupo dito sa bench at napahawak nalang ako sa noo ko.

Kainis! Nahihiya na nga akong humarap sa kanya dahil dun sa kahapon tapos ito pa ang mangyayari?! Lalo lang mapapatunayan na tama ang paratang ni Stambough sakin pag nagkataon. Then later on, magagalit sakin si Nikki at masisira na ang tiwala nya sakin. Aish! Naloko na. Naloko na talaga!

"Teka teka! Wait nga! Kanina ko pa napapansin ah." rinig kong sabi ni Kylie sa tabi ko. "Ano ba kasi ang kinaki-beast mode mo dyan? May problema ba?"

"Oo. Malaki!" agad na sabi ko habang asar na asar.

Sinubukan kong i-tone down ang temper ko dahil ayokong mabuhos kay Kyl ang galit na nararamdaman ko. Babae pa rin siya and it's too rude kung sisigawan ko siya in a public place like this.

Pero ugh. Naiinis pa rin talaga ako! Di nya dapat ginawa yun!

"Huh? Malaki?" agad na umupo siya sa tabi ko. "Wait. Ano bang problem yang sinasabi mo?"

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now