Chapter 1

41.2K 796 61
                                    

Dominique

"Don't give me that look, Dominique."

Napanguso ako kay Mommy. I am no longer a kid pero kung itrato nila ako ni Mama ay parang bata.

"I'm twenty years old Mommy-"

"That doesn't make me a less mother to you."

Gusto kong mapahilamos sa aking mukha pero pasimple na lang akong napabuntong hininga. I know my Mom Frances Kiefer. Hindi ako mananalo rito. Sa aming apat nina Mama Scarlet, sa Kuya kong si Thunder Franz at ako. Si Mommy France lang ang boss sa bahay. Kung anong sinabi nito ay iyon ang masusunod. Takot lang kami rito.

She's strict as a Mom pero sobrang malambing din naman ito, maalagain at mapagmahal. Iyon nga lang ay medyo may pagkamasungit si Mommy hindi kagaya ni Mama na palaging nakangiti at mas maunawain.

Napakamot na lang ako sa aking tenga ng mapagtantong sa akin lang pala medyo istrikto si Mommy France. Aside sa kondisyon ko ay mas dapat daw akong inaalagaan at binabantayan kaysa kay Kuya. Right, I'm their only unica hija pero si Kuya siya lang din naman ang unico hijo ng mga ito.

"Stop fidgeting Dominique." Suway nito sa akin kaya mabilis kong tinanggal ang mga daliri kong kumakamot sa aking tenga.

Napailing ito bago napangiti saka ako hinalikan sa aking noo.

"Para kang si Mama mo kapag kinakabahan."

Nagmana talaga ako kay Mama Scarlet sa mga mannerisms nito sa tuwing nahihiya o dinadaga ang dibdib.

Napangiti ako rito.

"But no sweetheart. Hindi ka pwedeng sumama sa kung anumang hiking ang pupuntahan niyo ng mga kaibigan mo."

Nawala ang ngiti ko. Hindi talaga ako kailan man pinayagan ni Mommy at Mama na maglakwatsa. Any outings ng school namin or field trips noon kahit nga sa mga outing namin dapat ng mga kaibigan ko. Hindi ako nakakasama katulad ngayon.

I can only go out kapag sila ang mga kasama ko at sina Tita Snow, Tita Risen, at mga pinsan ko. They don't trust my welfare sa kahit kanino. And I fully understand them why.

I really do.

"Besides, magsisimula pa lang ang klase niyo ngayon tapos nakaplano na agad ang outing na iyan this coming weekend. Ang masaklap pa e hiking and you know you can't, right sweetheart? Kailangan mong magpalakas palagi ok?"

Napatango ako rito. "Yes Mom."

Ipinaghain ako nito. Heto ang gustong gusto ko kay Mommy France. Ito mismo ang nagluluto ng mga pagkain namin ganun din kay Mama Scarlet.

I know their love story. Wala namang inilihim sa amin si Mommy about sa kanila ni Mama noon. I really don't like the part na niloko ni Mommy si Mama despite all Mama Scarlet's effort but I love how they end up together at kung paano bumawi si Mommy hindi lang kay Mama kundi sa amin din hanggang ngayon.

Sa tingin ko ganun talaga kapag tunay na pag-ibig  sa taong tama para sa atin. At gusto ko ring magkaroon ng ganung kwento. Gusto kong makaranas ng ganung pag-ibig sa isang taong nakalaan para sa akin kagaya nina Mommy France at Mama Scarlet.

"Morning Selenophile!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kuya Thunder saka mabilis na hinalikan ang aking pisngi.

"M-morning Kuya." Utal kong sagot rito.

At dahil doon ay nasapak ni Mommy France ang braso nito. "Thunder ano ka ba!" Sita nito kay Kuya.

Napakamot naman ito sa ulo bago humalik sa pisngi ni Mommy.

"Sorry Mom. Good morning." Saka ito ngumiti ng malapad bago ito naupo dahil kailangan nitong kumain. May pasok ito sa opisina at ang rules ni Mommy France. Walang aalis ng bahay sa umaga ng hindi kumakain.

Nauna akong natapos. Humalik ako kay Mommy at kay Kuya saka na nagpaalam. Ayokong ma-late sa school dahil unang araw pa naman ng pasukan ngayon.

"Good morning Señorita-"

"Hep!" Putol ko kay Kuya Ilver. "Kuya, Dominique po. Ayoko sa Señorita."

"Pero Ma'am-"

"At huwag din po sa Ma'am. Tara na Kuya, male-late na ako." Wika ko saka na sumakay sa sasakyan ng hindi na hinintay pang isara nito ang pintuan dahil ako na mismo ang gumawa non.

Hindi na ako bata. Oo napapagod ako pero gusto kong mamuhay ng normal kahit napakayaman pa ng pamilya ko.

Tumunog ang cellphone ko at awtomatikong napangiti ako ng makitang si Mama Scarlet ang tumatawag sa akin. Mabilis ko itong sinagot.

"Hey, good morning sweetheart!" Masiglang bati nito at kahit hindi ko ito nakikita ay alam kong nakangiti ito ngayon. My Dada's sweet at hindi ito nakakalimot kahit malayo pa ito sa ngayon.

She went in Holland dahil namatay noon si Lolo at ngayon lang nito inasikaso ang mga naiwang ipinamana nito kay Mama. I had learned na hindi naging maganda ang samahan nilang mag-ama noon pero sa huli ay nagkapatawaran din ang mga ito.

And I know my Mama's condition. She's an intersex and I'm proud of her. There's nothing to be ashamed of especially she's a super parent to us. Pero syempre kami lang din ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon kaya deadma lang ako kapag sinasabi ng iba na ampon kami ni Kuya Thunder. Na mga donor baby kami kay Mommy France. Natatawa na lang ako minsan sa mga naririnig ko lalo noong maliit pa lang kami ni Kuya.

They don't need to know the truth. Ang importante, we are Kiefer-Howard full blooded heirs.

"Good morning Dad!"

Natawa ako ng marinig ko itong umungol na parang naiinis sa kabilang linya.

"Mama sweetheart. Kamusta ka? Huwag kang magpapagod ha."

I rolled my eyes. Lahat na lang sila.

"I'm fine Ma. Kelan ka po uuwi?"

"In a week but don't tell your Mom dahil isu-surprise ko ang Pransya ng buhay ko."

Natawa na naman ako. Ang cheesy talaga nito kay Mommy kahit kailan.

"Miss na miss kana nga ni Mommy."

"Baka miss lang niya si little Scarlet ko." Natawa ito sa kabilang linya at ako naman ang literal na nanlaki ang mga mata.

"Bye Ma! I love you!"

"Hey! I was-"

And I ended the call. Hindi ako komportable na pag-usapan ang sex life ng parents ko lalo pa't alam kong tina-try pa rin ng mga ito na bigyan kami ni Kuya Thunder ng isa pang kapatid.

Halos magkakapatid kami ng mga parents ko kapag nagtabi tabi. They looked younger than their actual age. Mommy Frances, she's fourty six and Mama Scarlet's fourty seven. How cool is that na maaga silang naglandian noon?

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng HFU. Ang University na pag-aari ni Tita Snow at Tita Risen na ngayon ay binigyan din ng share si Mommy Frances. Dito rin nagta-trabaho si Tita Risen aside sa mga chain of restaurants nito which literally I call Mama too. Pero bumibisita lang si Tita Risen ganun din kay Tita Snow para icheck ang school. Mas priority kasi ng mga ito ang mga pamilya nila kagaya ni Mama Scarlet.

Si Tita Natasha at Tita Allison kasi ay nag-resign na sa trabaho bilang mga Professors matagal na, mga bata pa kami noon ng mga pinsan ko at literal na housewife sila ngayon kagaya rin ni Mommy Frances.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan ng makitang bababa na sana si Kuya Ilver para pagbuksan ako ng pinto.

"Salamat Kuya Ilver!" Saka ko na ito nilayasan na kumakamot sa ulo. Oo ako na ang matigas ng ulo.

Dala ng shoulder bag ko sa aking kanang balikat ay lumakad ako papasok ng school. May parkingan naman sa loob para sa mga Estudyante, Professors, Visitors at drop offs pero ayokong magpahatid sa loob. I don't want being a VIP or VVIP. Gusto ko ng normal. Besides, walking is a good exercise pero depende sa layo at sitwasyon, right?

"Dominique?"

Awtomatiko akong napatingin sa taong tumawag ng pangalan ko.


"Tita?"

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon