Chapter 46

13K 721 71
                                    

Dominique

Pagdating namin sa bahay ay nakita kong halos mapuno ng sasakyang naka-park lang sa harapan ng bahay namin. Nag-park ako sa likuran ng sasakyan ni Ate Natalie. Halos bukas lahat ng ilaw sa kabahayan.

Pinatay ko ang makina at saka bumaba para pagbuksan si Mikaela ng pintuan. Tahimik lang itong lumabas habang nagmamasid.

Imbes na sa bahay ni Mama Snow mag-dinner gaya ng nakasanayan namin ay sa bahay na lang dahil nga sinabi kong ipapakilala ko si Mikaela sa lahat.

Ipinaliwanag ko na ang lahat kay Mommy Frances noon. Natutuwa nga itong magkakaapo na ito at sana ay tuloy tuloy na raw kaming maging maayos ni Mikaela.

"Ayos ka lang?" I asked her. Tumango lang din ito.

Nakasuot ito ngayon ng vintage patchwork pockets puffy swing casual party dress na pinaresan ng itim na heels at mas lalo pa itong nagmukhang sexy. Hindi halatang buntis.

"Sigurado ka bang safe iyang heels sa iyo?" Nag-aalala kong tanong. Kanina ko pa kasi ito sinabihan kahit sa school ay naghi-heels pa rin ito. Baka kasi matapilok.

"I'm comfortable with it. I will change in flat if I can no longer handle it." Mahinhin nitong sagot.

Naglakad kami palapit sa pintuan at saka ko iyon binuksan. Inalalayan ko ito papasok. Tumambad sa paningin ko lahat ng kapamilya ko.

"Hi, good evening." Si Mama Scarlet at sinalubong ng beso si Mikaela. "And we meet again."

"Hello po." Tipid na wika nito. Gusto kong mapatampal sa aking noo sa pagiging malamig nito.

"Tama na ako na." Si Mommy Frances at siniko pa nito si Mama kaya natatawa ako.

"Salamat at nagpunta ka. We're expecting you tonight and how clever. Magaling pumili ang anak ko. Ang tangkad at ang ganda ganda mo."

"Syempre sweetheart mana sa akin." Singit ni Mama Scarlet.

"Baka ibig mong sabihin e ako."

Napakamot ako sa ulo. Wala talagang pinipili ang mga ito pero mainam na ng makita ni Mikaela na ganito talaga sila para hindi na mabigla pa kung maging parte na siya ng pamilyang ito. I mean she's already a part pero gusto ko itong pakasalan.

Mikaela cleared her throat. "It's nice meeting you."

"Thunder, older brother of Selenophile" Singit ni Kuya at hinawakan ang kamay ni Mikaela. Akmang hahalikan nito ng tapikin ko iyon.

"Huwag ganyan Kuya." Wika ko kaya natawa ito. Natawa rin si Mama Scarlet.

"Mana nga sayo ang anak mo." Buska nito kay Mommy Frances.

Kinamayan na lang ni Kuya si Mikaela. Inakay ko ito palapit sa living room kung saan ay naghihintay sina Mama Snow, Mama Risen at iba pa.

"This is Mikaela. My girlfriend." Pakilala ko sa lahat.

Tumayo si Mama Snow at bumeso rito. "I'm Winter Snow and this is my wife, Natasha." Bumeso rin si Tita Natasha rito. "And our twins, Natalie and Nathaniel." Yumakap si Ate Natalie rito at bumeso naman si Kuya Nathaniel kaya napaangal si Kuya Thunder ng hindi ko ito sitahin kagaya ng ginawa ko rito kanina.

"I'm Risen."

"Mrs. Giudevaun." Mahinang wika ni Mikaela kaya natawa si Mama Risen.

"Ako nga. One of the owner of HFU and the Mother of Jazmine. I assume you already know my Daughter." Inakbayan pa nito si Jazmine na ayaw tignan si Mikaela. "My son Ri'son Chaster." Humalik din si Kuya Ri'son sa kamay nito. "And my dear wife, Allison." Niyakap ito ni Tita Allison.

"Siguro nagtataka ka kung paano kami naging magkakamag-anak." Patuloy ni Mama Risen. "Snow and I we're first cousins. Snow and Frances are half sisters."

Tinignan ako ni Mikaela ng warning look. Teka lang ha. I didn't do anything wrong.

"Thank you po sa pagtanggap."

"You should be comfortable. Don't mind us being the Giudevaun. You're already a part of this family." Si Mama Snow.

"Kelan ang kasal?" Out of nowhere ay tanong ni Mama Scarlet kaya napatingin ang lahat rito. "What? Alangan namang hindi panagutan ni Mikaela ang anak ko."

"Talaga Scarlet? Ibang klase ka ah." Buska ni Mama Risen dito. "Anak mo pa talaga ang pananagutan samantalang siya ang nambutas. Nauna na nga ang honeymoon kesa kasal."

"Risen!" Suway rito ni Tita Allison.

Itinaas naman ni Mama Risen ang kamay nito na parang sumusuko.

"Ilang buwan na ang dinadala mo Mikaela? Pasensya kana sa bastos na bunganga ng asawa ko." Si Tita Allison.

Hinaplos ni Mikaela ang puson nito. "Magdadalawang buwan na po."

"Sana babae." Si Mommy Frances.

Natawa si Mama Risen. "Pransya, antagal mo ng pangarap ang babaeng anak."

Tinaasan ito ni Mommy ng isang kilay. "Hoy manyak-"

"Mommy ano ba! Kumain na nga tayo." Putol ko sa sasabihin nito. Basta nagkikita ang dalawang ito ay palaging nagbabangayan.

"Let's go and eat please." Si Mama Snow na parang nanakit bigla ang ulo nito.

Nauna ng naglakad papunta sa kitchen ang lahat. Nagmamadaling umalis si Jazmine ng titigan ito ni Mikaela ng malamig. Mukhang natakot kaya mabilis itong umeskapo habang nakakapit kay Tita Allison.

"You didn't tell me you're a Giudevaun."

Napakamot ako sa aking noo kahit hindi naman makati. "I have no reason to and it's like bragging. I don't like to brag about things. Kaya nga hindi kami nagsasabi ni Jazmine kasi gusto namin ng normal na buhay and we won't have that if they knew we are Giudevaun. Well, hindi ako Giudevaun pero iyon ang gamit ni Mommy dahil pinapalitan iyon ni Mama Snow. But Mama Scarlet's intersex kaya sa kanya nasunod ang apelyido namin ni Kuya Thunder. Si Jazmine, siya ang Giudevaun pero ginagamit niya ang surname ni Tita Allison so people wouldn't know about it." Mahabang paliwanag ko rito.

Nakita ko ang alanganing tingin nito. She's kind of anxious kaya hinawakan ko ang kamay nito saka hinalikan.

"Don't think about our status. Si Mama Risen, Professor niya dati si Tita Allison. Si Mama Snow Professor niya si Tita Natasha. You are welcome and love in this family and don't forget you're carrying our child."

"May hindi pa ba ako alam Dominique?" Seryosong tanong nito sa akin.

Meron pa pero hindi muna sa ngayon dahil hinihintay na kami para kumain.

"I will tell you about it later."

At sana lang ay maintindihan nito. Pinaningkitan ako nito ng mga mata bago pisilin ng husto ang mga pisngi ko.

"Aray ko!"

"I don't like to see Jazmine. Ang baho niya." Reklamo nito. Natawa ako. Si Jazmine na halos maligo sa pabango.

"Utang na loob kumain na tayo! Tantanan niyo muna ang isa't isa!" Sigaw ni Mama Risen.

Napangiti si Mikaela.

"Pasensya kana kay Mama Risen. Ganun na talaga iyon at hindi sila magkasundo ni Mommy Frances dati pa raw dahil sa pananalita ni Mama Risen."

Ngumiti ito sa akin pero saglit lang. "I like them."

"I love you." I said.

"I love you too." And for the nth time.






I died.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon