Chapter 2

12 3 0
                                    

"-oh tapos? Eehhh iba talaga 'tong kaibigan ko! Ang rupok mo!" Biro ni Alyza at Katherine habang tumatawa. Nasa Discord kami ngayon kasi tinapos namin yung homework namin sa Physics.

Isang buwan na ang nakalipas mula nung  naging follower ako ni Daniel Lim sa Tiktok. Simula noon ay palagi na akong nag-aabang sa mga post at live niya maging sa IG na rin. Masasabi ko na crush ko na talaga siya.

Unang araw ngayon ng Abril at sobrang pagod na ako sa mga gawain sa online class ko. Dahil sa kagustuhan kong ma notice ni Daniel ay gumawa ako ng fan account sa Tiktok kung saan ko ibabahagi ang mga edits ko sa kaniya. Sana naman ma notice na niya ako.

"Anak kain na tayo ng hapunan!," tawag ni papa sa akin.

Nagmadali akong magpaalam sa kanila ni Katherine at bumaba na sa dining room.

Pagkaupo ko sa hapag-kainan ay biglang tumunog ang aking cellphone. Hindi ko lang ito pinansin kasi nga mapapagalitan ako kapag ginawa ko 'yon. Habang kumakain ay biglang nagsalita si papa.

"Napapadalas yata yung pagtulog mo ng madaling araw, Amaris?"

Napatingin ako kay papa at sasagot na sana kaso nagsalita rin si mama.

"Napapansin ko na palagi kana lamang naka babad diyan sa cellphone mo hanggang gabi," simula niya. "Huwag mong sabihin na may jowa ka na?" Mapanghusgang sinabi ni mama.

Dahil dito ay napatawa ako ng malakas at nagsalita, "Naku! Ma, Pa, huwag kayong mag-alala kasi itong bunso niyo ay gustong mag-aral muna bago 'yang jowa-jowa na 'yan."

Nagtinginan sila bago ngumiti ng kaunti.

"Buti naman sa ganoon! Studies first, Amaris," paalala ni mama.

Tumango ako at ngumiti sa kanila. Parang malabo naman na magka jowa ako kasi nga wala namang nagkakagusto sa'kin. Tsk.

Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si mama sa paghuhugas ng pinggan at umakyat rin pagkatapos sa aking kwarto. Binuksan ko ang aking Tiktok at muntikan ng napasigaw ng malakas sa nakita.

Daniel Joaquin Lim
started following you. 1h

Daniel Joaquin Lim
commented: hahahaha hello 1h

Totoo ba 'tong nakikita ko?! Kahit anong pikit at dilat ko sa aking mga mata ay yun pa rin ang nakalagay sa aking notifications. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang saya at gulat.

Sa sobrang saya ay naganahan tuloy ako na gawan siya ng bagong edit. Buong gabi ay nag-eedit lang ako hanggang sa natapos ko na ang video. Pinost ko sa aking account at naghintay muna nga ilang minuto, nagbabakasakaling ma notice na naman niya.

[1 Notification]

Kaagad kong chineck ang notification at napangiti sabay kuha sa aking unan. Niyakap ko ito ng mahigpit sa kilig.

Daniel Joaquin Lim
commented: BRUH HAHAHAH NICE

Kahit yun lang ang comment niya ay nagdala na ito ng ibang lebel ng kasiyahan at kilig sa akin. Natawa rin ako kasi ang kalat nung video edit na pinost ko. Baka nahihiya yun ngayon dahil sa ginawa ko.

Hinalikan ko ang aking cellphone bago ito nilagay sa side table. 'Di ko namalayan na unti-unti na pala akong napapikit habang nakangiti. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na agad ako. Umaasa na makikita ko siya sa aking panaginip.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thanks for reading!


Comment.Vote.Share











Soulless Dream of AmarisWhere stories live. Discover now