Chapter 51

12K 624 86
                                    

Dominique

"I see. Now you're finally pregnant and had come to your senses." Nakataas ang isang kilay na wika ng Mommy ni Mikaela.

Hindi ko talaga gusto ang aura nito lalo na sa ugali. Oo, namana ni Mikaela ang pagkamasungit nito, pagiging mataray, at malamig pero hindi ang pagiging aristokrata nito at nagpapasalamat ako dahil doon.

"It's none of your business." Malamig na sagot ni Mikaela rito.

Kararating pa lang namin galing probinsya at heto agad ang madadatnan sa bahay ng babaeng mahal ko. Ang sakit pa ng ulo ko dahil hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako. Hindi ko nga maintindihan bakit parang hindi na magising gising ang dugo ko.

Para akong naalimpungatan ng marinig ang mala-mangkukulam na tawa ng babae. Mula kay Mikaela ay nalipat ang tingin nito sa akin. Naka-pajama lang ako at simpleng puting shirt pero hindi ako naiilang sa titig nito kahit dalawang beses pa ako nitong pinasadahan ng tingin. I'm beautiful and sexy at proud ako sa sarili ko so there's nothing to be ashamed of.

"And whos this poor young lady?"

Ha?

Pero walang sagot mula kay Mikaela dahil nanatili lang itong nakatingin ng walang emosyon sa Mommy nitong mapang-alipusta.

"Get out here you poor rat. You dress like a cheap-"

"Shut up." Putol ni Mikaela rito.

Hindi nagustohan ng Mommy nito ang sinabi nito. Kumunot ang noo nito bago nanalim ang mga mata.

"What did you just said Mikaela Rielle Adicof?"

"I said shut up, Mom." Malamig na ulit nito.

Sasampalin sana ito ng matanda pero mabilis akong humarang at nahawakan agad ang kamay nitong nabitin sa ere.

"Huwag kang magkakamaling saktan siya dahil kapag ako ang gumanti sayo. Sisiguradohin kong hinding hindi mo magugustohan at pagsisisihan mo lahat ng mga bagay na nagawa mo sa kanya."

Binawi nito ang kamay nito saka pagak na tumawa.

"At sino ka? You think you're somebody else when you're just-"

"She's everything to me." Malamig ulit na putol ni Mikaela rito.

Hindi ko mapigilang kiligin. Oh dang not now.

"At kailan ka pa naging-"

"It doesn't matter. You can leave." Naglakad palapit si Mikaela sa pintuan nito at binuksan iyon.

Pekeng napasinghap ang Mommy nito. "Ito ba ang dahilan kung bakit pina-annulled ni Bryson ang kasal niyo ha?! You are so stupid Mikaela! Itatakwil kita!"

Nanatiling nakatingin si Mikaela rito. Her eyes were fierce and burning. Ang lamig non pero nagbabaga ang titig nito.

Oh she's so hot! I can't help but to admire her. She's a turn on!

"That doesn't matter now to me. You already sold me and I'm paying for those things you've done na dapat ay ikaw."

"Dahil sa hampas lupang daga na ito kaya ka ganyang magsalita sa akin? I am your Mother!" Bumaling ito sa akin. "Heto ba ang pinagmamalaki mo?" Dinuro ako nito. Gusto kong baliin ang daliri nito pero nagtimpi ako.

"Don't you dare point a finger on her. She's my baby's Dad. Get out, Mom."

Hindi ito makapaniwalang tumitig kay Mikaela. "What?!" Parang bigla itong nagliyab. "What a nut head! You've gone mad Mikaela Rielle!"

"And you're not?"

Nagpupuyos sa galit na naglakad ang Mommy ni Mikaela palabas ng pinto. Mabilis akong sumunod rito ng akmang hahampasin pa sana si Mikaela ng matapat rito pero mabilis ko ulit na nahawakan ang pulsohan nito.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon