PROLOGUE

54 4 0
                                    

"Jacob, what did I tell you last time?"

Narinig ko na iritang sinabi ni Alyza habang tinitingnan ang lalamunan ng isang batang lalaki. Napa-iling na lamang ako ng ulo bago sila nilapitan.

"Anong nangyayari dito, Alyza?" bulong ko sakaniya.

Halatang-halata na pagod na siya dahil galing pa siya ng US at dumiretso lamang dito. Napalingon ako sa bata at nakita kong parang natakot siya sa kaibigan ko.

"Ilang beses ko ng sinabi sa batang 'to na huwag muna kumain ng matatamis," tiningnan niya muli ang bata bago nagpatuloy. "He's my patient, Jacob. Asthmatic pa naman siya."

Ngumiti ako sa bata at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.

"Hi Jacob, I'm Dr. Amaris Jian Delos Reyes but you can just call me Dr. Amaris. I heard that you're a very good boy," sinabi ko sa bata habang inaayos ang kaniyang buhok.

You know sometimes all you have to do is to talk sweetly to the child and maybe give them a reward so that they'll listen.

He looked so familiar yet I coudn't think of any place where I might have met him before. Parang kamukha niya si--impossible...baka chinito lang talaga ang batang 'to. Baka nagkataon lang rin at maaaring nakita ko lang siya dito noon kasi doktor niya si Alyza.

Parang unti-unting nawala ang takot ng bata kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"You know I have these very delicious sandwhiches that I made. If you listen to Dr. Alyza then I might share it with you."

The moment he heard the word "sandwhiches" eh parang nakakita ata ng gold ang bata. Agad-agad na nanlaki ang kaniyang mga mata at sinabing makikinig na raw siya.

Napatawa lamang kami ni Alyza habang hinayaan muna si Jacob na maglaro sa gilid ng office. May naalala ako bigla kaya tinanong ko si Alyza.

"Teka, bakit nga ba mag-isa lang si Jacob dito? Nasaan mga magulang niya?"

Umupo muna kaming dalawa habang inabutan niya ako nung paborito kong unan.

"As far as I know, artista daw yung dad ni Jacob habang yung mom naman niya eh iniwan sila." Napatingin ako sa batang naglalaro at nakita kung gaano siya kasaya sa mga laruan. Hindi ko maisip kung paano nagawa ng nanay niya na iwan ang isang anghel.

"Alam ko na naman kung ano ang iniisip mo Amaris," napataas ang kilay niya habang tumatawa.

"Hmm kilala mo talaga ako hahahaha. Baka ito talaga dahilan kung bakit ko pinili ang pediatrics," sagot ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya ako napalingon agad dito.

[Mama is calling...]

Sumenyas ako kay Alyza na may tumatawag sa akin bago ako lumabas. Lumayo ako at naglakad sa may exit area para walang tao.

"Hello Ma," Sagot ko sa kaniya.

"Amaris, huwag mong kalimutan na nag-promise ka kay Celine na ipapasyal mo siya," pinaalalahanan niya ako.

Napamura ako ng mahina dahil muntik ko ng makalimutan na ipapasyal ko pala si Celine mamaya.

"Yes ma, 'di ko naman nakalimutan 'yun," sabi ko habang napapikit ako sa stress.

Pagkaputol nung tawag ay naglakad ako pabalik sa office ni Alyza at nakita na umalis na pala si Jacob.

Sighing, I was about to sit down beside her nung napansin ko na naiwan ni Jacob yung panyo niya. Dahil nga natulog na si Alyza eh ako na lamang ang kumuha sa panyo.

Nagmamadali akong lumabas sa kwarto habang tumitingin sa paligid, umaasa na maaabutan ko pa sila.

Naglakad ako ng mabilis hanggang sa umabot ako sa lobby ng opsital. May nakita akong matangkad na lalaki at isang bata na naglalakad papunta sa may pintuan.

Nakasuot ng blue polo shirt yung bata kagaya nung kay Jacob kaya tumakbo kaagad ako habang tinatawag ang kaniyang pangalan.

"Jacob!" Sigaw ko, "Jacob, you left your handkerchief!"

Napatigil ng paglalakad ang matangkad na lalaki habang lumingon naman si Jacob. Tumakbo siya tungo sa akin at kinuha ang panyo niya sabay sabi ng "thank you".

Naiwan ang tingin ko sa lalaki dahil hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Kinuha ni Jacob ang kamay ko sabay sabi ng "meet my Dada".

Sumama ako sa kaniya at naglakad patungo sa Dada niya.

Bawat hakbang ay parang dinudurog ang aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nanlamig ang aking mga kamay.

"Dada meet Dr. Amaris!" Jacob spoke cheerfully habang ngumingiti sa Dada niya.

Parang nabuhusan ang buong katawan ko ng malamig na tubig. Parang bumabalik ulit ang sakit na aking naramdaman kahit labindalawang taon na ang nakalipas.

"Dr. Amaris," malamig na sabi niya habang tumango siya sa'kin.

Ang dating tingin niya na puno ng saya at pagmamahal ay nawala na. Napalitan na lamang ito ng mga tingin ng isang tao na 'di ko na lubusang makilala.

"Atty. Lim," mahina kong sinabi habang nakatitig sa kaniya.

I met him again after 12 years.

The one who broke me into pieces.

My beautiful mistake.

Soulless Dream of AmarisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon