Chapter 8

12 2 0
                                    


"Vern and Jamie have been together for 2 years now," Kuwento niya sa akin.

"Alam ko na naguguluhan ka but trust me, biruan lang talaga yung tawagan nilang 'yon kasi parte si Jamie sa barkada namin. But remember na hindi mali yung reaksyon mo and it was brave of you to confront him."

Her words kept circling my mind as I stared at my ceiling. What she said made me reflect on myself. I think I just overreacted and let my emotions take over me.

Kagabi may natanggap din akong message mula kay Tim, yung isang kaibigan ni Dan na sikat na model nung maliit pa siya. Kinamusta niya ako kasi nga daw nagmessage si Dan sa kaniya. Hanggang ngayon hindi ko pa sinasagot ang message niya.

Nakakamangha dahil gusto ko siya dati noong hindi ko pa nakikilala si Dan.  Palagi akong nanonood ng Tiktok videos niya noon kahit na kasama niya ang iba niyang kaklase. Baka iyon rin ang dahilan kung bakit familiar si Dan para sa akin.

Gusto ko muna putulin ang komunikasyon ko sa lahat maliban sa aking pamilya para naman ako'y makapagfocus sa sarili at sa mga gawain ko na rin.

Lumipas ang dalawang linggo na hindi ako sumasagot sa mga tawag at message ng aking mga kaibigan, maging sina Marem. Natapos ko na rin ang aking defense presentation at sa awa ng Diyos ay nakakuha ako ng mataas na marka.

Ika-2 ng Hunyo ngayon at papalapit na ang aking kaarawan. Mabigat sa aking loob dahil hindi ko makakasama ang aking mga kaibigan dahil sa pandemya.

Malapit na rin akong magmove-up kaya Senior High School student na ako sa susunod na pasukan. Napakadali pala lumipas ng panahon.

[3 Messages] Instagram

Today 6:27 pm

"Please Mari, let's talk."

"I miss you."

"I never thought of betraying you...ever."

Tinitigan ko lang ang kaniyang mensahe habang ako'y napaisip sa sarili. Mula noong kinausap ako ni Marem, alam ko na totoo lahat ng sinasabi ni Dan. Ngunit ang dahilan kung bakit ako humingi ng space ay hindi dahil doon. Sinabi ko 'yon dahil hindi na ako sigurado kung kaya ko pa bang magsinungaling sa pamilya ko.

"Let's talk."

Reply ko sa kaniya matapos ang ilang minutong pag-aalinlangan.

Ilang segundo pa lamang ang lumipas pero binuksan na niya agad ang message.

Daniel Lim is calling...

Huminga ako ng malalamin bago sinagot ang tawag niya. Mariring ko ang malakas na tibok ng aking puso.

"Amaris..." I could hear his voice break.

"I'm sorry," Mahina kong sinabi.

"Don't be," He said softly as he continued, "please give me another chance, Mari."

Tumulo ang aking luha at hindi mapigilan ang ingay ng aking pag-iyak habang siya'y nagpatuloy.

"Seryoso ako sa'yo Mari at gagawin ko ang lahat para sa'yo."

Pinunasan ko ang luha sa aking mata at pinilit ang sarili na magsalita.

"I don't know if I'm ready with this kind of relationship Dan..." I trailed off.

"Please, let's make a deal," I could hear the desperation in his voice as he spoke once again. "If I get to know when your birthday is then you'll give me a chance...give us a chance."

I nodded and replied, "Kung hindi mo man malaman kung kailan ang kaarawan ko then you'll have to leave me be."

Maririnig ko ang malalim na paghinga ni Daniel bago siya sumagot sa akin.

"Deal," He stated.

"Goodluck, it's not easy to know my birthday Daniel," I mocked. "I don't post much."

"It's not easy to get rid of me Mari," He teased. "I just like you too much."

Napatawa ako ng bahagiya sa kaniyang banat. Alam niya talaga kung paano ako pangitiin.

"We'll see."

At iyon na nga ang simula ng pag-alam niya sa aking kaarawan. Bawat araw ay nagtataka ako kung ano ang ibig niyang sabihin na may sorpresa siya sa'kin.

Sa kabilang dako, nagsisimula ng maghanda sina mama para sa aking kaarawan. Iyon ay ngayong paparating na Sabado, ika-26 ng Hunyo.

Dalawang araw nalang at malalaman ko na kung ano ang inilaan ng tadhana para sa amin.

Iyon ay kung papalarin kami...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hey guys!

     A new journey for the both of them is coming up. By then a new set of excitement and adventure awaits Amaris. I hope everyone will support this book all thoughout.

Thank you for reading!

Vote.Share.Comment.

Soulless Dream of AmarisWhere stories live. Discover now