Chapter 6

12.4K 636 50
                                    

Dominique

Ilang minuto bago kami nakarating sa Hyanth Condominiums. Pagbaba ko ay agad akong pumasok sa lobby.

"Magpa-parking lang ako Ma'am." Wika ni Kuya Ilver pagkatapos ako nitong payungan.

"Kuya Ilver, Dominique po. Basta sumunod kana lang po mamaya."

"Yes Miss."

Napailing na lang ako rito bago lumapit sa reception pero dipa man ay sinalubong na ako ni Miss Alyssa. Ang General Manager ng condominiums ni Mama Snow.

"Hello Miss Howard. Good afternoon po. How can I help you Ma'am?"

Ngumiti ako dito. "I need to use my condo. Kailangan ko ang susi Miss Alyssa."

Napatango ito at personal pang kinuha ang key card sa isang vault at magiliw itong bumalik para ibigay sa akin.

"I'll be upstairs at hindi niyo na ako kailangan pang asikasuhin. I can manage myself Miss Alyssa."

Ngumiti ito ng matamis bago tumango. "As you wished Ma'am."

Tumalikod na ako at pumasok sa elevator. Sa may pinakamataas ako dahil sa akin ang isang unit doon na halos tatlong unit ang laki sa loob. It was designed for me. Lahat din kaming mga pamangkin ni Mama Snow ay binigyan nito aside sa mga sasakyan. And Mommy Frances own a share too in here.

Pagkarating ko sa itaas ay lumabas na ako. I am walking towards my unit ng maramdaman kong para akong nanghihina. Tumigil ako bago napahawak sa dingding at pinakiramdaman ang sarili ko. Ilang saglit akong huminga ng malalim bago ulit nagpatuloy sa paglalakad.

Ng makarating ako ay agad kong inilabas ang key card ko at swinipe iyon pero nag-error. I did it again pero mali ulit. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang pagkahilo. I check the unit number and it says H06. I swipe again at error ulit.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis. Hindi naman siguro ito sira diba? But I wasn't prepared ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa non si Mrs. Knutson.

Natigilan ito at ako naman ay parang natuklaw ng ahas. Literal na nanlaki ang mga mata ko habang bahagyang nakaawang ang bibig ko. She crossed her arms habang nakatitig ng malamig sa akin.

"What are you doing here?" Malamig din ang boses nito.

Iyong kaba ko ay mas lalong dumoble isama na pati ang pagkahilo ko. Bumuka ang bibig ko pero wala naman akong maisagot rito. Ano bang sasabihin ko? Tatanungin ko ba kung bakit siya ang umuukopa sa unit ko? Pero bakit naman ibebenta ni Mama Snow ang binigay nito sa akin?

"Um.. I'm sorry po pero hindi ko alam." Sa kawalan ko ng maisasagot ay iyon na lang ang nasabi ko.

I can't tell her na akin ang unit na inuukopa nito ngayon at hindi ko rin alam kung saan magsisimulang magtanong ng mga bagay bagay sa kanya. Knowing she's mute most of the time. Mahirap makipag-communicate sa katulad nito.

Napahawak ako sa aking sentido ng kumirot iyon.

"Excuse me Ma'am. I'm sorry to bother you." Tumalikod ako't lumayo rito. Agad kong binuksan ang bag ko at hinalughog kung nasaan ang gamot ko. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang lagayan nito.

"Ma'am." Nagmamadaling tumakbo palapit sa akin si Kuya Ilver ng makita nito ang hitsura ko. "Ako na po."

Inalalayan lang ako nito habang nakatayo bago kinuha ang bottled water ko at buksan iyon. Agad kong ininom ang gamot ko at ilang saglit lang ay kumalma ako.

"Ayos na po kayo Ma'am?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Dominique Kuya Ilver. Maayos na po ako. Napagod lang."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon