Chapter 48

12.7K 659 75
                                    

Dominique

"Kung hindi ka pupunta. Hindi ka tatabi sa akin mamayang gabi. Layas! Ang pangit mo!"

Napahilamos ako sa mukha ko ng marinig ang pag-iinarte ni Mikaela. Hindi talaga ako masasanay sa pabago-bagong mood nito.

"You don't love us that's why you're acting that way!" Dagdag pa nito na lalong nagpasakit sa ulo ko ng makitang maiiyak na naman ito.

"Oo na. Pupunta na ako, huwag ka ng umiyak. Ilan ba ang gusto mong kunin ko?"

Bigla itong ngumiti kaya nalusaw na naman ang puso ko.

"Kahit sampo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Sampo?! Hindi ba sasakit ang tiyan mo niyan? Andami naman!" Reklamo ko rito.

Sumama ang tingin nitong malamig sa akin. Highblood na naman.

"My child wanted it! I wanted it. Get me ten mangoes! Ayokong hingiin mo. Gusto ko nakawin mo mismo sa puno!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Inuutosan ba ako nitong magnakaw?

"Teka. Walang magnanakaw sa pamilya namin. Hindi ko kayang magnakaw!"

"Well now you have a reason to steal." Itinuro pa nito ang maumbok ng tiyan. "Aren't you glad you'll be the first thief in your family?"

Inuutosan nga ako nitong magnakaw!

"Mikaela-"

"Sabihin mo na lang kung ayaw mo at si Menandro ang uutosan ko para sa anak ko." Sobrang lamig ang boses nito pati ang tingin.

Shit naman.

Si Menandro ang kinuha ni Jazmine para magbantay sa farm ng mga ito dahil matanda na ang Lolo Vicente at Lola Celia nito at lahat nga kami ay nasa Maynila. Si Menandro ay third cousin degree nito sa anak ng pinsan ni Tita Allison.

"Pwede naman kasing hingiin. Pwede pa akong bumili sa kabayanan pero bakit naman nanakawin pa?"

"I want it. Marunong ka pa sa akin. Are you going to do it or not?

"Oo na. Magnanakaw na ako para sa inyo ng anak naten." Mabigat sa loob na wika ko.

"Come here." Wika nito kaya lumapit ako. Ginawaran ako nito ng halik sa aking mga labi. Saglit lang pero grabeng boltahe ang hatid non sa akin.

"Thank you." Malamig na wika nito at walang emosyon. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ito o hindi.

Huwag lang sanang dumating ang panahon na utosan ako nitong pumatay ng tao.

"Anything for you gorgeous."

Inayos nito ang higaan at saka nahiga. "I'm going to take a nap. Napagod ako sa biyahe. Dapat paggising ko nakahanda na ang mangga. Nabalatan at nahiwa."

"Oo." Gusto kong umangal pero hindi ko alam kung papaano.

"Huwag mong kakalimutang nakawin ha. Malalaman ko kung nagpaalam ka."

Anak ng..

"Oo. Nanakawin ko."

Paglabas ko sa guest room ay kakamot kamot ako sa aking ulo. Eksakto namang dumating si Jazmine at nakangiti itong lumapit sa akin.

"Nakatulog na ba si Prof? Gala tayo."

"Jazmine sa totoo lang. Nagsisisi na akong sumama rito at isinama si Mikaela."

Kumunot ang noo nito. "Bakit? May nangyari ba?"

Hinawakan ko ito sa braso saka hinila palabas ng bahay.

"Samahan mo akong magnakaw."

Nanlaki ang mga mata nito sa akin. "Nababaliw ka ba? At anong nanakawin mo? Syempre hindi ako sasama!"

Napakamot ako sa aking kanang kilay kahit hindi naman makati bago ako namaywang at huminga ng malalim.

"Mababaliw na ako." Wala sa sariling nasabi ko.

"Matagal ka ng baliw pero lumala ka ng makilala mo si Professor."

Tinignan ko ito ng deretso sa mga mata. "Pinagnanakaw niya ako ng bunga ng mangga."

Nanlaki ang mga mata nito. "Ha?!"

"Gusto daw niyang kumain ng mangga pero ayaw niya iyong hihingin ko sa may ari. Ayaw din niyang bumili ako. Gusto niyang nakawin ko mismo sa puno."

Ilang saglit lang bago humagalpak si Jazmine ng tawa. Napahawak pa ito sa tiyan nito.

"Right!" Asar kong saad rito bago ko ito tinalikuran pero mabilis itong humabol habang natatawa pa rin.

"That's f*cking ridiculous! Asking you to steal a fruit? Grabeng hormones." Natawa na naman ito ng malakas.

"Fruits. She wanted me to steal ten mangoes. Asan ang manggahan dito?"

"Sure ka? Marami kaming mangga pero kung pagnanakawin ka. Kina Lolo Aliseo ka kumuha sa likod ng bahay nila. Wag ka lang papahuli at masama magalit iyong bunsong kapatid ni Lolo dahil matanda na baka dika mamukhaan at tagain ka." Natawa ulit ito.

Nagsisisi na talaga akong sumama kay Jazmine rito. Masaya ako dahil magkasama kami ni Mikaela ngayon pero sa parteng ito ay hindi ako natutuwa.

Iniisip ko lang naman ang kapakanan nito. Makakabuti daw kasi ang preskong hangin sa isang buntis. I mean mapresko naman sa amin pero hindi ganito ka-natural isama na ang mga tanawin. I brought Mikaela with me to experience not only the nature kundi ang mismong buhay probinsya. Kung susumain kasi ay laking siyudad ito.

"Hindi lang ako ang pupunta doon Jazzy. Tayong dalawa ang magnakaw."

"Ayoko. Diyan kana." Tatalikod na sana ito pero mabilis kong hinatak ang kamay nito pabalik. "Kung hindi ka sasama. I will tell Miss Fin about that little side trip to her house."

Nanlaki ang mga mata nito bago nito iwaksi ang kamay ko.

"Selenophile! Huwag mo akong idamay sa paglilihi ng siyota mong saksakan ng sungit ha!-"

"Sinong masungit?" Malamig na sita ni Mikaela. Napatalon pa si Jazmine dahil sa gulat.

Alanganin ang ngiti ng pinsan kong lumingon rito. "A-Andiyan ka pala Professor."

"I heard what you said dimwit." Nakita ko ang pamumutla ng pinsan ko. Gusto kong tumawa sa reaksyon nito pero pinigilan ko. Mukha kasi itong aatakehin sa puso.

"Akala ko ba matutulog ka?" I asked Mikaela instead.

Pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib nito. Kahit butete na. Maganda pa rin saka bakit hindi man lang tumaba. Karamihan kasi sa mga nakikita kong buntis. A lot of them changed.

"I can't take a nap when Miss Giudevaun's so loud and inconsiderate. Such a big mouth for a pretty face."

"S-Sorry Prof. A-Aalis na po kami."

"And where do you think you're going Miss Giudevaun?"

Napakamot si Jazmine sa ulo nito. "Sasamahan ko po si Selenophile. Magnanakaw kami ng mangga."

Ng hindi umimik si Mikaela ay hinawakan ako ni Jazzy sa kamay.

"T-Tara!" Yakag sa akin ng pinsan ko. Ng makalayo na kami ay bigla ako nitong binitawan bago napasabunot sa buhok nito. "Papatayin ako ni Mommy Allison kapag nalamang nagnakaw ako!"

"Ikaw na mismo ang nagpresinta." Natatawang wika ko pero napapadyak lang itong parang bata bago inayos ang sarili nito.

Napahinga ito ng malalim. "I never imagine to become a bandit. A beautiful bandit." Pagbubuhat nito ng sariling bangko.

Nauna na akong maglakad dito. "Oo, mabaho daw na magnanakaw Jazzy."






"That lying witch Professor!"

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon