Chapter 20

12.3K 573 48
                                    

Dominique

And here we are again. Nakatayo kami sa harapan ng bahay ni Mrs. Knutson. Kakatok na sana ako ng pigilan ni Jazmine ang kamay ko. I looked at her na may pagtataka.

Para siyang kiti-kiting hindi mapakali.

"What's wrong with you?"

"Uwi na lang kaya tayo? I don't really wanna be here. Hindi ako komportable sa presensya ni Mrs. Knutson. Hindi ko kinakaya ang pagiging malamig at kasungitan niya." Wika nito.

"We are here for that 'under the table'. We had a deal at ayoko ng dagdagan pa iyon Jazzy."

"Kung bakit mo pa kasi hinalikan. Baliw ka rin." Maktol nito.

"Nangyari na. Gusto mo bang makaabot ito kay Mama Allison?"

Umiling ito. "Papatayin ako ni Mommy baka akala niya kinukunsinti kita! Oh my gosh!" Yumakap ito sa akin. "Tulongan mo ako!" Niyugyog pa ako nito.

Natawa ako rito. "Jazmine para kang tanga. Paano kita tutulongan e pareho tayo ng sitwasyon?"

"I don't-"

Naputol ang sasabihin nito ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa non si Mrs. Knutson. My heart thumped so fast just the sight of her at hindi ko alam kung bakit but she's so breathtaking.

She looked fresh and darn. This woman, parang walang asawa. She's so sexy and attractive pero iyong mukha nitong maganda. As-usual, walang emosyon.

Agad na lumayo si Jazmine sa akin at umayos ng tayo.

"Good morning Pr-"

"Get inside." Putol nito sa sasabihin ni Jazmine.

Nakalimutan ng pinsan kong makikita pala kami ni Mrs. Knutson mula sa loob ng bahay nito. So mukha ba kaming tanga kanina habang yakap ako ni Jazmine? Oh help me with all the embarrassing moment of my life with Mrs. Knutson. Napakabad shot ko talaga pagdating dito.

Pumasok kami ni Jazmine sa loob at ako na rin ang nagsara ng pinto.

"Mommy!"

Nanlaki ang mga mata ko ng lumitaw ang bata mula sa taas at yumakap ito kay Mrs. Knutson. Napanganga si Jazmine habang nanlalaki rin ang mga mata nito. The young boy looks like he's seven years old. Boy version ito ni Mrs. Knutson.

"Dang you have a son!"

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa pinsan ko habang si Mrs. Knutson ay tinakpan nito ang mga tenga ng anak nito habang seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Jazmine.

Napalunok si Jazmine. "I'm sorry I'm just shocked Professor."

"Go upstairs Andrews. I'll be there in a minute."

"Ok Mommy." Napatingin sa amin ang bata at saka ito ngumiti. Ang pogi pogi. Sabagay, nagmana sa Mommy nitong maganda. Mabuti at hindi masungit ang batang ito kundi ay minus naman ito sa akin ng pogi points. Hindi lang ang Mommy nito ang magaling mag-minus sa index card ko.

"Hi! I'm Andrews!" He even wave his hand bago ito umalis.

"You don't talk that way in front of a kid Miss Reyes." Wika ni Mrs. Knutson ng tuloyang makaalis ang anak nito.

"Sorry Professor. Nabigla lang ako. I thought wala ka pong anak."

Gusto kong pilipitin ang isang daliri ng pinsan ko. Masyadong matabil ang dila nito. Pwede naman siyang mag-sorry na lang. Ano naman ngayon kung may anak na si Mrs. Knutson? Natural naman iyon kasi may asawa ito pero bakit parang may parte sa akin na nanghihinayang? Na sana sa akin na lang galing ang batang iyon.

Napabuntong hininga ako. Why am I feeling and thinking like this? Am I going crazy over this cold woman?

Humakbang ito palapit sa amin at pareho kami ni Jazmine na napaatras. Itong puso ko para ng luluwa. Am I starting to have a havoc because of her?

Napatigil ito at tinitigan kami ng mabuti. Her eyes were cold and at the same time it's like on fire. Hindi pa ako nakaka-encounter ng ganitong tao yet alone si Mrs. Knutson pa lang. She's so different from all the people I've met. Sabi nila masungit si Mommy Frances noon pero this woman. She's tough and beyond that word.

Tinuro nito ang center table nitong tambak ng mga papel habang hindi kami nito nilulubayan ng tingin.

"You do those papers and stay out of my personal life."

Sabay kaming napatango ni Jazmine. Ilang saglit lang ay may kumatok. Siguro si Mr. Knutson galing trabaho. Doctor siya diba? Pero iba ang bumungad ng buksan ito ni Mrs. Knutson.

Isang matangkad rin na babae at parang aristokrata. Wala itong kangiti ngiting pumasok sa loob. Hindi namin alam ni Jazmine kung babatiin namin ito o hindi. Napatingin ito sa amin.

"Who are these junks? You let strangers inside your house?"

Sinong basura?

Napakrus ang mga braso si Mrs. Knutson sa dibdib nito.

"You're here to get Andrews. It's none of your business whoever I wanted to come inside this house. My house."

Siguro biyenan nito? Pero bakit naman ganito ang trato nila sa isa't isa? Alangan namang Mommy ito ni Mrs. Knutson e ni hindi nga sila magkamukha at pareho lang na malamig at masungit.

Nakita kong bumubukol ang pisngi ni Jazmine. Kinakabahan ito kapag ganun pero nakakadiri ang dila nitong nilalaro sa loob ng bunganga nito. Bahagya na lang na napalobo ko ang pisngi ko dahil hindi ko ito masaway.

"I care because my grandson is here. Where is he?"

Ganito pala kapag nagkaharap ang dalawang yelo.

"Upstairs."

Walang salitang naglakad ang babae papunta sa taas.

"Got anything to say Reyes?!" Mrs. Knutson's eyes were fiery.

Umiling ang pinsan kong para ng naputolan ng dila. Nakita kong napabuntong hininga si Mrs. Knutson bago nito sinuklay ang bagsak nitong buhok gamit ang mga daliri nito and she looks so hot in a slowmo.

Ilang sandali ay bumaba na ang babae habang hawak sa kamay ang batang lalaki. Mabilis na lumapit ang bata sa Mommy nito saka ito yumakap.

"I'll see you soon again Mommy."

Mrs. Knutson simply tap her son's shoulder. "Always behave."

"I will Mommy." Yumuko si Mrs. Knutson para halikan ng bata ang pisngi nito.

"Bye Mommy!"

Walang paalam ang babaeng umalis. Ng sumara ang pintuan ay hindi ko mapigilang hindi magsalita.

"You shouldn't let your son with that woman. The woman doesn't look nice."

Mrs. Knutson eyed me for a second. "That woman's my Mom and he's my nephew. But I don't know why am I explaining to an idiot."

Iyon lang saka na ito umalis. Nagkatinginan kami ng pinsan ko.

"No wonder she's like that." Jazmine commented. "Like mother like daughter."

"I agreed. Let's get to work before our Mom's will find out and we're both dead."

"Aye. Let's finish it and let's go home. This is witch's lair!" Nauna na itong umupo sa couch at hinagilap ang mga papel sa lamesa.

I stared at the stairs where Mrs. Knutson walked up to her room.

I wanna know what happened to you, Mikaela Knutson..






____
HAPPY NEW YEAR MGA BAKLA ! KeiRosian's @#2022

Gabi na naman at ako'y nandito para maghasik ng kalandian 😂🤣 sa mga marurupok diyan . wag muna ngayon haha .

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon