Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses

1.6K 58 4
                                    

Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses


Nikki's POV


"I'm sorry for two reasons. One.. For lying to you the other day.. And second, For letting myself falling in love with you each day"


Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang bawat salitang binibitiwan ni Vinci sa akin. At sa mga oras na ito, nakatulala lang ako sa kanya habang siya naman ay titig na titig lang sa akin.


Nang simulan nyang hawakan ang mga kamay ko, hindi ko maiwasang makaramdam ng panlalamig sa kinatatayuan ko. At habang pilit ko siyang tinitigan sa mga oras na ito, hindi maiwasan ng aking mukha na mamula ng ganito.


Pero.. a-ano nga ba talaga ang nangyayari ngayon?


Totoo nga bang.. s-sakin siya nagtatapat ng ganito?


"V-Vinci" yun nalang ang nasabi ko.


Sinubukan kong magsalita at itanong sa kanya ang lahat ng mga tanong na tumatakbo sa isipan ko,


Pero dahil sa mga nangyayari ngayon, at dahil hindi ko expected na mangyayari to, hindi ko ito masyadong magawa.


Habang patuloy na naghihiyawan ang mga tao sa paligid, patuloy na naninigas ang buong katawan ko. At habang nagtititigan kami sa isa't isa, sa mga oras na ito ay parang may kung anong bagay ang nakakapagpatahimik sakin.


Pero..


Ano nga ba ang dapat kong g-gawin? Ngayong nasa harapan ko na siya at nagtatapat ng ganito?


D-Dapat nga bang matuwa ako?

O hindi?


Hindi..


H-Hindi ko talaga alam.


Pero habang tinitigan ko ang mga mata nya..


At habang patuloy kong dinadama ang tila pagtigil ng mundo sa mga oras na 'to..


Isa lang ang masasabi ko..


Si Vinci lang ang kauna-unahang lalaki na nakagawa sa akin nito.


"I have a confession to make!"


Tumigil ang hiyawan sa paligid nang biglang may sumigaw mula sa likuran namin ni Vinci. Bago pa ako makalingon sa taong yun..


..napiglas ang pagkakahawak ni Vinci sa kamay ko.


..tuluyan kaming nagkahiwalay. At nang makita ko ang taong gumawa nun.


"J-James?" gulat na sabi ko "Anong ginagawa mo?"

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now