Chapter 47

13.2K 694 90
                                    

Dominique

"I'm sorry if I didn't tell you pero kahit naman sabihin ko hindi ka rin papayag. Ayoko kasing malaman mo at isipin na ginagawa ko ang bagay na iyon para may dahilan akong ikulong ka sa piling ko. I did that because I love you and to free you from situations na hindi naman dapat ikaw ang kabayaran." Pero wala akong narinig rito.

"Mikaela!" Kinatok ko ulit ito. Pinagsarhan kasi ako nito ng pintuan ng malaman nito ang totoo.

Tumawag kasi ang biyenan nitong si Briar Knutson at sinabing bayad na ito. Ako sana ang magsasabi pero naunahan ako. Briar told her that a Giudevaun paid a hundred million for her freedom. She knew it was me at hindi ko rin naman iyon itinanggi. Gusto kong maging honest rito.

Pagkatapos nitong marinig ang lahat sa matandang hilaw ay hindi na ito kumibo but her eyes. I knew it very well na hindi nito nagustohan ang ginawa kong pangingialam. Alangan namang panoorin ko na lang ito? We help those unfortunate people tapos siya na mahal ko ay hindi? That's ridiculous.

"Mikaela!"

I heard her sob inside the room kaya napakagat ako sa aking kuko. Mas gusto ko pa itong makita na nagsusungit at nagtataray kesa marinig itong humihikbi.

"Please open the door. Hear me out. I did that because I love you ok? Nothing else!"

Hinintay kong pagbuksan ako nito ng pintuan. Sumandal ako sa dingding para makiramdam. What should I do? Alangan namang sirain ko ang pintuan nito e ayaw ngang buksan.

Ilang sandali pa ng dahan dahang bumukas ang pintuan at iluwa non ang babaeng mahal ko. Nagkatitigan kami pero wala itong reaksyon. Halatang umiyak pero hindi pa rin nagbago ang kalamigan sa mata nito.

Humarap ako dito. "I'm sorry. I didn't mean to offend you. Malinis ang intensyon ko ng gawin ko ang bagay na iyon-"

Natulala ako ng mabilis ako nitong halikan sa mga labi. Saglit lang iyon pero libo libong boltahe ang dala sa akin.

"I'm thirsty." Saad nito saka ako nito nilagpasan na parang wala lang. Naiwan akong parang tangang natuod na lang sa kinatatayuan ko.

Kahit mga simpleng bagay lang ang gawin nito para sa akin ay nawiwindang talaga ang buong pagkatao ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang mahal ako ng babaeng pinakamamahal ko.

Nakabalik na ito galing sa kitchen at nakainom pero nandito pa rin ako at hindi pa gumagalaw. Para na akong naestatwang ewan.

"Are you coming inside?"

Jusko! Heto na ba iyon?!

"Ah. Ano kasi-"

"Come here." Hinatak ako nito na halos ikabali ng leeg ko. Oh my ghad! Dominante nga pala ito.

Itinulak ako nito sa kama nito kaya napahiga ako.

Jusko! Pwede mo na po akong kunin! Natupad na ang pangarap ko..

Naupo ito sa tabi ko. "Let's talk." Wika nito. "Sit here." Tinapik pa nito ang kama sa tabi nito.

Nanlulumo akong bumangon para umupo sa tabi nito. Mag-uusap lang pala bakit binigyan pa ako nito ng false alarm. Pwede namang pinaupo na lang sana ako. May patulak tulak pang nalalaman. Hindi ko alam kung umasa lang talaga ako o dahil sa gustong gusto ko ito.

"I'm sorry-" I started but she put her finger tip in my lips to stop me from talking.

"I understand your reasons but what you did just prove that you really love me. Thank you for the unconditional love Dominique."

Ngumiti ako rito. "Anything for you."

"But I wont accept it. You already paid Briar and I couldn't take that back from him. That man is greedy. I want to pay you every month like what I did to him-"

"No." Umiling ako rito bago ginagap ang kamay nito at dalhin sa aking labi upang gawaran ng masuyong halik. "Pakasalan mo na lang ako Mikaela. I don't need the money. I want the Mother of my child and that's all I ever need aside sa pamilyang meron ako."

"I don't know what to say."

"Then don't say anything. Kung nakikita ng iba na wala kang puso. Sa akin malaki, malaki ang puso mo. Hindi ka lang masalita. Walang anak ang tatanggaping maging isang kabayaran sa pagkakautang ng isang magulang."

Tinitigan ako nito. "How did you know about that?"

I shrugged. "It was Bryson simula pa noong una. See? He loves you as his best friend. He protected you at noong unang nilapitan niya ako at pinagbawalan mo siya. He did that kasi alam daw niyang matutulongan kita. It's not for him but for you."

Nakita kong umagos ang luha nito. Inangat ko ang kamay ko para punasan ang naglandas sa mga pisngi nito.

"Stop crying."

"I can't help it." Umiling pa ito. "Lalo ngayong nagsasalita ka ng ganyan sa akin. Pumapangit ka sa paningin ko."

What the?!

Hinawakan nito ang mga pisngi ko bago pisilin ng madiin.

"Aray ko po!"

Kasabay non ang paghalik nito ng madiin sa akin bago kinagat ng mariin ang ibabang labi ko.

"Aray!" Wika ko ulit saka pa lang ako nito pinakawalan. Nalasahan ko ang dugo.

Ngumiti ito ng matamis na siyang nagpatulala sa akin.

"There. Now you're beautiful."

Ako tuloy itong namumula sa ginawa nito. Napakamot ako sa aking tenga.

"Dominique." Tawag nito sa akin sa malamig na boses.

"Prof?"

"Can you sleep here tonight?"

That would be a torture for me.

"Sige, doon na lang ako sa guest room-"

"Sleep here in my bed with me. I want to cuddle you."

Para akong natuklaw ng ahas na nakatitig rito. "Ano kasi-"

"Don't act like you're a virgin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

Ang hirap talaga nitong intindihin. Dala pa rin ba ito ng paglilihi nito? Kung oo. Sana ay mabilis na lumaki ang baby namin para makalabas na ito.

"Hindi naman." Inayos ko ang boses ko saka pinatapang pero ang totoo ay nanlalambot na ang mga tuhod ko pati na mga kasu-kasuan ko rito.

"Then go and change. I'll wait for you. Don't take long." Saka na ito sumampa sa kama at nahiga.

Jusko! Ilayo mo ako sa tukso!

"Ano, lalabas lang ako para uminom saglit ng tubig."

"Make it fast." Nag-flying kiss pa ito kaya nagmamadali akong lumabas. Mabilis kong isinara ang pintuan saka napasandal rito. Ang puso ko hindi na tumitigil, naghuhuramentado na sa loob ng dibdib ko.

I took my phone out and texted Jazmine.

Next week na ang libing ko.

The heck? What are you talking about? Mabilis nitong sagot.

Mikaela just killed me.

Seconds later.





Baliw!






____

Heto lang muna ang update .. I am so so so tired hindi sa trabaho ko pero sa paglalakad galing trabaho 😂

Kaway kaway sa mga nangingisay na sa kilig at kalandian diyan ! 😂 Labas ang mga marurupok shakiara17 🥱

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon