Chapter 19

11.5K 654 84
                                    

Dominique

"Pagbalik ko. Tapos niyo na lahat iyan."

"Yes Ms." Si Jazmine ang sumagot. Ng makatalikod si Mrs. Knutson ay nakita ko ang pagsimangot ng pinsan ko.

Sabado ngayon at pinapunta kami sa bahay nito para i-check ang papel ng mga estudyante. Hindi nga lang ganun kadali kasi mukhang inipon na naman nito lahat ng quizzes, activities, at test sa linggong ito. And how many classes she handles aside sa amin na dalawa pa ang subject sa kanya?

No idea.

Sa dami ng papel at may mga bond paper pa sa harapan namin to think na computations ang mga iyon ay siguradong maghapon kami ni Jazmine nito.

This, this is really under the table. Hindi namin ito trabaho pero ano pa nga bang aasahan namin rito?

Mrs. Knutson's mean.

Lumipas ang isang oras na panay buntong hininga lang ang pinsan ko habang nagche-check ng mga test papers.

"She's a devil." Mahinang wika nito sa akin.

"Indeed." Walang kagatol gatol na sang-ayon ko rito. Ano pa bang masasabi ko?

"Binabawi ko na. Don't taste her." Pabulong ulit na wika nito habang nakatutok ang paningin sa test paper na hawak nito.

"I wasn't planning to."

"Taste who?"

Wala sa loob na napunit ko ang hawak kong test paper. I couldn't hide how my eyes widened kahit si Jazmine. Kanina pa ba siya diyan? Bakit hindi man lang namin naramdaman ang pagdating nito o dahil pokus kaming dalawa masyado sa mga papel?

"Taste who?" Ulit nito. Her voice, it was flat and cold.

"Ano Ma'am. Iyon pong ibibigay sana ni Chandra na pagkain. Sabi ko huwag kainin ni Dominique." Kandautal na wika ng pinsan kong namumutla na ngayon.

Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari ng marinig ko naman ang kasinungalingan ni Jazmine. Gusto ko siyang batukan. She's adding more lies and I couldn't handle it!

Saka sino namang Chandra? Ni wala nga akong kakilalang ganun ang pangalan sa tanang ng buhay ko. Bakit ba ito nag-iimbento ng mga salita? Nagmana talaga ito kay Mama Risen.

"Is that true?" Sa akin naman ito ngayon nakatingin ng matiim.

I hate her eyes and at the same time I loved them. Nakakaintimidate kasi itong tumingin dahil sa lamig non at walang buhay pero nakakainis lang din dahil sobrang nagagandahan talaga ako sa mga mata nito.

Napalunok ako at parang kahit dila ko ay nalunok ko na.

Napalunok ulit ako.

"Howard, is that true?" Mas malamig na ngayon ang boses nito even her eyes looked even more lifeless.

I know right now. Kinakagat na ni Jazmine ang inner cheek nito. Ganun ito sa tuwing nagsisinungaling. Makikita mo na lang na bumubukol ang pisngi nito minsan dahil sa dila nitong hindi mapakali at hindi ko alam ang koneksyon non.

"F-true."

I wanted to say it's not true pero ayaw kong ilaglag ang pinsan kong kahit may pagkabaliw ay mahal na mahal ko. Plus, we can't admit something. It's about our ice cold Professor. Sigurado akong ibabagsak kami nito kapag nalaman nitong ito ang tinutukoy namin sa usapan.

Nagbaba ako ng paningin. I really don't like lying but for our safety and sake. I gotta do it. Napasubo na dahil sa pinsan kong magaling.

"If I ever find out that you're both lying to me. Be prepared for the consequences."

Si Jazmine naman ngayon ang nakapunit sa hawak nitong test paper.

Dang it.

"Why did you both ripped those papers? Did you finish giving them grades already?"

I felt a pang in my chest na dahilan para manghina ako at mabitawan ang hawak kong punit na bond paper at mapahawak sa dibdib ko.

I took my medicine this morning right?

Walang babalang lumapit si Mrs. Knutson ng mapansin nito ang ginawa at itsura ko saka hinalungkat ang bag ko. She took my inhaler. Akala siguro nito hinihika ako.

Hinawakan nito ang baba ko. "Open your mouth." She commanded at walang kaemo-emosyon ang mukha nito.

I did kahit hindi naman ako hinihika. I breath in and it felt good. I felt the pang again kaya napahawak ako sa kamay ni Mrs. Knutson na nakahawak sa baba ko habang ang isang kamay ko ay nakadikit sa dibdib ko.

Si Jazmine naman ngayon ang sumunod na naghalungkat sa bag ko. Natataranta pa ito kaya hindi niya mabuksan buksan ang botelya ng gamot ko.

"Let me!" Hinablot na lang iyon ni Mrs. Knutson rito at ito na mismo ang nagbukas non. Binigay ni Jazmine ang tubig ko. Mabilis akong pinainom ni Mrs. Knutson ng gamot pagkatapos ay hinimas nito ang likuran ko.

I can't help kundi ang pagtaasan ng mga balahibo. I don't like her warmth kasi iba ang epekto at hatid sa akin non but I like what she's doing dahil nako-comfort ako kahit papaano.

Natataranta si Jazmine na ibinalik sa bag ko ang gamot at napapunas ito sa noo bago napabuntong hininga pero natigil ito ng makitang nakatitig si Mrs. Knutson rito ng malamig at deretso.

"Y-Yes Prof?" Kinakabang tanong nito.

"You're pretty." Out of nowhere ay nasambit nito. The heck? Did she just compliment my cousin?

Namula naman ang pinsan ko, umabot pa sa tenga nito. Sa unang pagkakataon, I wanted to slap her. She's too obvious. Nakakahiya siya.

"Huh?" Bangag na sambit nito.

"Pero nakaka-turn off ang pagiging nerbyosa mo. You're so clumsy. Think rational so you can save your cousin from dying."

Bumaling si Mrs. Knutson ng tingin sa akin. Ano na naman kaya?

Dahan dahan nitong inangat ang isang kamay nitong humahaplos sa likuran ko kanina. She took some of my hair covering my face and tuck behind my ear. Ako naman ngayon ang namula. I swear I saw her in a slowmo. She's really gorgeous and charming.

My gosh! Why do I see her this way?

"You ok?" Pero flat pa rin talaga at malamig ang boses nito.

I slowly nod my head. Ano bang dapat kong sabihin?

"Can I have my hand back now?"

Napatingin ako sa kamay niyang hinawakan ko kaninang nakahawak sa baba ko and I'm still holding it perfectly.

Mabilis kong binitawan ang kamay nito.

"Sorry Mrs. Knutson."

Mula sa pagiging seryoso ay nakita kong bahagyang umangat ang gilid ng labi nito.

"Silly. So,what do you want to eat?"

"You." Walang pakundangang sagot ko rito and I realize ang bastos ng sagot ko.

Jazmine gasped and she even cover her mouth. I really wanna slap her now.

"Pardon?" Si Mrs. Knutson na tumayo at saka napa-cross arms with her poise.

"Ikaw na pong bahala Prof." I simply said.

"Ok. I want you to taste it though and it's better than.. Chandra's." Saka na ito umalis.

Nagkatinginan kami ni Jazmine at parehong nanlalaki ang mga mata namin.

"Do you think she knows it was her we were talking about earlier?" She asked and because I'm pissed.

"Chismosa ka kasi!"

"Nagsalita ang malandi."

The heck?






______

MERRY CHRISTMAS ! 🇨🇦

Good morning ! 🇵🇭

Salamat sa paghihintay . busy ako sa work and kay bebelabs 😂😍☺ . If you love this update . Hit the comment ☝🏼 and maybe . just maybe . may kasunod 🤞🏼

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon