Chapter 41

12K 615 31
                                    

Dominique

Nagkamalay akong hindi makagalaw. Para akong itinali at wala akong makita. Hindi rin ako makapagsalita.

Where am I?

Sinubukan kong gumalaw pero nanghihina pa ako. Ramdam ko ang oxygen sa bibig ko at ilang mga nakakabit sa katawan ko lalong lalo na sa dibdib ko.

Shit, I don't like being here.

Narinig ko ang pagpasok ng hindi ko nakikitang tao.

"She's conscious now Doc." Boses ng isang babae pero hindi pamilyar sa pandinig ko.

"Let me see her diagnostic tests then check her vital signs and ask her a few questions. Let's see if she can communicate with us normally. Kung ok na siya. Pwede ng mailipat ng kwarto."

Sandali lang ng biglang may nagtanggal ng piring ng mga mata ko. Bakit ako nakapiring?

Tumambad sa akin ang isang nurse pero nasilaw pa ako ng dahil sa ilaw. Ito siguro ang nakatukang magsagawa ng rounds ngayon.

Lumapit ang babaeng Doktor sa akin. "How are you feeling Miss Howard?"

Tinitigan ko lang ito ng walang buhay. Asan ang Mommy Frances ko?

"Are you ok?" She asked again.

Tumango ako. I am ok physically pero naalala kong hindi ok ang lagay ng puso ko.

"That's great."

Pero nawala ang ngiti nito base sa mga mata nito ng umiling din ako. Nakasuot kasi ito ng face mask. She should've asked me a proper question and a detailed one.

"You don't? Ok. Let me examine you first." Chineck nito ang mga mata ko at binasa ang diagnostic tests ko.

"You're right. Hindi ka pa magaling pero ang good news ay pwede ka ng lumipat sa pribadong kwarto. You're leaving this ICU after three days."

Ha?

I wanted to say that I wanna go home pero di ako makapagsalita dahil na rin sa oxygen na nasa bibig ko.

"Ang tapang mo Miss Howard. Tatlong beses kang nag-flat line pero nagawa mong lumaban."

Nag-alala naman ako para kay Mommy at Mama. Sigurado akong napaiyak ko na naman si Mommy. This is my fault for being so hardheaded and persistent.

"Oh right. My bad." Wika nito ng tanggalin ang malaking tubo ng oxygen sa bibig ko. Inayos naman ng nurse ang mas maliit at inilagay ito sa ilong ko para makahinga ako ng mabuti.

"I wanna go home." Mahinang wika ko at halos pabulong iyong lumabas sa akin.

"I think mas maganda na dumito muna kayo Miss Howard-"

"My family can hire someone, anyone, or anybody who can come to check me up. I don't wanna be here."

Nagsasawa na kasi akong labas masok sa hospital simula pa noong bata ako. And being here with all those smell of medicines and the room that's suffocating me na para akong nasa mental hospital dahil puting puti ang kulay non ay hindi talaga ako natutuwa.

"We will tell that to Mrs. Giudevaun bago po kami gumawa ng hakbang. Hindi po namin kayo pwedeng ihatid sa bahay niyo ng walang paalam sa mga magulang mo." Nakikita ko sa mga mata nitong nakangiti ito pati na ang nurse na nasa tabi nito. "Wala pong ganung mangyayari Miss Howard. If you want to stay at home and continue your rest then it's fine for us. We want the best for our dear patients."

Tumango ako rito.

Inayos muna ako ng mga ito bago inilipat sa isang pribadong kwarto. Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ni Jazmine na naiiyak.

"What happened to you?" I asked her softly pero sinugod lang ako nito ng yakap.

Napadaing ako ng masagi nito ang mga nakakabit sa akin.

"You fool! Akala ko mawawala kana sa akin! You don't know how scared I am nong sinugod ka ni Kuya Ilver dito sa hospital at sinabing patay ka na?! I literally collapse sa harapan ni Mommy Allison habang nagre-recite ako ng kasinungalingang sa condo mo tayo nag-stay!" Umiyak na ito ng tuloyan. Hinaplos ko naman ang likuran nito.

"Akala ko mawawala na ang katandem ko sa mga kalokohan. I don't wanna lose you!"

"Buhay ako pero kung makaiyak ka ngayon parang sumalangit na ako." Pabalang kong sagot rito pero kinurot ako nito sa aking tagiliran.

"Aww!"

"Selenophile!" Sigaw ni Mommy na kakarating lang kasama si Mama at Kuya Thunder. Nagmamadali itong lumapit sa akin. "Walang hiya kang bata ka! Bakit ka naglaro sa ulan na nilalagnat ha?!" Ng umalis si Jazmine sa pagkakayakap sa akin ay si Mommy naman ang pumalit. Mas mahigpit.

"Aray!" Reklamo ko kaya niluwagan ni Mommy ang yakap nito saka ako nito pinupog ng halik.

"Welcome back sis. Should I say bro." Tukso ni Kuya sa akin pero inirapan ko lang ito. Humalik din ito sa noo ko pati na rin si Mama Scarlet.

"You know what's the funny thing that happened?" Nag-krus arms si Kuya Thunder flexing his muscles. "Nasa labas kami lahat ng ICU and then you flat line for three times. Umiiyak silang lahat na parang may namatay na." Natawa si Jazmine rito at Mama Scarlet.

"Salbahe! Ikaw rin naman parang dika umiyak." Suway ni Mommy Frances dito bago piningot si Kuya Thunder.

"Aww! Mom." Suway nito bago hinawakan ang nasaktang tenga.

"I wanna go home, Mom." Baling ko kay Mommy Frances. "Ayoko dito." Mas lalo akong malulungkot kapag nandito lang ako at maaalala ko lang si Mikaela. "Saka bakit ako nakapiring kanina?"

"I will arrange that now. Nakausap ko na kanina si Doktora at sinabi nga niya sa akin na gusto mo na raw umuwi at sa bahay na lang magpapagaling." Hinaplos nito ang buhok ko. "Nakapiring ka because I said so, ayaw mo ng ilaw masyado kapag natutulog ka right? So ngayon pahinga ka muna then we'll take you home." Lumabas si Mama at Mommy pagkatapos humalik ang mga ito sa noo ko.

Naiwan si Kuya Thunder at naupo ito sa may couch. Si Jazmine ay dahan dahang lumapit sa akin saka naupo sa tabi ko.

"You know what happened two days ago?" Pabulong na tanong nito.

"No idea. Wala akong malay ng tatlong araw diba?"

"She came here."

"Sino?" Kunot noong tanong ko rito.

She rolled her eyes. "Si Professor Knutson. Ako lang yata ang nakapansin sa kanya it's because ako lang ang nakakakilala sa kanya ng husto diba?"

"How does she knew I was here?"

"Her husband Bryson works here. Ako ang nagbabantay sayo at si Mama Frances. I saw Professor came four times. Nakasandal siya pero hindi makalapit. It's hard to say but I saw her tears running down her face. Ang tindi, wala man lang sound. Umaalis din agad kapag nakikita niyang nakatitig ako sa kanya."

Napabuntong hininga ako sa sinabi nito. "Jazzy to tell you the truth. Ayoko ng umasa." Kumirot na naman ang dibdib ko. "Kung pwede lang palitan na lang nila ulit ang puso ko para this time ay mawala na talaga ang pagmamahal ko sa kanya kasi alam mo pagod na pagod na talaga ako."

"Ano iyang pinagbubulongan niyo diyan?" Nagtatakang tanong ng chismosong si Kuya Thunder pero hindi namin ito pinansin.

"Hindi naman ang pagmamahal mo ang may diperensya kundi siya mismo cous. Saka alam mo ang tunay na problema sayo? Iyang karupokan mo sa kanya. My ghad! I know she's damn beautiful pero kahit ngisi lang niya kulang na lang masiraan kana ng bait. Your damn head over heels in love with her."

"Mukhang hindi laglag iyang panga mo nong ngumisi siya sa akin tapos pagdating din naman kay Miss Fin ay tulo laway ka."

"Aba't!"

"Hey ano iyan?" Tumayo na si Kuya at lumapit sa amin.








"Wala!"

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon