Chapter 16

11.3K 579 34
                                    

Dominique

"Cous." Mahinang tawag sa akin ni Jazmine kaya tumingin ako rito mula sa pagsusulat ko sa note ko.

"Bakit?" Pabulong kong tanong rito. May hindi na naman ba ito naintindihan sa lesson namin?

"I think I'm gay."

Napaikot ang mga mata ko rito. "Alam ko na iyan. Si Miss Fin lang naman pinagnanasahan mo."

"Hindi siya." Kinikilig ang itsura nito bago hinawakan ang ilang buhok at inikot ikot iyon. Isa lang ang sigurado ko. Nababaliw na ito.

"Sino?" Takang tanong ko rito.

Lumapit ito sa akin bago bumulong sa tenga ko. "Si Mrs. Knutson."

"Tanga ka ba?" Napalakas na wika ko at huli na ng makita kong tumayo si Mrs. Knutson habang malamig ang tingin nito sa akin. Hindi lang siya kundi lahat sila nakatingin sa akin.

"Now whose stupid Miss Howard?" Napalunok ako sa tanong at klase ng tono nito. Nakakakilabot idagdag pa ang mga mata nitong walang buhay.

Masasakal ko talaga si Jazzy mamaya kapag nakaalis pa ako rito ng buhay.

Why did I ever forget that she's our Professor at this moment? Kay Mrs. Knutson lang ako nagkaka-bad record sa paaralang ito.

"I.." Wala akong masabi. Alangan namang ilaglag ko ang pinsan kong matabil ang bibig?

"Get out!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito kasabay ng pamumula ng buong mukha ko. Umabot na sa mga tenga dahil ang init init ng pakiramdam ko rito.

Nakakahiya! Hindi pa ako napapalabas sa tanang ng buhay ko!

"Ma'am it was me who pushed her-"

"Both of you get out!"

Mabilis kong kinuha ang bag ko at notes saka na lumabas. Ayokong napapagalitan o napagtataasan ng boses. Much more ang mapahiya. Bakit pa ako magtatagal doon if she wanted us out? Mas tanga ang hindi nakakaintindi sa bagay na iyon.

"Hey are you ok?" Tanong ni Jazmine sa akin ng maabutan ako nito. Tumigil ako sa paglalakad at nanggigigil kong kinuyom ang mga kamao ko rito.

"What were you thinking back there Jazzy?! Don't ever throw a stupid question like that kapag si mangkukulam ang subject natin. Nakakahiya!" Napahilamos ako sa aking mukha.

"Hey sorry na ok? I was just making a joke kanina at hindi ko naman alam na papatulan mo."

"You're unbelievable." Napailing ako rito. "Take me home Jazzy. I don't ever wanna go back there ever again after what happened."

May isa pa kasi kaming klase kay Mrs. Knutson pero hindi na ako aattend. Bahala na. Pinaalis na kami sa klase niya. I don't think na gusto pa niya kaming makita sa susunod na subject na siya rin ang Professor namin.

Kung hindi maganda ang pakiramdam ko sa araw na ito. Parang bad mood din ito. Well, araw araw namang nagsusungit at nanlalamig. Wala ng bago doon. May problema sa ugali nito and it's too late to cure that.

"Ako rin. Uuwi na lang ako after kita maihatid pero anong sasabihin ko kay Mommy Allison kapag tinanong ako kung bakit ang aga kong umuwi ngayon?" Problemadong tanong nito.

"Sabihin mo short period."

Napaikot ang mga mata nito. "Malalaman niya kay Mama Risen kasi nandito si Mama ngayon sa office niya for supervision."

"E di patay ka."

Mabuti na lang at hindi ganun si Mommy at Mama sa akin kasi alam nila ang kondisyon ko and they don't want me to push some things kung alam nilang mahihirapan ako. As I've said, masama ang pakiramdam ko ngayon pero ayokong gawing rason ang bagay na iyon kung bakit maaga akong uuwi ngayon dahil hindi naman ganun ang nangyari sa loob ng classroom.

"Doon muna ako sa bahay niyo."

Napahawak ako sa ulo ko ng mahilo ako kaya mabilis akong inalalayan ni Jazmine.

"Ayos ka lang?"

"Oo, iuwi mo na lang ako."

Kinuha nito ang notes na hawak ko saka nito inilagay sa loob ng shoulder bag ko. Ito na rin ang nagbitbit habang inaalalayan ako nito sa paglakad.

"Cous punta na lang kaya tayo kay Mama Risen muna? Baka mapagod ka, hindi mo kayanin. Hindi kita kayang buhatin rito."

Napangiti ako rito. "Ang oa ha. Ayos lang ako sabi. Iuwi mo na lang ako."

"Saan kayo pupunta? Tapos na ang klase niyo?" Si Miss Fin ng makasalubong namin itong may hawak pang libro. Siguro ay pupunta na ito sa subject nito dahil malapit na rin naman ang oras sa susunod na klase.

"Hindi pa po Miss Fin pero uuwi na po kami." Si Jazmine ang sumagot rito na todo ngiti pa. No wonder she's gay.

"Why? Skipping classes?" Nabaling ang tingin nito sa akin. "What happened to you Dominique? Bakit ang putla putla mo?" Nag-aalala ang tono nito pati ang mukha.

Oo tama si Jazmine. Maganda si Miss Fin pero mas ma-appeal si Mrs. Knutson. Siguro ang nagdala ay ang katarayan at kasungitan non. Pwede naman diba?

Sasagot sana ako ng-

"Masama po kasi ang pakiramdam niya Miss Fin kaya iuuwi ko na lang."

"Ha? Tara." Hindi kami nakaimik ng alalayan na rin ako nito. "Sa parking lot?"

Sabay kaming napatango ni Jazmine rito.

"Bukas Dominique huwag ka munang pumasok kung masama talaga ang pakiramdam mo. You can't prioritize your education over your health. I mean, importante ang edukasyon but health is wealth."

"Yes, Miss Fin."

"Gusto ko sanang sa infirmary ka but if things gets worst na huwag naman sana. At least you're home already and your parents can look out for you."

She's right.

Ng makarating kami sa parking lot ay ito na rin ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan pagkatapos iyong i-unlocked ni Jazmine.

Hinawakan nito ang baba ko bago ngumiti. "You're gonna be fine. Get well soon Dominique."

"Thank you Miss Fin."

"I gotta go. Mag-iingat kayong dalawa lalo na sa pagmamaneho Jazmine."

Hindi na mapunit ang ngiti sa labi ng pinsan ko. Kulang na lang ay kikinang na ang mga mata nito.

"Yes Miss Fin! Salamat! Ingat ka rin po mamaya pauwi!"

Kumaway na lang si Miss Fin sa amin habang nakangiti bago naglakad palayo.

"Sabi ko na. Ang bait bait na, ang ganda ganda pa! Kaya nga-"

"In love kana don." Wika kong putol sa sinasabi nito saka na pumasok sa loob at isinara ang pinto. Mabilis itong sumakay sa may drivers seat at basta na lang ibinato sa likuran ang mga shoulder bag namin.

Balahurang babae.

"But I shouldn't be gay."

Napalubo na lang ako ng mga pisngi ko. "How do you feel kung may nanligaw kay Miss Fin?"

"Hindi pwede!" Mabilis na sagot nitong antaas pa ng boses. Hindi ko mapigilang hindi matawa.

"Right, you're not gay. You're into her. But why did you said it was Mrs. Knutson-"

"I was just testing you. You know I like her for you, for real."

"She's married and she's our Prof!" Asik ko rito.Why do they want me for that snob and cold woman? Lahat na lang sila mina-match ako and I don't like it.

Binuhay nito ang makina bago tumingin sa akin. "So? I didn't say marry her. I meant taste her." Kumindat pa ito sa akin.

"Baliw!"

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon