Chapter 22

11.8K 586 95
                                    

Dominique

"Ano kaya kung umamin ka?" Suhestiyon sa akin ni Jazmine habang nakatingin ito sa hawak nitong basong may lamang juice.

"Na ano?" Patay malisya kong tanong dito.

"Na mahal mo siya."

"Aray! Ouch ko po!" Mabilis kong kinuha ang tubig saka uminom. Napaso ang dila ko sa iniinom kong tsaa.

"Are you ok?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Such a stupid question from you Jazmine. Of course I am not ok. And what a stupid suggestion you gave. I would never do that."

Nagkibit ito ng balikat. "Gusto ko lang namang lumigaya ka cous."

Tinitigan ko ito na parang hindi ako makapaniwala.

"Ikaw?" Medyo natawa pa ako. "Coming from you? Ni hindi mo nga maamin na gustong gusto mo si Miss Fin. Na isa kang bakla."

Nangalumbaba ito habang nakatitig pa rin sa inumin nito saka ito napabuntong hininga.

"You're right. Remember last time about what happened ng pumasok tayo sa room ni Miss Fin?"

"We didn't go there Jazmine. Kinaladkad mo ako doon." I reminded her. "So what about it?"

"Nagselos ako." Deretsang amin nito. "Noong nilapitan ka niya and she touched you. I wanted to snatch her away from you kasi akala ko gusto ka niya. Tapos in the end. Mali pala ako ng akala."

Napangiti ako rito. "Binata ka na cous?" Tukso ko rito.

"It's not funny. I don't know kung ok lang kay Mommy Allison. Kay Mama Risen sigurado akong sang-ayon iyon."

Naalala ko si Mommy Frances. Sobrang protective non sa akin samantalang kay Mama Scarlet ay ini-spoil ako. May similarity din sina Mama Scarlet at Mama Risen. Parehong positibo ang mga ito kahit talikuran yata ng mundo.

"I think ok lang sa kanya Jazmine. Alangan namang magalit e siya din na-inlove kay Mama Risen."

Napatayo kaming pareho ng tumalbog ang bola sa lamesa namin dahilan para matumba ang tsaa kong mainit. Mabuti si Jazmine ay hawak nito ang juice nito kaya ng tumayo ay tangay nito.

I look at the menace at tumatawa si Kuya Ri'son Chaster. Mukhang kadarating lang nito.

"Kuya naman! You scared us! Isusumbong kita kay Mommy!" Reklamo ni Jazmine rito.

Lumapit ito sa amin habang natatawa. "Sobrang seryoso kasi ng pinag-uusapan niyo na hindi niyo namamalayang papalapit na ako." Nilapitan ako nito saka ako niyakap. "Kamusta ang paborito kong magandang gwapo?"

Napangiti ako saka ako yumakap pabalik rito. "Ayos lang ako Kuya. Na-miss kita, puro ka na lang trabaho."

"Ano ng kondisyon mo?"

"I don't know. Wala pa silang nahahanap."

"Hello?" Napalingon kami ni Kuya Ri'son kay Jazmine. "Hala si Kuya. Paano ako? Hindi na ako ang paborito mo? Siya lang ba ang maganda?" Mulagat na tanong nito kay Kuya Ri'son. Nakakatawa ang mukha nito. Para na namang batang ninakawan ng candy.

Napahalakhak si Kuya Ri'son dito. Kumalas ako ng yakap rito kaya lumapit naman ito kay Jazmine at ito naman ang niyakap nito. Hawak hawak pa rin ni Jazmine ang baso nitong may lamang juice.

"Hello beauty!"

"Ish!" Kunwari ay sinuntok ni Jazmine ang tagiliran ng Kuya nito. "Dapat ako ang inuuna mo Kuya."

"Hayaan mo. Kapag nakauwi na si Selenophile mamaya. Ikaw na naman ang maganda."

Natawa ako sa sinabi nito.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon