Chapter 15

11.7K 563 41
                                    

Dominique

"Mommy."

Tumingin sa akin si Mommy Frances habang nakaupo kami sa lounge. Sunday ngayon kaya lumabas kami para mag-bonding bilang isang pamilya. Matagal na rin kasi naming hindi nagagawa dahil nga nagpunta si Mama Scarlet sa Holland noon. Si Kuya Thunder ay busy din naman sa negosyo.

"Ano iyon sweetheart?"

"Ano pong mangyayari kapag namatay ang isang tao?"

"Now why is that? Hindi ko gustong naririnig iyan sa iyo Selenophile. Besides, hindi ko alam. Malalaman lang talaga kapag nandon na mismo."

Napabuntong hininga ako. Lumapit si Mommy sa akin at hinawakan nito ang baba ko.

"Nothing will happen to you. We're still finding the right match for you."

Napangiti ako rito pero hinalikan lang nito ang magkabilaang pisngi pati na rin ang noo ko.

"You're too precious for me to lose you. Now now, wala ka pa bang napupusoan sa school niyo?"

Tinignan ko ito ng alanganin. "Wala?"

Natawa si Mommy sa akin. "Bakit parang hindi ka yata sigurado sweetheart?" Alam kong nanunukso ito pero kapag pinatulan. Nagiging asar talo kaya nga gustong gusto itong pinagti-tripan ni Mama Risen e.

Then the image of Mrs. Knutson pop out. Sinfully gorgeous. Sophisticated and snob.

Sungkitin mo. Naalala ko ang sinabi ni Mama Scarlet sa akin kaya wala sa loob na napakamot ako sa ulo.

"Mommy, ano kaya kung sungkitin ko kahit may asawa na?"

Nanlaki ang mga mata nito sa akin. Gusto kong matawa sa mukha nito.

"No! Look sweetheart, hindi mo gagawin ang bagay na iyon ok? Hindi tama."

"Propesora ko po." Gatong ko pa at mas lalong nanlaki pa ang mga mata nito.

Hindi ko na napigilan kaya't natawa na ako. Tinakpan ko ang aking bibig pero hindi ko napaghandaan ang pagpingot ni Mommy sa tenga ko. Hindi naman grabe pero masakit pa rin.

"Aray Mommy! Nagbibiro lang ako."

"Hindi nakakatuwa iyang biro mo. Anak, maghanap ka ng iba ok? Huwag sa may sabit kasi mahirap iyon. Either ikaw ang piliin kung pareho kayo ng nararamdaman o ang asawa pa rin kung ikaw lang ang nagmamahal. O kung ikaw man ang piliin. Maraming consequences, handa ka ba don? You will have a lot of heartaches coming in your way. Marami kang isasakripisyo. Marami kang itataya. Handa ka ba non?"

Napangiti ako. "Hindi po ba kapag mahal mo Mommy hahamakin mo ang lahat? As long as you have trust and faith sa taong iyon. Then the love will conquer it. Ikaw nga diyan Mommy niloko mo si Mama at pinaasa tapos-"

Hinalikan nito ang pisngi ko. "That was done. Nagsisi ako, humingi ako ng tawad at bumawi pero magkaiba ang kaso namin sa sinasabi mong gusto mo ang may asawang Propesora mo." Napabuntong hininga ito bago ako niyakap kaya niyakap ko rin ito pabalik.

"We cannot choose the person we fall inlove to. Tama man o mali. It's your choice after all kung susundin mo ang sinasabi ng puso mo. Only you can make yourself happy and free and your choices matter. Hindi ko sasabihing mali ang taong minahal mo pero mahal ka ba?"

"Tamo tung mahal kong konsintidor."

Natawa ako sa bungad ni Mama Scarlet. Kumalas ng yakap sa akin si Mommy. "Kesa naman sa iyong puro kalokohan ang inaaral mo sa mga anak natin."

Naupo si Mama Scarlet sa gilid ng lounge ko. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"Si Selenophile. May crush sa kanyang Professor."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon