Chapter 17

7 1 0
                                    


Pagpasok ko sa Westpoint Club ay agad kong nakita sina Lia, Yna, at Katherine. Nahuli ako sa pagdating dahil may dinaan pa ako sa Library. Mukhang nagsimula na sila sa inuman dahil namumula na ang pisngi ni Yna. Halata talagang madali siyang malasing.

"Akala namin 'di ka na darating," Umusog si Kath para makaupo ako sa tabi niya sa bench.

Kumuha ako ng isang beer at uminom bago nagsalita. Napansin ko na lahat sila nakasuot ng kulay itim habang heto ako nakapula.

"Sorry, may dinaanan lang ako sa library. Bakit itim lahat ng suot niya?"

I knew something was up as soon as Kath snickered. She moved closer to me and whispered, "Yna caught Nicolas cheating on her with his bestfriend."

Lintek na Nicolas yan! Sabi ko na nga ba at parang mayroong namamagitan sa kanila nung bestfriend niya.

"Bestfriend my ass," I cursed and rolled my eyes. Kawawa naman si Yna.

Tatlong taon na silang magkarelasyon kaya alam ko kung gaano kasakit ito para sa kaibigan ko. She's been through a lot in life and this fucking idiot added up.

I sighed and turned my attention to Yna. Kaya pala naglalasing siya ngayon.

"Alam mo na hindi siya mahilig uminon diba?" Nag-alala si Kath.

Nag-aalala din ako para sa kaniya ngunit alam ko na ginagawa niya ito para makalimutan ang sakit na nararamdaman.

"Hayaan muna natin siya ngayon. Let's just look after her," I spoke.

I drank my beer and looked around to see people playing around. Ito yung paborito naming tambayan at palagi kaming nandito kung stressed kami sa mga aralin.

Tinikman ko ang mga pulutan sa lamesa at inenjoy ang kantang pinapatugtog.

"Amaris!" Natatarantang tawag ni Lia sa akin. She nodded her head towards the door where Daniel, Marem, and Tim were standing.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa umupo sila doon malapit sa naglalaro ng billiards. Sinabi ng sarili ko sa'kin na ako'y magtago o 'di kaya'y umalis na, pero alam ko duwag lang ang gagawa nun.

"Pinaglalaruan ata kayo ng tadhana, Mari," biro ni Kath.

Bumuntong hininga ako at tumayo para maglakad tungo sa kanila. Ito na ang sign na hinihingi ko simula kanina. I'm sure of it.

"Amaris are you out of your mind?!" Lia was too stunned.

I turned to her and smiled reassuringly. Natawa naman ako kay Yna dahil parang wala siyang kaalam-alam sa nangyayari at panay kain lang ng pulutan.

Bawat hakbang ko ay lumalakas rin ang tibok ng aking puso. Nanlalamig ang aking kamay sa kaba.

Nakaharap ang likuran ni Daniel sa akin kaya hindi niya ako nakitang naglalakad papunta sa kanila.

"Amaris?" Marem called out in shock as she stood up to hug me.

I hugged her back and smiled a little. Tumayo si Tim at ngumiti sa akin habang nanatiling nakaupo si Daniel. Nakatitig lang siya sa akin at natulala.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng napakagandang anghel, at ganyan ka makatitig sa'kin?"

I heard Marem broke out in laughter and teased him, "Ingay-ingay mo kanina tapos ngayon parang naputulan ka ng dila!"

I smirked knowing the effect I have on him. It makes me feel powerful.

"Oo, ngayon lang ako nakakita ng isang napakagandang anghel, dahil ikaw lang naman ang nag-iisang anghel ng buhay ko."

Soulless Dream of AmarisWhere stories live. Discover now