Chapter 59

11.7K 603 39
                                    

Dual Point of View♣️

Mikaela

"Kakain na ang baby naming maganda." Wika ng asawa ko habang nakaangat ang kutsara para suboan nito si Vega Astrophile. Ang dalawang taong gulang na baby girl namin.

I named her Vega as it means a falling star. At dahil Selenophile ang pangalawang pangalan ng asawa ko which means a moon lover kaya nilagyan ko rin ng pangalawang pangalan ang anak namin, Astrophile which means a lover of sky.

I'd like her to be my falling star in the sky.

Walang imik na tinanggap ng anak ko ang pagkain nito. Vega Astrophile, isa itong tahimik at mapag-obserba. Hindi ito katulad ng ibang batang palaging nagbe-baby talk and at her age, dapat ay madaldal ito pero kabaliktaran.

Minsan ko lang ito marinig magsalita ng Mommy sa akin.

Nag-worry pa si Mommy Frances noong una na baka may problema ang apo nito pero kilala ko ang anak ko. She's normal. At para pagbigyan si Mommy Frances ay dinala namin ang anak ko sa Doctor para mapatignan ito.

She doesn't have any problem. Normal ito at mas lalong hindi pipi kagaya ng sinasabi ng iba. Hindi naman kasi palasalita ang anak ko. Mommy Frances even asked the Doctor kung posible bang may Einstein Syndrome ang anak namin ni Dominique pero ang sabi nito ay wala.

An Einstein Syndrome can occur when children talk late. Our baby can talk if she wants to but she chose not to. And so, the conclusion came na nagmana ito sa akin.

She opens her mouth when it's important and chose not to when she thought it's a waste of time.

A definition of good girl to me.

"You're a very attractive baby and I'm glad you're mine. Nagmana ka kay Mommy diba?"

"Of course." I agreed. "She came from me."

Natawa naman ito. "Laki ng ulo." Bulong nito na narinig ko rin naman.

"Kaltok gusto mo?"

"Biro lang." Ipinagpatuloy nito ang pagpapakain kay Vega.

I can't say I'm lucky to have Dominique in my life kasi alam kong this is more than a luck. She's a blessing. Her whole family accepted and love me. Lalong lalo na sa mga magulang nitong napakabuti, napakaalalahanin, at sobrang supportive.

Hindi ako naniniwala sa away ng mga biyenan as I don't experience it with Mommy Frances na palaging nakaalalay sa amin ng asawa ko. Sa tingin ko, lahat naman sila. Si Tita Snow, Si Tita Risen na kahit may tama talaga sa bibig nito ay napaka-responsable naman. She's actually cool. Hindi lang ako makapaniwalang nagawa nito ang mga bagay kay Tita Allison noong ito pa ang Professor sa HFU. Si Tita Amber, Tita Swan, Tita Jen, at Tita Xen. I learned a lot about them. About their love stories. Aminin ko man o hindi. I'm amazed.

Lumapit ako kay Dominique at yumakap rito. Being married to her, it's the best thing that ever happened in my life and having her baby is the best thing that changed me as a person.

"I love you Dominique."

Napangiti ito sa akin bago ako nito yakapin pabalik at halikan. Tinakpan ko ang mga bibig naming magkahugpong dahil nasa harapan lang ang anak namin. She's young and she might not remember pero sobrang mapagmasid ang anak namin. I don't want her to learn things at a very young age.

"I love you too." Sagot nito habang nakayakap pa rin sa akin at namumula ang mga pisngi habang nakangiti. I still have that effect after two years in marriage.

"Gusto ko ng sundan si Vega." I'm thirty two already. I was twenty nine when I got pregnant and gave birth to Vega at thirty. Hindi na ako bumabata at gusto ko ng dalawang anak.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon