Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect

88K 1.1K 96
                                    

Chapter 18: When Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect

Ashley’s POV

 

Monday na ngayon pero natutuwa pa rin ako sa tuwing naalala ko yung nangyari nung nakaraang sabado. Nakita ko kasi si BFF kasama yung Mr. Antipatiks nya..

Kung tutuusin, nakakatuwang isipin ang nangyari sa kanilang dalawa. Kinaiinisan ni Nikki ang lalaking yun pero ngayon magkasama na sila sa iisang bahay. Paano kaya nagkakasundo ang dalawang yun?

Pero somehow nagtatampo nga ako kay BFF eh. Ni hindi man lang niya ako sinabihan kaagad ang tungkol sa kanilang dalawa samantalang bestfriend naman nya ako. Pero siguro, may dahilan nga si Nikki kaya niya hindi sinabi kaagad. Pero hanggang kailan ko naman ililihim ang tungkol sa bagay na yun?

“Ash! Look out!”

Nagulat ako ng may biglang kamay na humawi sa akin papunta sa sidewalk. Hindi ko namalayan na muntik na pala akong masagasaan ng tricycle..

“Ash.. Ok  ka lang ba?”

 

Napatingin naman ako sa lalaking humawi sa akin at--

“I-Ian?” sabi ko kay Ian habang gulat na gulat pa rin sa mga pangyayari. “Kanina ka pa ba dyan?”

“Hindi naman. Naglalakad na din kasi ako papuntang school ngayon tapos nakita kita” sabi nya sa akin.

Tumingin naman siya sa dinaanan ng tricycle na muntik makasagasa sa akin..

“Hay nako. Loko yun ah. Tsk. Buti nalang pala nakita kita kundi nasagasaan ka na ng tricycle.”

“S-salamat ha” sabi ko sa kanya.

“Walang anuman. Pero ok ka lang naman diba? Hindi ka ba nadagit nung tricycle?”

Tinignan nya ako na parang nag-aalala. Medyo nailang naman ako nung tinitigan nya ako ng ganun..

“H-hindi naman. Ok lang talaga ako. Hindi ko kasi napansin na may paparating na palang tricycle sa harapan ko.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko magawang matignan siya ng diretso dahil medyo nahihiya ako sa kanya..

“Ok lang yun. Hayaan mo na” sabi nya yun habang kinurot ni Ian ang pisngi ko.

*dugdugdugdug

Dahil sa ginawa ni Ian, naramdaman kong namumula ang pisngi ko..

“Hala, Ash. Namumula ka nanaman. May sakit ka ba?” sabi sa akin.

“Ay, naku. Hindi. Wala ‘to.” *iling iling

“Ah, ganun ba?” sabi nya..

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon