Chapter 45

13.1K 669 43
                                    

Dominique

"Aray!" Reklamo ko ng pisilin ni Mikaela ang mga pisngi ko. Hindi lang masama ang ugali nito kundi mapanakit rin talaga. Paano na lang ako kapag pinakasalan ko ito?

"I hate it when you're so cute!" Salubong ang kilay ng babaeng mahal ko. Why is she doing this to me?

"Ano bang nangyayari sayo?" Takang tanong ko rito.

Isang linggo na ako nitong pinagtri-tripan. Kapag nasa palagid ako. Naiinis ito sa akin at ayaw akong makita pero kapag hindi naman ako nagpapakita. Hinahanap ako, tumatawag at umiiyak. Panay ang text at puro pagbabanta. Iniisip ko na nga ang magiging kinabukasan ko rito.

"Wala." Saka ito nanahimik at ipinagpatuloy ang panonood.

Nahiga ako at saka umunan sa mga hita nito. Tinitigan ko lang ito. Ang mahahaba nitong mga pilik mata. Her kissable lips at ang matangos nitong ilong. That expressive cold eyes and her flawless face.

"Ang ganda mo." Hindi ko mapigilang sabi pero wala itong reaksyon.

Kahit papaano ay masaya ako. Hindi man ito nakakapagsalita ng deretso dahil baluktot yata ang dila nito pero kahit papaano. Hindi na ito masyadong nagsusungit sa akin. Noon kasi, madalas kong marinig dito ang mga salitang

Leave

Get out

But now that we're official. Hindi nga ako nito pinapalayas o pinagtatabuyan pero wala rin naman itong gaanong reaksyon. I just noticed that my presence is enough for her kahit hindi kami masyadong nag-uusap katulad ngayon.

Really this woman is unpredictable.

And one more thing. Ayaw ng pinsan kong si Jazmine rito ngayon. Sa tuwing nakikita kasi ni Mikaela ang pinsan ko ay naniningkit ang mga mata nito at sinasabing mabaho daw si Jazmine. Sa pagiging oa naman ng pinsan ko ay hindi ito masyadong sumasama sa akin kapag nandiyan si Mikaela at baka raw mapatulan niya ito ng wala sa oras. Pero ang totoo niyan ay takot rin naman si Jazzy rito. Tapang tapangan lang iyon kapag wala si Mikaela.

Kinuha ko ang kanang kamay nito saka pinagsalikop sa kamay ko at dinala iyon sa bibig ko para halikan.

Kontento na ako kahit sa ganito lang. We're not yet living together pero madalas akong nasa bahay nito kapag wala ako sa eskwela. Nag-aalala na nga si Mommy dahil halos hindi na ako umuwi sa bahay namin.

"Let's go sa bahay." Aya ko rito.

She had never met my family yet. I want to introduce her. Nag-file na rin naman si Bryson ng annulment. In time ay mapapawalang bisa na ang kasal ng mga ito.

Tinignan ako nito pero saglit lang. Kahit malamig ang mga mata nito ay nakakaakit pa rin.

"They wouldn't like me." Imbes ay sagot nito.

"Let me tell you a story." Wika ko. "Dalawa ang Tita kong nain love sa kanilang mga Professor."

She looked at me. Masasabi kong nakuha ko ang atensyon nito.

"And it all happened in HFU. Saka magugustohan ka ng mga iyon."

"How sure you are? A lot of people doesn't like me."

Touche!

"Pero hindi ganun sa family namin. I'm not saying pero lahat kami down to earth. They will like you or even love you at first kasi tinatanggap nila agad kung sino ang minamahal namin."

"I am married."

Lagi na lang iyon ang sinasabi nito. "Nasa proseso na ang annulment."

"You don't know my life's story."

"I don't care."

Pinisil ulit nito ang mga pisngi ko. "Aray!" Angal ko rito.

"Ang cute mo!" Gusto kong sumimangot pero pinigilan ko. Nakita kong bahagya itong ngumiti and I'm sure, she doesn't realize it.

I sighed in contentment. Kahit masaktan pa ako basta makita ko lang ang ngiti nito ay ayos lang sa akin.

"So are we going?" Again, I asked.

"When?"

"Kahit ngayon na."

"You're out of your mind."

"Oo, nababaliw na ako sayo." Pinisil ulit nito ang mga pisngi ko. Hindi na ako magtataka kung manlulumo na ito sa kakapisil nito.

Nakita ko ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito. There goes my effect to her.

"May family dinner kasi mamaya and all are present."

"Anong okasyon?"

"Wala. Minsan ginagawa talaga namin iyong reunion. Ang rason ni Mama Winter ay para mapanatili ang bond ng pamilya namin."

"That's great to hear. It means my baby is lucky to have such a loving family."

Napangiti ako rito bago hinalikan ang kamay nito. "Mas maswerte kami sayo."

Ibinaling nito ang tingin sa pinapanood. "I have nothing to offer."

"You're all I ever need. You're everything for me Mikaela at kahit anong bagay ay hindi non mapapantayan ang sinakop mo sa puso ko. Pagmamahal mo lang ay sapat na."

Nakita ko ang bahagyang pagkagat nito sa ibabang labi nito. Malamig ang mga mata nito pero makikita mong pinipigilan nitong mapangiti. She's so damn hot for doing that.

Kinikilig ba ito sa akin?

Ah. The ever cold Mikaela's feeling giddy.

"Are you trying to suppress that smile Mikaela?" I tease.

Tinignan ako nito. "Why don't you kiss me?" Hamon nito sa akin.

"Ha?!"

"Because you talk too much, dimwit."

Babangon sana ako para halikan ito pero tinampal nito ang noo ko kaya napahiga ulit ako sa mga hita nito.

"Huwag kang malikot. I would never dare to give you one right now for teasing me."

I groaned in frustration. Damn this woman. Nanatiling nakatingin ito sa may tv habang nakakagat labi. Pinipigilan nitong mapangiti.

Kinuha ko ang kamay nito saka hinalikan.

"Mikaela."

"Bakit Dominique?"

Ako naman ngayon ang napakagat labi sa inasal nito. She's way hot for her choice of words.

"Sasabihin ko na kay Mommy na dadalo tayo for dinner. Maghanda kana para maka-alis na tayo mamaya."

Sana lang ay hindi ito magalit sa akin kapag nakilala nito ang angkan ko. It wasn't my intention to hide the truth pero wala rin naman ako sa tamang posisyon para sabihin ang ganung bagay. I don't want to brag or anything so clearly ay hindi ko ito niloko.

"Ok. Get off me then."

Gusto ko kapag ganitong parang nagiging maamong tupa ito. She's the type of dominant kaya nakakagulat talagang mapasunod ito.

"How about sabay tayong mag-shower?" I suggest pero naningkit ang mga mata nito sa akin.

"Pisain ko gusto mo?"

Mabilis akong umiling rito bago bumangon at tinakpan ang harapan ng jeans ko.

Ilang saglit lang ay natawa ito ng mahinhin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Oh my ghad! She just laughed!

"Damn I love you." Wika ko pero nakangiti lang itong nag-flying kiss sa akin hanggang sa wala itong lingon likod na naglakad papasok sa kwarto nito pagkatapos patayin ang tv.



Nagimbal tuloy ang mundo ko.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon