Chapter 31

12.3K 640 66
                                    

Dominique

"Tara." Anyaya ni Kuya sa akin, bihis na bihis ito.

"Saan?" Linggo ngayon kaya nasa bahay lang kami.

"Nagyaya si Ate Natalie na mag-lunch sa restaurant." Natuwa ako sa sinabi nito. Medyo matagal ko ng hindi nakikita si Ate Natalie.

"Dito ka lang Kuya!" Wika ko bago ako nagmamadaling pumasok sa kwarto ko para magbihis.

I wore a black skinny jeans habang naka-crop top na puti at high heels na red. Simple pero oh lala ang dating lalo na't sexy'ng sexy ako. I can see the trace of my abs. Tinignan ko kung pwedeng mamukol ang mamukol pero wala unless na lang kung nagising na huwag naman sana.

Nagwisik lang ako ng pabango at kinuha ang shoulder bag ko at isang puting blazer.

Perfect.

Ng makalabas ako ay naghihintay na sa akin si Kuya Thunder sa labas ng bahay. Pinagbuksan ako nito ng pintuan.

"Ang ganda natin ah. Napaka-deceiving mo talaga Selenophile."

"Magtigil ka Kuya!" Sinapak ko ang braso nito kaya tawang tawa. Ng makapasok ako sa loob ay nag-seat belt ako. Umikot naman si Kuya ng maisara ang pintuan ko saka naupo sa driver's seat.

"Hindi daw pala agad makakauwi si Mama at Mommy ngayon." Tukoy nito sa trip ng mga magulang namin sa Paris.

It's their wedding anniversary kaya one week na silang wala ngayon. Dalangin ko lang na sana ay walang mabuo. Hindi naman sa ayaw namin kundi masyado na kaming matanda ni Kuya para magkaroon ng kapatid. Pwede na nga silang magkaapo sa amin.

"Sana walang nabuo."

Natawa si Kuya sa sinabi ko. "Bigyan mo na kasi sila ng apo. Hanggat wala silang libangan. Araw araw silang maglalambungan."

"Gross Kuya. Matanda na rin naman na sila saka bakit hindi ikaw ang magbigay? Ikaw itong panganay."

He just shrugged. "Ikaw itong may bulaklak na sinasayawan."

"Ano ako bubuyog?"

Natawa na naman ito. "Nope pero if you love the woman. Then go for it Selenophile."

"She doesn't feel the same way."

Sinulyapan ako nito saglit bago nito ibaling ang tingin sa daan.

"Well then, make her fall in love with you. I'm willing to help."

"Talaga?"

"Oo naman pero dapat kung naging kayo na. Bigyan mo agad ng apo si Mommy at Mama."

"Paano kung hindi niya ako matanggap?"

"Kung totoong mahal ka. Matatanggap ka niya pero kung hindi. Prepare your heart."

Parang ayoko yata. Ang sakit kasing masaktan. Pwede bang ikulong ko na lang siya sa akin habang buhay? Pero hindi rin pwede. That's insane maliban na lang kung ito mismo ang magkukusa.

I remained silent until we reached our destination. Inalalayan ako ni Kuya sa paglabas at ipinulupot pa nito sa akin ang isang kamay nito pagkatapos kong isuot ang blazer ko. Para na kaming magkasintahan sa itsura namin ngayon but who cares? Nagkataon lang talagang close kami at sweet sa isa't isa. We only have each other.

Pagpasok pa lang namin sa restaurant ay parang hindi na ako komportable at hindi ko alam kung bakit para akong nanlalamig. I mean hindi ako nilalamig physically pero ang pakiramdam ko ay oo.

That's odd.

Nagpunta kami sa table namin at nandon na si Ate Natalie, Kuya Nathaniel, Kuya Ri'son at Jazmine. Bumeso kami sa isa't isa pero ng matapat ako kay Ate Natalie ay yumakap ako rito.

"Ate, I missed you."

Natawa ito sa akin bago nito pisilin ang pisngi ko. "Parang hindi tayo nagkita three weeks ago."

"Ang tagal na non Ate."

"Have a seat." Naupo naman ako. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Maayos kana ba? The Doctor said matagal ang paghihilom niyan Selenophile."

Naupo ako sa gitna ni Ate Natalie at Kuya Thunder. Bale magkatapat kami ni Jazmine ngayon.

"Maayos naman ako Ate."

Dinampot ko ang menu at saka pinasadahan iyon ng tingin. Ng matapos kaming mag-order ay nagkwentuhan lang kami saglit. When our order arrived, we ate in silence.

"The food tastes great." Komento ni Ate Natalie na sinegundahan naman ng ibang mga pinsan namin.

It's really great.

"Excuse me." I said as I stand up. "Washroom." Then I took my bag with me at naglakad papunta sa ladies washroom.

Ng makapasok ako ay dumiretso ako sa isang cubicle. Hindi dapat ako dito dumiretso pero wala akong mapagpipilian. I'm still a woman outside. Magpi-freak out ang mga lalaki kapag nakita ako sa mens washroom.

Ng matapos akong umihi ay inayos ko ang suot ko. Ng makalabas ako ay saka ako naghugas at matapos non ay nagpatuyo ako ng mga kamay.

Inayos ko ang buhok kong bagsak na nakapusod ng mataas and lastly ay ang blazer ko ng bumukas ang pintuan at pumasok ang hindi ko inaasahang tao.

Si Mrs. Knutson!

Her eyes were cold and dead again. I matched her gaze even though nasurpresa ako ay hindi ko ipinahalata rito.

I looked at her hand ng gumalaw iyon at i-locked nito ang pintuan habang hindi ako nito nilulubayan ng tingin.

Napalunok ako ng makita ang kasexyhan nito. What is she doing here? Kailan pa ito nandito sa restaurant na ito?

"What are you doing Mrs. Knutson?" Tanong ko rito.

Pinasadahan nito ng mga daliri ang bagsak nitong buhok and damn those long and delicate fingers. Hindi pwedeng magising ang dugo ko rito.

"What happened to Mikaela?" Parang nanghahamon nitong tanong sa akin.

My ghad! Huwag ngayon.

Napabuntong hininga ako. "I'm not into your games Mrs. Knutson. Clearly, you don't have any feelings for me so I don't see why you're doing these things."

"Hindi ko rin alam." Flat na wika nito. "But I hate to see you with another human being. Naiinis ako. I hate you."

"Thank you." I said para matapos na saka ako naglakad para na makaalis. Hinawakan ko ang doorknob ng pigilan nito ang kamay ko.

"Come with me." Malamig nitong sabi.

Ito na mismo ang nagbukas ng pintuan at saka ako nito hinatak. Teka kailangan kong magpaalam kay Kuya at sa mga pinsan ko.

"Wait, I need to-"

"No you don't need. Hindi ka babalik doon para sa lalaking iyon."

Patay!

"And you don't wear something scandalous like what you're wearing right now lalo na kapag may ibang kasama ka."

Mabilis kaming nakalabas na ni isa ay walang nakapansin sa amin sa mga pinsan ko. The next thing I knew. Tangay na ako nito paalis sa lugar na iyon.





Oh damn!

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon