Chapter 39

11.6K 636 60
                                    

Dominique

"Ako ang papatayin ni Mama Frances, Mommy Allison, at Mama Risen kapag may nangyari sa iyo ngayon."

Hindi ako nagsalita. Tinungga ko ang una't huling alak na iniinom ko.  Tipsy na ako dahil hindi naman malakas ang tolerance ko sa alcohol. Actually heto ang unang beses na uminom ako. Hindi na ako uulit pa. Masama lang talaga ang loob ko ngayon.

"Uwi na tayo. Malilintikan na talaga ako. I shouldn't have trusted you awhile ago."

Ang sabi ko kasi ay ako ang magmamaneho kanina at pumayag naman ito. Gaya ng sinabi ko ay marunong akong magmaneho pero hindi ako pinagmamaneho dahil sa aking kondisyon pero ngayong ok na ako kahit papaano. Siguro naman babalik na sa normal ang buhay ko.

Imbes na mamasyal lang ay dumiretso kami sa convenience store at bumili ako ng isang bote ng alak. Gusto kong maranasan kung paanong maglasing. Kahit anong awat sa akin ni Jazmine ay hindi ko ito pinapansin.

"We're home." Sagot ko rito bago niyakap ang mga hita ko at ipatong sa tuhod ko ang aking baba. Tumanaw ako sa City lights mula dito sa bundok. Nagmaneho lang ako kanina ng walang direksyon hanggang sa dito kami napadpad.

Napahiga si Jazmine sa tabi ko. Nandito kami sa hood ng sasakyan nito ngayon at nagpapahangin.

"I'm dead."

"Just tell them we're in your condo."

Napabuntong hininga ito. "I can't lie cous. Kapag sinabi kong nasa condo ako. Mama Risen will call some staff to check on me. To check on us."

Nahiga rin ako pagkatapos kong ibato ang bote saka ako tumingala sa langit. Kitang kita ko ang nagliliwanag at kumikislap na mga bituwin pero hindi ko ito ma-appreciate.

And suddenly it was totally fading away.

"Umiiyak ka ba?"

Kung hindi pa ako nito tatanungin ay hindi ko mamamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Ang sakit kasi." Now I totally cried and let go of my burden. Sinapo ko ang mukha ko at doon humagulhol.

"It's ok. I'm here cous. Let go of it."

Nanatili akong umiiyak ng ilang minuto habang si Jazmine ay nasa tabi ko. Sapat na sa akin na nandiyan lang ito. I just need someone to listen how broken I am.

Lumipas pa ang ilang minuto bago humupa ang sakit na nararamdaman ko. Humihikbi pa rin ako sa ngayon. Inabot ko ang wipes at nagpunas sa mukha ko. Inabot naman ni Jazmine ang isang chips saka iyon binuksan at kumain.

"Gusto mo?" Alok nito pero umiling lang ako.

"Let's go." Yaya ko rito bago ako bumaba at saka pumasok sa drivers seat.

"Teka." Natataranta ito pagkatapos ibato ang chips sa kung saan. "Aalis tayo pero ako ang magmamaneho. Mamaya saan na naman tayo pumunta at saka nakainom ka cous! Ayoko pang mamatay!"

"Hindi ka mamamatay. Sasakay ka lang. Ako ang pinatay kasi wala na akong pakiramdam." Tinuro ko pa ang dibdib ko sa tapat ng puso ko.

Padabog itong umikot sa sasakyan bago pumasok at naupo sa tabi ko.

"Lintik naman kasing Professor iyan!"

I started the car and the engine roared. I looked at her. "It has nothing to do with her for not loving me back pero huwag na huwag mong kakantiin ang nanay ng anak ko."

Tinignan ako nito kung seryoso ako. "Magiging nanay ng anak mo o nanay ng anak mo?"

"I got her pregnant." Then I hit the accelerator.

"What the! Oh my ghad! You f*cked her?!"

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang ako sa daanan namin habang nahihilo ako. I wanna go to Mikaela's place at pakiusapan ito. I don't know what to say but I'll try.

Couple of minutes and I'm feeling more dizzy.

"Cous hindi rito ang daan papunta sa bahay niyo. Wait." Tumingin pa ito sa labas sa mga nadadaanan namin. "No! We're not going in our Professors house cous! Ayoko doon! And you're drunk kaya huwag ngayon. Turn my car around and let's go to your house-"

"Shut up Jazzy." Sinapo ko ang noo ko sa sakit.

"Oh my! Stop this car at once kundi ay maaaksidente tayo!"

I blinked my eyes and focus on the road. I accelerate it to make it even faster.

"Oh my ghad! I don't wanna die yet!" Nagsimula na itong humikbi sa tabi ko.

"We're close to her house." I calmly said.

"We're close in our death site! Stop it please please please!"

Ng makarating kami ay saka ko lang itinigil ang sasakyan. Bumaba ako sa sasakyan na nahihilo saka lumapit sa gate at kinalampag ko iyon.

"Mikaela!" I shouted.

"Cous ano ba! Nakakahiya!" Bakas ang luhaang mukha nitong sumunod sa akin habang sapo ang mga tuhod.

"Mikaela!" I check my pockets for that whore key na ibinigay ni Tita Xen sa akin pero wala. I must have left it inside my shoulder bag. Kinalampag ko ulit ang gate nito. "Mikaela please!"

"Lasing ka. You will regret this tomorrow kung mawala na ang tama ng alak sayo."

"Pero hindi naman nawawala ang tama ko sa kanya. Mikaela!"

Napasapo ito sa noo nito. "Nadadamay ako! Nakakahiya!" Saka nito sinunod na sinapo ang mga pisngi nito.

Nakita kong bumukas ang pintuan nito and damn. I had missed her kahit isang araw lang ang nagdaan. Alam kong malala na talaga ako rito. Mikaela Knutson's standing with her poise habang naka-cross arms. Hindi ko maaninag ang mukha nito pero alam kong wala na naman itong emosyon.

"Please! Mahal kita!"

Saglit lang iyon saka rin nito isinara ang pintuan.

"Halika na!" Sigaw sa akin ng pinsan ko. "Lasing ka ok? Nakakahiya! Andami namang iba diyan pero bakit nagkakandarapa ka sa isang taong hindi ka mahal? Ano ha Selenophile tanga-tangahan lang? You deserve someone better than her!" Itinuro pa nito ang bahay ni Mrs. Knutson. "Hindi mo kailangang itaya ang dignidad mo." Napahilamos ito sa mukha. "Shit."

Napaupo ako at napasandal sa gate at sunod sunod na umagos ang mga luha ko.

"Madaling sabihin Jazzy pero ang hirap gawin. I thought my feelings for her would change kapag napalitan ang puso ko pero walang nagbago. It's still her. Hindi naman ako ang namili kundi ang puso ko." Pinunasan ko ang luha ko kahit hindi iyon maampat sa pag-agos. "This is not our fault. Hindi ko kasalanan kung bakit ko siya mahal at hindi rin niya kasalanan kung hindi niya ako kayang mahalin."

Naupo ito sa harapan ko para magpantay kami. "Naiintindihan kong mahirap sa una dahil ganun rin ako kay Miss Fin but you don't have to do this cous. Hindi naman masamang masaktan pero move on lang. What if you transfer muna? Mag-aral ka sa ibang bansa kasi kung nandito ka. Mahihirapan ka dahil sa sitwasyon mo. Sasamahan kita kung gusto mo."

"Thank you pero minsan lang tayo mabuhay and being away from her means a waste of time. I am sick Jazzy, alam mo naman kung gaano na lang ang itatagal ko diba?"

Napabuntong hininga na lang ito. Biglang bumagsak ang ulan pero imbes na umalis ay pareho na lang kaming napatingala habang nakapikit.

Ilang sandali lang ay tumawa si Jazmine. "This is the most craziest thing we've ever done in our life just because we fell in love and got hurt."

"What about you and Miss Fin?"

"Negative. Hindi ko masabi at ang masakit. May nanliligaw sa kanya and she seems to like the guy."

"Welcome aboard."

"Thank you."

Ilang sandali pa kaming nakaupo habang nakapikit at ninanamnam ang patak ng ulan ng biglang bumukas ang gate kaya sabay kaming napatingin ni Jazmine doon.

"Get inside idiots." Si Mrs. Knutson na nakapayong at walang emosyon.





"My loves!"

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon