Chapter 56: Lovesick (Part 1)

1.3K 33 3
                                    

Short message: Since matagal po akong di naka-update, I'll update 2 long chapters for this week. Then next week, 2 chapters ulit. Para makabawi sa inyo. haha. 

Anyways, enjoy! ^_^


---


Chapter 56: Lovesick (Part 1)


Ian's POV


"N-nagseselos ka ba kay Xander?"


"Hindi ako nagseselos! Ang ayoko lang yung.. y-yung.."


"Wag kang mag alala. Wala naman akong gusto dun eh"


Nanatili akong nakatulala sa kawalan habang inaalala ko ang nangyari sa amin ni Ashley. Oo. Nung isang araw pa nangyari yun pero bakit parang napakalinaw pa rin sakin ng lahat. Para bang hanggang ngayon, nararamdaman pa rin ng buong katawan ko ang init ng mga braso nyang hindi ko inaasahan na yayakap sakin.


Sinubukan ko ring pakiramdaman ang puso ko nang mga panahong yun. Galit at poot talaga ang una kong nararamdaman lalo na ng ipamukha ng lalaking yun ang lahat ng sinabi nya sakin. Pero nang maramdaman ko ang ginawa ni Ashley sakin, para bang nawala ang lahat ng yun at natunaw bigla ang sama ng loob ko.


Ano ba ang nangyari sakin nun?


At bakit nga ba ganun ang naramdaman ko?


Dahil nga ba sa selos? Kaya yun ang naramdaman ko?


Hindi. Hindi eh. Sigurado ako na hindi dahil dun kaya ako nakaramdam ng ganun


Para sakin kaibigan lang naman talaga si Ashley. Kapag kasama ko siya parang gusto ko lang syang protektahan sa mga lalaking nag ta-take advantage sa kanya. Yun lang. Yun naman talaga ang gawain ng kaibigan diba?


"Oo. May gusto ako kay Ashley. At ang lahat ng nabasa mo sa sulat nato.. Yun ang totoo kong nararamdaman sa kanya"


Pero...ang hindi ko maintindihan.. ay bakit?


Bakit nung nalaman ko ang bagay na yun, hindi ko talaga maexplain ang nararamdaman ko?


"Kaya kung sakaling dumating ang araw na malaman na nya ang tungkol dito, makakaasa ka.. na hindi ko siya pababayaan"


At nung sinabi pa talaga ng lalaking yun ang lahat ng salitang yun sa harapan ko, sobrang nagdilim ang paningin ko?


Para bang gusto ko siyang sapakin ng paulit ulit at miski ngayon sinasabi ko to, sobrang bumabalik sakin ang inis at galit na naramdaman ko nun?


Dahil ba...


...iniisip ko na pagsasamantalahan niya ang kahinaan ni Ashley?

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon